Matias POV. Tumilapon si Hell Hound nang tamaan ng aking suntok ang mukha niya. Ngunit sa halip na bumagsak… Ngumisi siya. At sa sumunod na segundo… napakabilis niyang sumugod pabalik. “Pareng M!” sigaw ni Edmund. Ngunit huli na, diretsong tumama sa tagiliran ko ang bakal niyang kamao. Parang nabasag agad ang mga tadyang ko at napaatras ako habang sumisikip ang paghinga. “MATIAS!” sigaw ni Gladi. Hindi ko pinansin ang sakit ngunit narinig ko ang sabi ni Ms. Avvi. “Glad, pigilan mo ang iyong sarili, mas lalong nalalagay sa panganib si Bigg Boss dahil sa pagtawag mo sa kanya ay nawawala siya sa focus.” Muli akong sumugod… sunod-sunod ang suntok namin sa isa’t isa. Tumutulo ang aking dugo mula sa pumutok na kilay. At ang galit ko ay mas lalo pang nag-alab. Ganun pa man, sinikap kon

