Kabanata 42: Kung masakit ang pagkawala ni papa, pakiramdam ko ay mas masakit ang pagkawala ni Ate Sol. Mas tumayo kasing magulang sa akin si Ate Sol kaysa kay papa. Kumakalam ang sikmura ko pero hindi ko magawang kumain. Ilang araw na akong ganito at alam kong nag-aalala na sila Bella. Hindi dumalaw si Auntie Sylva, hindi na rin nagpakita pa ulit si Rayven. Hindi na siya nagparamdam matapos ang gabing 'yon. "Hindi ako makapaniwala na nauna pang namatay ang anak ko kaysa sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap," anang nanay ni Ate Sol sa tabi ko. Kung gaano kalala ang iyak ko nitong mga nakaraang araw, ganoon din ang iyak niya. Mas malala pa dahil siya ang ina ni Ate Sol. "Hindi ako papayag na hindi mahuli ang bumaril kay Ate Sol. Sisiguruhin kong pagsisisihan niya ang gi