Nabigla ako nang pagdating ko sa pwesto namin ay nakita kong may magandang bouquet na naghihintay sa 'kin, nagpalinga-linga ako sa buong lugar ngunit wala akong nakitang tao. Maaga pa kasi 'yon kaya hindi ko na inaasahan na makikita ko pa ang naglagay noon doon, kaya siniyasat ko na lamang ang bulaklak at akmang babasahin ko ang maliit na note nang may nagsalita sa 'king likuran. "Do you like it?" ani ng baritonong tinig na gumulat sa 'kin. "Anak ka na–" putol kong turan sa kabiglaan. Shock akong napalingon at nakita ako ang nakangiting mukha ni Clint. "Clint?" bulalas ko. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "Yes, the one and only, sorry if I scares you," palatak nito. "It's okay, sabi ng mga staff mo ay nasa Manila ka raw, um-attend ka ng kasal ng best friend mo," bulalas na wik