Kabanata 44: Malapit na mag-umaga nang matapos ilibing ang dalawang aso. Magkasama sila sa iisang puntod, pinagsama ko na lang sila dahil magkasama rin silang namatay. Nakaupo ako sa tabi ng puntod nila habang hinihintay na umangat ang araw. Wala pa akong tulog pero pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog sa ganitong lagay. Pakiramdam ko ay maraming nagmamanman sa akin, maraming nagbabantay sa bawat kilos ko. Hanggang kailan pa ba ako magkakaganito? Hanggang kailan pa ba ako maghihintay na maging maayos na ang buhay ko at sumaya ako? Natawa ako nang mapakla, hindi na siguro talaga ako sasaya. Sino ba namang sasaya kung wala na ang mga taong minamahal niya? Kung wala na ang nagpapasaya sa akin? Kaya hindi na ako umaasa. . . Ang kailangan ko na lang talagang gawin sa ngayon ay ang huli