CHAPTER 3 - NOCHE BUENA

2011 Words
"Upo na po kayo," nakangiting sabi ni Angelica sa mag-asawang de Guzman. Ipinaghila pa niya ito ng mga upuan. Magkahawak-kamay naman kaming nakatayo ni Pablo sa likuran nila. Hinihintay ko lng na maka-upo silang tatlo nila Tito Claudio, Tita Bridget, at Roselle, para igigiya ko naman si Pablo para maupo sa malapit sa kanila. Pero nagulat na lang ako nang balingan ni Angelica si Pablo. "Tara Pablo, dito ka na maupo," sabi ni Angelica, sabay hila kay Pablo. "Eto namang si Jazz, hindi ka pa paupuin..." At dahil magkasalikop ang mga kamay namin ni Pablo, natangay niya ako. Nakaupo na kaming lahat. Hinihintay na lang namin si Mama na sinundo si Papa, para masimulan ang hapunan. Kadarating lang din ni Fritz, at nakaupo na sa tabi ng puwesto ni Mama. Sa kabila niya ay si Roselle, habang katabi naman ni Roselle ang kayang Mama, at ang Papa naman ni Pablo ang kasunod. Katabi ko si Pablo, habang nasa kabilang panig niya si Angelica, na medyo nakakapagtaka dahil normally, sa tabi ng kabisera siya umuupo. Sa tabi ni Papa. Kaya ako tuloy ang napa-upo ngayon dito sa dati niyang puwesto. “Pablo, balita ko… hands-on ka na ngayon sa company n’yo…” Napatingin ako bigla kay Angelica nang narinig ko ang komento niya na ‘yun kay Pablo. Nilingon siya ni Pablo, at saka bahagyang ngumiti. “Ah, oo. Kailangan, eh.” “Sabi ko naman sa iyo, iho… mag-enjoy ka muna. Kayo ni Jazz. Matigas lang ang ulo mo, eh,” nakangiting sabat ng Papa ni Pablo, habang nakatingin sa kanya, pagkatapos ay tumingin sa akin. Nginitian ko si Tito. Wala namang problema sa akin kung ano ang gustong gawin ni Pablo. Hindi naman ako hahadlang sa mga plano niya. Tutal, bagong graduate pa naman kami, at lubha pang bata sa pag-aasawa. Nakangiting ibinaling ko ang tingin ko kay Pablo. Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko si Angelica. Napansin kong matalim itong nakatingin sa akin, pero bigla rin namang umaliwalas ang mukha nito nang magtama ang mga tingin namin. “Ganun din ‘yun, Papa. Mas mabuti ngang maaga pa lang, matutunan ko na ang pasikot-sikot ng negosyo natin. Para kapag na-master ko na, pwede ko nang pakasalan si Jazz.” Pagkasabi nun ay nakangiting binalingan ako ni Pablo. “Okay lang naman sa iyo ‘yun, di ba sweetheart?” “Oo naman! Wala namang problema dun,” nakangiting sagot ko kay Pablo. Tumingin naman ako sa Mama at Papa niya. “Besides, hindi ko pa rin naman alam po ang gusto kong gawin sa ngayon.” “Pwede kang pumasok muna sa kumpanya ko, Jazz. Kung wala ka pang definite na gustong pasukan na kumpanya,” alok sa akin ni Tito Claudio. “Pag-iisipan ko po, Tito. Pero balak po sana namin ng mga kaibigan ko na mag-put up ng small business…” “Ay, sayang naman… pagkakataon n’yo na sanang magkasama ni Pablo sa trabaho,” nakangiting singit ni Tita Bridget. Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Angelica. “Tito, baka po pwede akong mag-OJT sa office ninyo?” Napamaang ako sa sinabi ni Angelica. Bakit niya pahihirapan ang sarili niya na mag-OJT sa Manynila, gayong dito siya nag-aaral sa San Clemente? Gusto ko sana siyang kumprontahin, pero baka mauwi na naman sa away naming dalawa. “Ano ‘yung narinig ko, Angelica?” Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. “P-Papa!” tila takot na sabi ni Angelica. Biglang nagsipagtayuan ang buong pamilya ni Pablo, para magbigay galang kay Papa. Nagkanya-kanya silang bati ng ‘good evening’ sa kanya. Nasa likuran naman ni Papa si Mama. Bahagya lang tumango si Papa bilang responde sa pagbati nila. Nagpatuloy sa paglalakad si Papa habang matiim na nakatingin kay Angelica. Parang wala lang na sinalubong ni Angelica ang tingin nito, at nakangiti pa nga. Bumaling ng tingin sa akin si Papa. Tingin na may galit. May panunumbat. Ano na naman kaya ang kasalanan ko? Seryosong umupo na si Papa sa kabisera. Sa kanang gilid niya ay si Mama, na katapat ko. “Fritz, lead the prayer,” ma-awtoridad na utos ni Papa sa kapatid kong lalaki, na para bang nag-utos lang sa staff niya sa Kapitolyo. Agad na sumunod si Fritz. Sanay na kami sa ganitong tono ng boses ni Papa. pero nahihiya ako sa pamilya ni Pablo. Lahat ng nasa mesa ay tahimik at seryoso sa pakikinig sa sinasabi ni Fritz. Maliban sa akin. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ni Fritz, dahil sa malakas na tambol ng dibdib ko. Bahagya akong nakayuko, pero ang mga kamay ko na nakapatong sa hita ko ay hindi mapakali. Naroong pigain ko ng isang kamay ko ang mga daliri sa kabilang kamay ko. Naroong ibuka-sara ko ang isang kamay ko na tila batang nagko-close/open. Nate-tense ako sa maaaring kahinatnan ng dinner na ito. Knowing Papa? Naisip ko kasi, baka kaya siguro galit na naman sa akin si Papa ay dahil sa narito ngayon ang pamilya ni Pablo, at posibleng makasama namin hanggang mamaya sa Noche Buena. Hindi kasi kami nagkakaroon ng ibang tao dito sa bahay kapag ganitong Noceh Buena, at Medya Noche. Kami-kami lang lagi ang magkakasama. Tama si Angelica, ngayon lang may naibang mukha sa ganitong okasyon sa bahay namin. At iyon ay dahil sa akin. Biglaan naman kasi ang abiso sa akin ni Pablo kaya kanina ko lang din sinabi kay Mama. Kay Mama ko sinabi para siya na ang magsabi kay Papa. Kapag kasi ako ang nagsabi kay Papa, malamang na sigaw na naman ang matitikman ko mula sa kanya. Natigil lang ang mga kamay ko sa paggalaw nang pasimpleng hawakan ni Pablo ang isang kamay ko, at saka bahagyang pisilin. Hindi ko tuloy napigilang hindi mag-angat ng tingin sa mukha niya. Nakita ko ang pasimpleng pagngiti niya sa akin. At dahil katabi ni Pablo si Angelica sa kabilang panig nito, hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko ang palihim na matalim na tingin ni Angelica sa kamay ni Pablo na nakahawak sa isang kamay ko. Bigla kong binawi ang tingin ko kay Angelica nang marinig ko ang mahinang pagtikhim ni Papa. Pasimple ring binawi ni Pablo ang kamay niyang nakahawak sa akin. Tamang-tama naman na patapos na ang panalangin ni Fritz. “O, siya. Kumain na tayo. Kuha lang kayo diyan. Maraming pagkain,” nakangiting patungkol ni Mama sa pamilya ni Pablo. “Good evening, balae. Ako nga pala si Claudio. Ang Papa nitong si Pablo. At ito naman ang asawa kong si Bridget, at ang nag-iisang kapatid ni Pablo, na si Roselle,” nakangiting bati ni Tito Claudio, habang nag-uumpisa nang sumandok ng pagkain ang ibang mga nasa mesa. Bahagya lang uling tumango si Papa. Ni hindi ito gumanti man lang ng konting ngiti. Sabagay, ganito talaga si Papa pagdating sa akin. Since bisita ko si Pablo at ang pamilya nito, kaya ganun din siguro ang trato ni Papa sa mga ito. “What is this all about?” seryosong tanong ni Papa, bilang sagot niya. Maang na nakatingin lang sa kanya si Tito Claudio, na tila tinatantiya kung galit ba si Papa o normal lang sa kanya ang ganoong awra. Ngumiti si Tito Claudio. “Wala naman, balae. Gusto lang naming makilala ang pamilya nitong si Jazz, habang maaga pa. Ayoko namang sa araw ng kasal nitong dalawa, eh saka lang tayo magkikita-kita at doon lang magkakilala.” Napansin ko ang mas lalong malakas na pagtibok ng dibdib ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ulam ang kukunin ko sa mga nakahain. Hindi makapag-isip nang maayos ang utak ko. Alam kong kung hindi man ngayon ako pagalitan ni Papa sa harapan nila, ay malamang mamaya pag nakaalis na sila Pablo. Tahimik na sumandok ng Arroz Valenciana si Papa. Iniisip niya sigurong inilagay ko siya sa balag ng alanganin sa biglaang pagpunta dito sa amin ng pamilya ni Pablo. Nakangiti pa ring nakamasid lang sa kanya si Tito Claudio, samantalang tahimik na sumusubo na si Tita Bridget, na katabi niya. “Stop calling me balae.” Lahat ay nagulat sa sinabi ni Papa. Namayani ang katahimikan sa mesa. Ito yata iyon sinasabi nilang ‘may dumaang anghel’. “Agustin…” may babalang saway sa kanya ni Mama. “Why? Para sa akin lang kasi… it’s still early to say that. Bago lang naman itong dalawang ito…” sabi ni Papa, sabay mabilis na sumulyap sa akin na may kahulugan. Mabilis na sulyap lang iyon, pero kita ko agad ang talim ng tingin sa akin ni Papa. Napalunok ako nang wala sa oras kahit wala namang pagkain sa lalamunan ko. Bahagya akong nagulat nang may lumapag na ilang piraso ng sugpo sa plato ko. Sino pa ba ang maglalagay nun kung hindi si Pablo. Nilingon ko ito. Nakangiti ito sa akin, na para bang sinasabing huwag ko na lang pansinin si Papa at kumain na ako. “Ahm… sigurado naman na si Pablo kay Jazz. Mukhang ganun din naman si Jazz. Huwag kang mag-alala, pare. Pag-aaralan pa naman ni Pablo ang pagpapatakbo sa negosyo namin. Hindi pa naman nila iniisip sa ngayon ang kasal, kung iyan ang iniisip mo. Hahayaan naman naming gawin muna nila ang gusto nilang gawin.” Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Tito Claudio. Mabuti na lang, at madiplomasya siyang tao. Napansin ko rin na binago na niya ang tawag niya kay Papa na pare, sa halip sa unang tawag niya na balae. Dinampot ni Papa ang kopita ng alak na nasa harap niya, at saka uminom dito. Sinamantala naman ni Tito Claudio iyon para sumubo. “Hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa bawat araw. Minsan, akala natin sigurado na tayo, pero hindi pala,” matalinhagang sabi ni Papa, pagkatapos niyang uminom mula sa kopita at ibaba ito sa mesa. Pasimple akong yumuko sa plato ko, at nagkunwaring kumutsara ng pagkain na isusubo ko sana. Pero sa halip ay kinagat ko ang ibabang labi ko, dahil baka hindi ko mapigilang mapaiyak. Lantaran akong ipinapahiya ni Papa sa pamilya ni Pablo. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Pablo sa kamay kong may hawak na kutsara, at saka bahagya itong pinisil. “Huwag po kayong mag-alala. Siguradong-sigurado po ako sa nararamdaman ko sa anak ninyo. Hinding-hindi ko po siya paiiyakin.” Napatingin ako kay Pablo, na nakangiti palang nakatingin na sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na ngitian din ito. Si Pablo na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Wala nang pwedeng humadlang sa amin, kahit si Papa pa iyon. Hindi ko kakayanin na mawala si Pablo sa akin. "Ah, maitanong ko po pala. Bakit po Pablo? Medyo may pagka-old po kasi. Hindi bagay sa age niya..." singit ni Angelica. Gusto ko sanang mainis kay Angelica sa walang kwenta niyang tanong, pero naisip ko, okay na rin 'yun para mabago ang atmosphere ngayon dito sa kainan. Ngumiti si Tita Bridget kay Angelica. "Actually, Pablo Israel talaga ang full name ni Pablo. Pinagsamang pangalan ng mga lolo niya. Ang mga tatay namin nitong Papa niya," paliwanag ni Tita Bridget, na tinanguan naman ni Tito Claudio. "Ah... ganun po pala," nakangiti ring sagot ni Angelica kay Tita. Pagkatapos ay nilingon niya si Pablo. "Parang mas bet ko sa iyo ang Israel. Mas bagay 'yun sa 'yo," nakangiting sabi niya sa boyfriend ko. Bahagyang ngumiti si Pablo sa kanya. "Ganun ba. Pero nasanay na kasi ako sa Pablo." "Siyempre, sa una ka lang maiilang. Kasi nga, hindi ka sanay. Pero later on, masasanay ka na rin na tinatawag na Israel," nakangiti pa rin na paliwanag ni Angelica. Bahagyang ngumiti si Pablo sa kanya, at saka tumango. "Siguro nga..." Bigla namang lumapad ang ngiti ni Angelica kay Pablo. Iyong tipo ng ngiti na para bang may isang napaka-brilliant idea siyang naisip. "Ay, wait. Para masanay ka na, umpisahan na natin. Mula ngayon, Israel na ang itatawag ko sa 'yo!" Hindi ko naman sinasadya, pero aksidenteng nabitiwan ko ang kutsara ko, at nahulog. Kaya ang lahat ng tao na nasa hapag ay napatingin sa akin. Tipid akong ngumiti, habang sinusuyod ko silang lahat ng tingin. "S-Sorry..." ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD