Napatingin siya sa bata ng harapin nito ang nakakatandang kapatid at saka tinarayan. Gusto niya matawa dito pero pinigilan niya ang sarili. Para itong matanda kung kumilos para sa edad nito. "Why?! Kuya make her as your girlfriend!" Reklamo ni Malia sa Kuya nito na napakamot na lang sa ulo dahil sa kapatid. Gulat siya na tumingin sa dalawang nag-uusap. Ang bata pa nito para sabihin at malaman ang mga gano'ng salita. Kita niya na bumitaw si Marliah sa pagkakapit sa Kuya nito at nilapitan ang kakambal na hanggang ngayon ay tinatarayan ang nakatatandang kapatid na lalaki. "Malia." Pagtawag ni Marliah sa ka-kambal. Mukha naman napansin ito ni Malia dahil tumingin ito kay Marliah. Kita sa mukha ng bata ang pagiging seryoso sa mga oras na iyon. "Stop being annoying," matalim na sabi ni Mar