Dos... pipi kong sabi. Saglit kong pinagmasdan si Dos. Hindi na siya ang dating masayahin ang mukha na Dos. Seryoso na ang mukha nito. Para bang walang ni katiting na kalokohan sa katawan. Tahimik akong naglakad. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Kinakabahan ako sa nakikita kong itsura ni Dos. Galit at poot, combined. Iyan ang nakikita ko ngayon. Bahagya akong yumuko. Hindi ko kayang tagalan ang titig ni Dos sa akin. Pero paano ako lalabas? Paano ko siya lalampasan? Teka lang, Jazz. HIndi ba at naghahanap ka ng pagkakataon na makausap si Dos? Eto na, oh! Eto na 'yung pagkakataon mo. Wait, dito sa loob ng convenience store??? "Who gave you the permission na tirhan ang unit ko sa itaas?" madilim ang aura na tanong niya sa akin. "Ang galing mong magtago, di ba? Bakit ngayon big