KABANATA 12:

2186 Words

Kabanata 12: Kusang nag-resign si Rayven sa pagiging hardinero ko. Bago siya umalis, pinuno niya na muna ako ng pangongonsensya. Para tuloy akong bangag habang nagkukwenta ng sales sa loob ng dalawang araw na hindi ko pagkukwenta. Masyado akong lutang nitong nakaraang dalawang araw kaya hindi ako nakapunta sa Bakery. Mali ako ng akala na nawala ang kakayahan ko. Mayroon nga lang nagbago. Hindi ko na kaagad nakikita ang mga 'yon, tila nagkukubli muna sa likuran ng mga taong nakakasalubong ko at sa oras na makausap ko sila at saka lang nagpapakita. Gaya ng sinabi ni Morris, alam na ng mga demonyong iyon na nakikita ko sila kaya nagtatago marunong na silang magtago. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung paanong nalalaman nilang nakikita ko sila? Weird. Bahagya na ring sumigla si Be

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD