Mariya Ysabelle Margarita "Who is that?" I asked Rage habang nagsusuot siya bagong damit na kinuha niya sa closet. Nakaupo ako sa kama habang nakatapis sa akin ang kumot. "I honestly don't know," sagot naman niya. "Bakit nandito sa bahay?" tanong ko pa. Hindi ko mapigilan ang magtanong. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip kong may babaeng pinupuntahan siya. Dito pa talaga sa old house. "Wala naman akong pinapapunta rito, love," mahinahong saad ni Rage sa akin. Nilapitan pa niya ako at hinalikan sa labi. Then, he smiled at me reassuringly. "Wala rin akong inaasahang bisita." "Pero bakit hinahanap ka?" malungkot ang tinig ng boses ko. "That's why I need to go downstairs to find out," aniya. Tinitigan ko muna siya bago ako tumango. Hinalikan niyang muli ang labi ko. "Bababa na m

