Kabanata 19: Siguro nga noong una ay dahil lang sa kagwapuhan ni Morris kaya unti-unting dumami ang costumers ko sa bakery ko, ngunit sa paglaon, hindi na lang kagwapuhan niya ang naging dahilan kung bakit dinadayo ang bakery ko. Dahil na rin sa kung gaano kasarap ang tinapay na ibini-bake niya. Hindi ko alam kung paanong naging ganito kasarap. Sa tingin ko nagbago siya ng recipe imbes na iyong itinuro kong recipe ang ginagawa niya kaya siguro nagbago ang lasa. Matapos kong kumain ng tinapay, nagpasya akong dumiretso sa baking area kung nasaan si Morris na abala pa rin sa pagmamasa ng dough. Nang mapansin niyang pumasok ako, nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit saglit lang iyon dahil ibinalik niya rin ang tingin sa minamasa niyang dough. "Binago mo ba ang secret recipe na itinuro ko