Sa buong biyahe pauwi ng Zaragoza, wala akong ginawa kung hindi umiyak. "Mam, tama na. Baka kung mapaano ka, nasa gitna na tayo ng biyahe. Baka mataranta ako kapag may mangayari sa 'yo dito. Baka malagot ako." Bigla akong napatigil sa pag-iyak, at saka nilingon si Julian. "Kanino ka naman malalagot? Wala naman akong pamilyang mag-aalala sa akin," tanong ko sa kanya sa pagitan ng pagsinghot. "Kay Sir Dos." Nagbaling ako ng tingin sa labas ng bintana. Wala naman akong nakikita doon dahil pasado alas otso na ng gabi. Puro kadiliman na lang ang nakikita ko. Actually, ayaw na rin ni Julian na bumiyahe kami dahil aabutan na kami ng alanganing oras. Pero sa sitwasyon ko ngayon, ang gusto ko na lang ay mayakap at makita ang anak ko. "Wala na siyang pakialam sa akin," walang emosyon na sabi