Gladi POV. Three months old na si Little Matias II. Salamat kay Daddy Ortiz, dinala niya kami sa isang ligtas na lugar kung saan walang makakakita o makakatunton sa amin. Ngayon ang dating ni Avvi, kaya excited na akong makita siya at makabalita mula sa kanya. Tatlong buwan din kaming hindi nagkita. Noong araw ng panganganak ko, kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Nangako siya sa akin na wala siyang sasabihin kay Master M kapag nagkita sila. Nakiusap din ako sa kanya na isauli lahat ng ibinigay nito sa akin—kasama na roon ang engagement ring. Siyam na buwan kong pinag-isipan iyon nang mabuti. Alam kong habang nakikita ko ang mga bagay na galing sa kanya, lalo lamang akong masasaktan. Kaya kahit ayaw kong gawin, napilitan ako. Mas mabuti na iyon kaysa araw-araw akong pinahihirapan

