CHAPTER 4 - BILIN AT MERYENDA

2010 Words
“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?” may pagtatampo sa boses ko nang sabihin ko iyon kay Pablo. Nasa loob kami ng sasakyan niya, at kaka-park lang namin sa labas ng gate namin. Galing kami sa bayan, at nanood ng sine. Bukas kasi ay tutulak ako pa-La Union para sa napagplanuhan na noon pa ng buong barkada na three days and two nights na staycation sa isang resort doon. After ng gradaution kasi namin ay napagkasunduan naming magbakasyon muna, bago namin planuhin ang susunod naming gagawin sa mga buhay namin. Ako, ang gusto ko talaga ay mag-put up ng maliit na business, na sinang-ayunan naman ng apat na mga kaibigan ko. Si Yanna, Vanilla, Sapphire at Ricky. May rice mill at tilapia farm ang pamilya namin dito sa san Clemente. Kaya, bumaba man si Papa sa pagiging Gobernador ng lalawigang ito, hindi naman siya mababakante. Sa ngayon, mas on-hand si Mama sa pagpapatakbo ng dalawang negosyo namin na ito, habang abala pa si Papa sa paglilingkod sa mga mamamayan ng San Clemente. Meron man kaming negosyo na pwede kong pagbuhusan ng kaalaman at panahon ko, wala naman akong narinig mula kay Papa, kung gusto ba niya akong maging bahagi ng alinman sa dalawang negosyo na nabanggit ko. Ni hindi niya ako tinanong kung interesado ba ako sa kahit isa sa dalawang negosyo namin. Pero, mas mabuti na rin siguro iyon. Ayaw ko na rin namang manatili pa sa San Clemente. Ayaw ko nang makasama pa si Papa, kung ganun pa rin naman ang magiging trato niya sa akin. Masakit man sa loob ko na iwan si Mama, pero mas mabuti na sigurong mapahiwalay ako sa kanila. Para kahit papaano, kahit konti, may matira pa akong respeto kay Papa. Kasama sana namin si Pablo bukas sa alis namin, kaso lang ay napaaga ang meeting nila ni Tito Claudio sa darating na possible foreign investors ng kumpanya nila sa susunod na araw, kaya umatras siya bigla sa lakad namin. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Pablo. Iyong swimming at lakad na magkasama kami ay pwede pa namang i-schedule uli sa ibang pagkakaton. Pero iyong pakikiharap at ang matututunan niya sa mga dadating na foreign investors na iyon ay minsan lang mangyari. At siya rin naman ang unang-unang makikinabang doon. Humugot nang malalim na hininga si Pablo, at saka hirap na nagsalita. “Sweetheart don’t torture me… alam mo namang labag sa kalooban ko na payagan kang umalis na hindi ako kasama. Pero wala akong magawa. Para sa future din naman natin itong gagawin ko.” Nginitian ko ito para pagaanin ang loob niya. “Hey! Okay lang. I understand, sweetheart. May mga susunod pa naman tayong alis, di ba?” Muli itong bumuntonghininga, at saka sumandal sa upuan niya, habang ang isang kamay niya ay inihawak niya sa manibela ng sasakyan. “Nakaka-frustrate lang kasi. Ang tagal din nating pinagplanuhan ‘to. Tapos sa last minute, laglag ako.” Kita ko pa ang paghaba ng nguso nito, since naka-side view siya sa akin. "If you want… hindi na rin ako sasama,” suggestion ko sa kanya. Bigla itong tumuwid ng pagkaka-upo at saka humarap sa akin. “No! No. Please do join. Gusto kong mag-enjoy ka. Okay lang ako. You’re right. Meron pa namang mga susunod. Marami pang kasunod. At hindi lang isa, maraming travel ang gagawin natin, para maraming memories ang maipon natin bago tayo mag-settle down.” “Are you sure? Gusto mo akong pasamahin?” paniniguro ko. “Well, actually… I hate to let you go without me. Hindi kita mababantayan. Baka mamaya, pagpiyestahan ng mga lalaki dun ‘yang sexy body mo.” “Hey! Wala ka bang tiwala sa akin?” natatawang tanong ko kay Pablo. Ngumuso ito, and I find it cute. “Sa ‘yo meron. Sa mga lalaking nandoon sa resort, wala!” Hindi ko napigilang matawa nanag malakas. Bigla namang kumunot ang noo ni Pablo. “What’s funny?” Halos magdikit na iyung dalawa niyang kilay sa sobrang pagkakunot ng noo niya. “Ikaw. Nakakatawa ka. Hindi mo pa nga nakikita kung sino-sino ang nasa resort. Tapos sasabihin mo, wala kang tiwala sa mga lalaking nandoon?” natatawa kong sagot sa kanya. “Paano kung wala namang lalaki doon, kung hindi puro babae?” “Impossible! Beaches and resorts are frequented by men for their secret voyeurism.” Naisip kong inisin si Pablo. “And you’re one of them?” “Of course not!” mariing tanggi nito. “Pero kung ikaw ang bobosohan ko, ibang usapan ‘yun…” Napipilan ako sa sinabi ni Pablo. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi naman ako nabastusan sa sinabi ni Pablo. In fact, nakaramdam ako ng kilig sa panlalandi niya sa akin. Seryoso ang mukha niya, pera para akong matutunaw sa klase ng tingin niya sa akin. “Flirt,” pigil ang ngiting sabi ko kay Pablo. Bahagyang tumawa si Pablo. “Gustung-gusto ko kasing nakikitang nagba-blush ka kapag nilalandi kita,” pilyo niyang sabi. Hinampas ko siya sa braso niya, pero hinuli lang niya ang kamay ko. “Salbahe.” Ngumiti si Pablo habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. “Basta, sweetheart… huwag kang mag-display ng katawan mo dun, ha.” "Ha??” Nanlaki pa ang mga mata ko. “Alangan namang mag-shirt at leggings ako doon, eh beach ‘yun!” Bahagyang natawa si Pablo. “Pwede naman ‘yun!” "Ano??" Lalo pang natawa si Pablo, kaya inirapan ko siya. Dinala naman niya sa mga labi niya ang kamay kong kanina pa niya hawak, at saka masuyong hinalikan ang likod ng palad ko. “Kidding aside… “ pahabol pa ni Pablo, pagkatapos niyang halikan ang kamay ko. “Mag-rashguard ka na lang bukas. Saka ka na mag-swimsuit o two-piece kapag kasama mo ako, o ako lang ang kasama mo. Kasi for my eyes only lang 'yang sext body mo. Puro babae pa naman kayo bukas.” “Excuse me? Kasama namin si Ricky,” pagkontra ko sa kanya, na may kasama pang panlalaki ng mga mata. “Sus! Si Ricky na pakitaan lang ng magandang katawan ng lalaki, eh bibigay na?” iritableng sagot ni Pablo. This time, ako naman ang natawa. Lahat nung apat, si Yanna, Vanilla, Sapphire, at Ricky ay pareho naming mga kaibigan. Magkakasama kaming lahat since college. Si Vanilla ay anak ng may-ari ng isang sikat na bakeshop chain sa Pilipinas , si Yanna, na nasa hotel business ang pamilya. Ang pamilya nman ni Sapphire ay may ekta-ektaryang mga lupain sa Benguet, kung saan sila may mga tanim na iba’t ibang klaseng mga bulaklak. Wholesale supplier sila ng mga bulaklak sa iba’t ibang shops sa Maynila. Si Ricky? Siya na rin ang maysabi – ganda lang ang ambag niya sa pagkakaibigan naming lahat. Actually, siya ang entertainer / clown / stress reliever, all in one naming apat na mga babae. Actually, ang alam lang namin kay Ricky ay hindi alam sa pamilya niya na miyembro siya ng third s*x. Pero kaming apat, buong puso naming tinanggap anupaman ang tunay niyang katauhan mula nang first year college namin. “Don’t worry… kahit ganun si Ricky, hindi naman kami pababayan nun. Kaya pa rin naman kaming ipagtanggol nung pabebeng ‘yun. If you want, hindi na nga ako sasama. Okay lang naman sa akin.” “No, sweetheart. Join them. It’s okay with me,” seryosong sabi ni Pablo sa akin, pagkatapos ay sinapo ang magkabilang pisngi ko. “I want you to enjoy your life now. Because… ilang years from now, I want you for myself only. By that time, kailangan… ako lang ang priority mo. Okay?” Bahagya akong tumango habang nakangiti kay Pablo. Kasabay nun ay ang unti-unting paglapit ng mukha ni Pablo sa akin. I know that he will gonna kiss me. Nang sumayad na ang mga labi ni Pablo sa mga labi ko ay walang pag-aalinlangang sinalubong ko ang halik na ibinigay niya sa akin. Tinted naman ang kotse ni Pablo, at hindi ako nag-aalalang may makakita sa aming naghahalikan. Iniyakap ko pa ang mga braso ko sa leeg ni Pablo para lalong palalimin ang halikan namin. Binitiwan naman ni Pablo ang mga pisngi ko, at saka inihawak ang isang kamay niya sa batok ko, at saka ako marahang kinabig palapit sa kanya. Our kisses became intense. Sabay pa kaming napatalon nang bahagya nang may kumatok sa salamin sa bintana sa tapat ko. Awtomatikong naghiwalay kami, sabay tingin sa labas ng bintana. Nakatayo doon si Angelica na parang sinisipat kami sa loob. Bigla akong nakaramdam ng kaba, sa isiping baka nakita ni Angelica ang paghahalikan namin ni Pablo, at magsumbong kay Papa. Legal man kaming may relasyon ni Pablo, pero kapag si Angelica na ang nagsalita kay Papa ay nagiging mali ang tama. “Open the window, para hindi na siya magkahinala sa atin,” utos sa akin ni Pablo sa mahinang boses. Mabilis kong pinunasan ang mga labi ko, at saka pinindot ang buton sa gilid ng pintuan para bumaba ang bintana sa tabi ko. Si Pablo naman ay binalingan ang mga pinamili ko na nasa likod na upuan ng sasakyan niya. “Angelica.” Pero imbis na sagutin ako ay mas inuna niyang dungawin si Pablo. “Hi, Pablo!” Nilingon ko si Pablo. Mula sa pagkakatingin sa likod ng upuan ay ibinaling nito ang tingin sa direksiyon ni Angelica. “Hi.” Pagkabati kay Angelica ay ibinaling sa akin ni Pablo ang tingin niya. Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Angelica. Nakapagkit pa rin sa mukha niya ang ngiti. Tagus-tagusan ang tingin niya kay Pablo na para bang si Pablo lang sakay ng kotse at wala ako sa pagitan nila. “May meryenda sa loob, bagong luto lang. Tara! Jazz, hatakin mo na si Pablo sa loob.” Doon lang ako saka parang naalala ni Angelica na andoon ako. Nilingon ko si Pablo, para sana tanungin siya kung pauunlakan niya ang alok ni Angelica. “Ah, hindi na. Busog pa ako. Kumain muna kasi kami ni Jazz bago ko siya hinatid dito sa inyo,” nakangiting tanggi ni Pablo, at saka ibinaling ang tingin sa akin. Bitbit ang mga paper bag na pinamili ko, biglang bumaba si Pablo sa kotse niya at saka umikot sa gawi ko. Bahagyang umatras si Angelica para magbigay-daan kay Pablo. Saka naman binuksan ni Pablo ang pintuan sa tabi ko, at saka iniabot ang kamay niya sa akin para bumaba na ako sa kotse niya. “Come, ihatid na kita sa loob, para makapagpaalam na rin ako sa parents mo,” pagka-usap sa akin ni Pablo. “Ay, wala diyan sila Papa at Mama. Nagpunta kina Mayor. Birthday kasi ng asawa ni Mayor Norman,” agaw ni Angelica. Bahagyang tumango si Pablo. “I see.” Pagkatapos ay binalingan ako nito. "Kaya mo na bang bitbitin ang mga ito? Hindi na ako papasok, para hindi na ako gabihin sa daan.” “Oo naman. Magaan lang naman ang mga ‘yan.” “Sure? Okay lang sa’yo?” tanong uli sa akin ni Pablo na tila tinatantiya niya ako. Napangiti ako. “Oo naman.” “Okay. Bye for now,” nakangiting sagot nito sa akin, sabay halik nang mabilis sa mga labi ko. “Mag-enjoy ka bukas. Iyong bilin ko sa ‘yo, ha…” “Opo…” sagot ko, kahit na hindi malinaw sa akin kung alin ba ang sinasabi niya sa dami ng bilin niya sa akin kanina nang magkausap kami. Naglakad na ito pabalik sa driver’s side, at saka muling pumasok sa loob ng kotse niya. Binuhay nito ang makina ng sasakyan niya, saka dumungaw sa bintana sa side ko kanina na nakababa pa rin hangngang ngayon. “Bye, sweetheart! Ingat kayo bukas, ha,” sabi nito, at saka marahang tinanguan si Angelica na nasa tabi ko, bago pinaabante na ang sasakyan niya. Tinanaw ko pa ang kotse ni Pablo habang papalayo, nang bigla na lang umalis na si Angelica sa tabi ko at saka pumasok na sa loob ng gate namin. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD