CHAPTER 67 - FIANCEE

1658 Words

Nandito kaming lahat na magkakaibigan sa condominium unit ni Ricky. Mapilit siyang ayusan ako. Habang sila Vanna at Yanna naman ay nagdala ng mga damit na pwede kong isuot. "Ano ba naman 'yang mga dala ninyong damit? Ang sesexy naman..." reklamo ko sa kanila. "Aba! Kung gusto mong mapansin ka agad ni Dos, kailangan talaga ganito. Pangmalakasan," sagot naman ni Vanilla, habang hawak niya sa hanger ang isang damit. Itinaas pa niya iyon. Inirapan ko si Vanilla. "Para kakausapin ko lang naman si Dos." "Exactly! Para all eyes siya sa 'yo habang nag-uusap kayo. Para maalala niya kung sino si Jazerine Villafuerte, na minsan ay kaniyang minahal," si Yanna ang sumagot. May paghawak pa siya sa dibdib niya at pagpikit. "Ang arte nito!" komento ni Sapphire, sabay batok kay Yanna. "Aray, ha!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD