Matias POV. Tahimik akong nakatayo sa living area matapos umalis ni Gladerious. Hindi ko maintindihan kung bakit parang biglang naging mabigat ang pakiramdam ko. Paulit-ulit ding bumabalik sa isip ko ang sinabi niya bago siya umalis. “Kapag dumating ang araw na maalala mo na ang lahat… sana lang kaya ko pang patawarin ka.” Hindi ko alam kung bakit… pero parang may kung anong sumisikip sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang mga mata niyang puno ng sakit. Ngunit agad ko ring inalis sa isip ko ang bagay na iyon. Mas mabuti na ito… Mas mabuti nang mawala sila rito kaysa manatili sa paligid ko ang babaeng hindi ko naman kilala. At higit sa lahat… darating si Orange. Ayaw kong magkaroon ng gulo. Bigla akong napalingon nang bumukas ang pinto. “Pareng M…” Naputol ang sasabihin ni Edmund

