Gladi POV. Parang unti-unting nanlamig ang buong katawan ko matapos marinig ang sinabi ni Matias. “…lumayas na kayo.” Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko upang pigilan ang panginginig ng katawan ko. Masakit. Sobrang sakit. Ngunit hindi na ito bago sa akin. Matagal ko nang naranasan ang malamig na trato ni Master M. Ang mga salitang kayang durugin ang puso ko sa isang iglap. Ang paraan niya ng pagtaboy sa akin na parang wala akong halaga. Kaya bakit ko pa ‘yon iindahin ngayon? Bakit ako magpapatalo sa sakit gayong noon pa man… sanay na ako? Huminga ako nang malalim bago marahang itinaas ang tingin sa kanya. Nanatiling malamig ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wala ng bakas ng dating Matias na minahal ko. Ngunit kahit ganoon… hindi ko kayang sumuko. Hindi ngayon. Hi

