Habang ipinapasok ni Thirdy ang sasakyan niya sa bakuran ng Hacienda Lopez ay hindi ko maiwasang kabahan. HIndi ko alam kung paano ako haharap kay Lola Cion. "Sa tingin mo, Thirdy, galit kaya si lola sa akin?" tanong ko, habang si Marthina ay nakaupo sa kandungan ko at umiinom ng gatas sa feeding bottle niya. "Maybe? O baka tampo. Ganun. Alam mo namang paborito niyang apo si Kuya Dos. At dahil nakita niya rin kung paanong nag-transform si kuya mula nung iwan mo siya, hindi malabong may konting paninisi ang maging pagtrato sa iyo ni lola ngayon. But Lola Cion is reasonable naman, pero don't expect na ganun pa rin ang pakikitungo niya sa 'yo just like before." Napahinga na lang ako nang malalim. Ano nga bang aasahan ko? Alangan namang kampihan pa ako ni Lola Cion, eh sinaktan ko ang apo