Kanina pa ako tahimik na umiiyak. Maalim na ang gabi at ayaw kong magising si Marthina. Mula nang dumating ako dito sa unit mula nang magkausap kami ni Dos ay walang tigil na ang pag-iyak ko. "Jazz! Okay ka lang ba?" Gusto ko mang sumagot pero hindi ko magawa. Nagkulong ako dito sa loob ng banyo at patuloy lang sa pag-iyak. "Ate Jazz, baka mapaano ka. Tama na. Lumabas ka na dito. Pwede mong ikuwento sa amin ang napag-usapan ninyo ni Kuya." "Jazz... please... nag-aalala na kami sa 'yo... kung ayaw mong lumabas, kami na lang ang papasukin mo diyan sa loob." Sukat sa narinig kong sinabi ni Ricky, agad kong binuksan ang pintuan. Pero sinadya kong liitan lang ang pagkakabukas. "Si Marthina?" tanong ko sa pagitan ng mga pagsinghot sa tatlo nang mabungaran ko sila sa labas ng banyo. "Ay