Matias POV. Ilang araw na ang lumipas. Ngunit hanggang ngayon… Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Gladerious habang umiiyak at nakaluhod sa harapan ko. Paulit-ulit iyong bumabalik sa utak ko at ang mga mata niyang puno ng takot. Ang boses niyang halos mawalan ng lakas habang nagsusumamo na paniwalaan ko siya. At higit sa lahat… ang mga salitang ayaw ko nang maalala. “Ikaw ang misyon ni Gladi… ang patayin ka.” Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago muling uminom ng alak. Nasa rooftop ako ng penthouse ko dito sa Macau. Tahimik. Malamig ang hangin. At sa ibaba ay kumikislap ang mga ilaw ng siyudad. Dating paborito ko ang lugar na ito. Kapag gusto kong mapag-isa… dito ako nagpupunta. Ngunit ngayon… Kahit gaano katahimik ang paligid… hindi pa rin matahimik ang isip ko

