Kabanata 23: Alam kong nakita ni Morris ang mangyayari sa akin. Sigurado ako lalo na nang sabihin niyang tutulungan niya akong mabuhay. Matapos ng nangyari sa bahay nila Rayven, nakikita ko na ulit nang direkta ang mga demonyong nasa likuran ng bawat tao. Ikinalungkot ko iyon ngunit gaya ng sinabi ni Morris sa akin, mas maigi na raw na nakikita at naririnig ko sila nang direkta kaysa ang hindi ko sila nakikita kaagad. Kapag kasi nakikita ko, ibig sabihin hindi alam ng demonyong iyon na nakikita ko sila. At kung alam naman ng demonyo na nakikita ko siya, gumagawa ito ng paraan para saktan ako. Gaya na lang ng nangyayari sa akin sa tuwing unti-unting magpapakita sa akin ang demonyo mula sa likuran nila. Naging maayos naman na si Rayven matapos mailibing ang pamangkin niya. Panay nga ang p