Matias POV. Tahimik ang buong paligid. Ngunit ang isip ko… parang sasabog. Napapikit ako habang mariing hawak ang sentido ko. Sunod-sunod na pumapasok sa utak ko ang mga imaheng hindi ko maintindihan. Isang babae. Mahabang buhok. Umiiyak. Nakayakap sa akin. At paulit-ulit kong naririnig ang boses na iyon. “Master M…” Bigla akong napamulat at mabilis akong napatingin sa babaeng nasa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin habang halatang naguguluhan. “Matias…” mahina niyang tawag. Ngunit bakit hindi ko na maramdaman ang pananabik na inaakala kong nararamdaman ko bago pa dumating si Orange? Sa halip… kaba. At pagdududa. “S-Sino ka?” malamig kong tanong. Bahagyang natigilan at naging malikot ang kanyang mga mata. “A-Anong sinasabi mo?” “Sino ka?” mas mariin na ang boses ko.

