Gladi POV. Magkaharap kaming dalawa sa living room. Ayaw kong tumingin sa kanya, sapagkat hindi ko makaya siyang tingnan sa ganoong kalagayan. Para siyang basang sisiw na pinabayaan ng ina sa ulanan. Gulo ang buhok at marumi at basang basa siya. Nananatiling hawak niya ang towel na binigay ko. Imbes na magtungo sa loob ng banyo at maligo para makapagbihis ay nakatayo lang at nakatingin lang sa akin. At sa totoo lang… nahihirapan akong titigan siya ng matagal. At naiinis din ako dahil kung umakto siya ay parang kawawa. Samantalang siya itong kumawawa sa aming dalawa ni Baby Matias ll. Hindi niya bagay maging mafia o kaya ay ganster, dapat naging actor siya ‘yung bida sa pelikula na kinawawa ng kontrabida. Ganoon ang itsura niya ngayon, kung hindi ko siya kilala at wala akong alam a

