Tita Claudia sent a message to all of us Fuentes. It's her fifty-sixth birthday. We are all gathering right now sa isang private penthouse na nirentahan ng husband niya for her. Kumpleto kaming lahat as always. Except my dad. The music is cozy and everyone's chitchatting habang ako ay nasa terrace at nagpapahangin habang hawak ang wineglass sa kamay ko. "You seem gloomy," wika ni Jacob na tumabi na sa akin. "Am I?" I asked him. Nginitian ako ng pinsan ko at inakbayan. "Alam kong nahihirapan ka pang alalahanin ang lahat, Ysa. But I know maaalala mo ang lahat eventually." I could feel Jacob's sincerity which I appreciated. Kung alam mo lang Jacob. I remember everything. Nginitian ko lamang siya at saka isinandal na lang ang ulo ko sa balikat niya habang tinatanaw ang city lights

