Nilingon ni Feira ang nagsalita at saka sinamaan ng tingin. Napatanga siya ng makitang si Clark iyon. Anong ginagawa nito sa ganitong lugar? Sinusundan ba siya nito? "What are you doing here?" Takang tanong niya sa lalaki. Clark was wearing a plain white shirt and one pair of jeans. He looked hot in that simple shirt. Damn! What is she thinking? "I'm with my siblings," sagot naman nito sa kanya. Ang bait naman na kapatid nito kung ganon. Lagi kaya nitong sinasamahan ang kapatid nito sa park? Sana siya man mayroong kapatid. Gusto niya ng may Kuya siya nang may nagtatanggol sa kanya, pero only child lang siya. Her eyes went big when Feira realized that she let go of the necklace from her grandmother. Fuck! No! Mabilis na hinanap niya ang kwintas. Hindi na niya pinansin pa ang binata.