Kabanata 16: Ilang beses nagtext si Bella sa akin, ipinapaliwanag niya sa akin ang lahat, alam ko. Pero hindi ko iyon sinasagot at hinayaan ko lang na mapuno ng messages niya ang inbox ko. Ayaw kong basahin, hindi dahil sa ayaw kong malaman ang dahilan niya, kundi dahil gusto kong kumalma na muna ako at pag-usapan namin sa personal. Buong gabi tuloy akong hindi makatulog nang maayos, iniisip ko kung paanong nagawa ni Bella ang bagay na 'yon. Kung ano ang nagtrigger sa kaniyang gawin ang isang kahindik-hindik na bagay. At dahil sa pagiging kuryoso ko, at ayaw ko namang basahin ang mga texts niya, nakapagpasya akong kausapin siya. Maaga akong pumasok sa trabaho kahit pa hindi ako halos nakatulog buong gabi. Hindi ko na hinintay na magising si Ate Sol, basta umalis na lang ako at nagtext s