Ramdam ni Gwen ang kaseryosohan ng kanyang mga magulang na iuwi siya ng London, sa bagay, sa mga nangyari sa simbahan noong kasal nila ni Blake ay batid na masyado silang naapektuhan. 'Magbabayad sila,' ngitngit nang kanyang kalooban. "Anak, doon nakapagbabagong-buhay ka, forget about Blake, marami pang lalaking kaya kang mahalin at alagaan. Akala mo ba ay hindi namin alam na hindi ka man lang niya tinulungan sa pagsasaayos ng kasal ninyo dahil in-love siya s ibang babae," palatak ng kanyang ina na kinakunot niya. "How did you know that!" galit na asik sa ina. "Oh come on, Gwen, hindi naman kami pabayang magulang, despite our busy schedule we know what happening, hindi ka lang namin pinigilan kasi akala namin 'yon ang magpapasaya sa 'yo," turan pa rin ng kanyang ina habang ang ama ay n