Kabanata 22: Kung hindi pa siguro kami pumunta sa bahay nila Rayven kung saan nakaburol ang pamangkin niya, hindi pa yata maniniwala si Morris. Doon lang kasi nagbago ang reaksyon niya na para bang naginhawaan siyang nagsasabi ng totoo si Rayven. Naalala ko tuloy ang sarili ko noong unang nagtrabaho siya sa akin, palagi akong nagdududa sa kaniya. Wala akong tiwala dahil alam ko ang iniisip ng nasa likuran niya. Nakatira sila Rayven sa isang squater's area. Dikit-dikit ang mga bahay at maingay dahil sa dami ng taong nagsisigawan, nagbabangayan at nagtsi-tsismisan. Halos hindi kami makapasok dahil sa sikip ng eskinita. Hanggang sa makarating kami sa mismong bahay nila Rayven, maingay pa rin. Parang wala ngang burol na nagaganap dahil ang ingay ng mga nagsusugal. Mula sa maliit at tagpi-ta