Kabanata 18: "Erzae! Gising ka na ba? Erzae?" Marahang idinilat ko ang mga mata ko nang tamaan ito ng liwanag. Nang sa wakas ay naidilat ko na ang mga mata ko, naaninagan ko ang nag-aalalang mukha ni Ate Sol. "Erzae! Diyos ko po, salamat at nagising ka na!" aniya. Kahit nahihirapan, bumangon ako at na-realize na nasa hospital bed ako. Nasa may upuan si Morris habang nakatingin sa akin. "Ano pong nangyari sa akin, Ate?" tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. "Hinimatay ka nang ihagis ka raw sa sahig no'ng si Jake." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Po? E nasaan na po iyong demonyong 'yon?" halos pasigaw na tanong ko. "Wala na, dinala na siya ng mga pulis. May isang nurse ang tumawag ng mga pulis para ipadampot siya." "E si Bella po? Kumusta po?" Sasagot na sana si At