Kabanata 48: "S-symon, anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko. Ngumiti siya nang malapad. Doon ay naramdaman ko na ang binabalak niya. Mabilis na tumayo ako at tatakbo na sana ngunit bago ko pa man magawa, ibinato niya sa ulo ko ang kung ano dahilan para bumagsak ako sa sahig at tuluyang mawalan ng malay. Nagising ako sa isang madilim na lugar. Sobrang dilim na wala akong makitang kahit na ano ngunit alam kong gising ako. Mayamaya pa ay mag narinig akong naglalakad palapit sa akin, naririnig ko ang tunog ng paa na para bang umaapak sa basang sahig. Mas lalo akong kinabahan, hindi ko alam kung saan ako titingin dahil hindi ko alam kung nasaan siya. "Bakit kasi hindi ka na lang mamatay, para matapos na?" Kilala ko ang boses na 'yon! "Hindi ako mamamatay!" sigaw ko. Nasa ast