Gladi POV. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkapasok pa lang namin ni Avvi sa loob ng kwarto, agad akong napahawak sa dibdib ko habang sunod-sunod na bumabagsak ang mga luha ko. “Glad…” mahinang tawag ni Avvi habang mabilis na isinara ang pinto. Umiling ako at tuluyang napaupo sa gilid ng kama. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Vi…” nanginginig kong sabi bago tuluyang napahagulhol. “Pakiramdam ko… kahit anong gawin ko… galit na galit pa rin siya sa akin.” Mabilis akong niyakap ni Avvi. “Shhh… tahan na.” “Hindi ko naman siya sinukuan…” umiiyak kong dugtong. “Araw-araw ko siyang iniintindi kahit paulit-ulit niya akong itinataboy… kahit masasakit na salita ang naririnig ko sa kanya…” Napahigpit ang yakap ni Avvi sa akin. “At kanina…” napapikit ako habang sariwa pa rin sa isip

