Kabanata 47: Pagkalabas ko ng banyo matapos mag-half bath at magbihis, hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Para silang mga batang nag-aaway sa kung saan sila pupwesto sa pag-tulog. "Hindi nga pwedeng tabi kayo! Hindi ako papayag!" reklamo ni Morris pagkatapos ay binalibag ang unan sa kama. "At mas lalong hindi rin ako makapapayag na magtabi kayo!" ganti rin naman ni Rayven. Kita sa mga mukha nila na kung hindi lang sila magkalayo, baka nagsapakan na silang dalawa. Kaya bago pa nila gawin 'yon, pumagitna na ako. "Tabi tayong tatlo!" inis na bulyaw ko sa kanila. "Nagtatalo pa kayo, ang laki-laki ng kama na 'yan! Hindi magtatamaan maski ang mga paa natin d'yan!" Umirap ako at nauna nang sumampa sa kama. Kinuha ko ang dalawang extra na unan sa ulunan at saka inilagay sa magkabilang gi