Gladi POV. Halos hindi ko maalala kung paano kami nakarating sa ospital. Ang tanging malinaw lang sa isip ko… ang duguang katawan ni Matias habang walang malay na nakahiga sa stretcher. “MOVE!” sigaw ng mga doktor habang mabilis siyang itinulak papasok sa emergency room. “Matias…” nanginginig kong bulong habang pilit sumusunod. Ngunit bago pa ako makapasok… hinarang ako ng isang nurse. “I’m sorry, Ma’am. You’re not allowed to go in.” Parang biglang nanghina ang buong katawan ko. “M-Matias…” “Glad…” mabilis akong inalalayan ni Avvi bago tuluyang mawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Mahigpit ko pa ring yakap si Baby Matias II na ngayon ay tulog. Subalit ilang minuto pa lang matapos kaming makarating ng ospital… lumapit si Mommy Maggie. “Give him to me first,” mahinahon ngunit seryos

