Gladi POV. Tahimik lang akong nakatayo habang pinagmamasdan si Matias na dahan-dahang tumalikod. Basang basa siya ng ulan, ngunit tila wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya… nasabi niya ang gusto niyang sabihin. At ako? Mas lalo lang akong naguguluhan. Napahigpit ang hawak ko kat Baby Matias II habang pinagmamasdan ang likod ng lalaking paulit-ulit na nagwasak sa puso ko… gaun pa man siya pa rin ang tanging lalaking pinakamamahal ko. Napapikit ako. Bakit kahit anong pilit kong magalit… hindi ko magawang kamuhian siya? “M-Mommy…” mahinang tawag ni Baby Matias II habang iniunat ang maliliit niyang kamay palapit sa aking mukha. Agad kong hinawakan ang kamay niya at nilapat sa aking labi.. “Baby…” bulong ko habang hinahalikhalikan siya. Ngumiti siya sa akin at parang namalikmat

