PROLOGUE

2717 Words
Nakatayo at nakasandal sa dingding sa isang kwarto ang isang babae na halatang naiinip na at ang isang babae naman ay kalmado lang na nakatayo.  "Hey! Li Xie," tawag ng babaeng nakatayo at tumingin naman sa kanya ang babaeng kamado lang na nakaupo habang nagbabasa. "Hindi pa ba tayo pinapapunta sa office?" Inip na tanong nito.  "Li Muen, alam mo naman na may hinihintay pa tayo di ba?"  Napa-tsk naman ang babaeng nagngangalang Li Muen saka sinagot ang sinabi ni Li Xie, "Almost an hour na tayo naghihintay dito, Xie'er," Halata naman sa mukha nya ang inis sa paghihintay, "Hindi pa ba dadating yang si Amy?"  "Well, according to Mister Lindel she will be late."  Napahalukipkip naman si Li Muen sa narinig nya, "And why is that?" sambit ng dalaga at itinaas ang kilay.  "She's on her last mission so after she finished that mission- today, then she will directly go here."  "Damn it." Pabulong na sambit ni Li Muen.  "Muen, you should fix that attitude of yours. In this job, we have to stay calm."  Umirap naman si Li Muen sa sinabi ng kanyang pinsan at saka sinabing, "I know my place, cous. I can be calm yet dangerous as an ocean."  Tumango namang sumang-ayon si Li Xie sa sinabi ng pinsan nito. Sa lahat ng tao silang dalawa lang ang mas nakakakilala sa isa't isa dahil silang dalawa na lang ang natitirang magkamag-anak sa mundong ito. Alam nila ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa at alam din nila ang totoong ugali ng bawat isa. Madalas na nagsasabihan sila ng masasakit na salita pero lahat ng iyon ay para lang ma-improve ang kakayahan ng bawat isa.  "Kung ako sa iyo Muen inaalala ko na kung paano ko tatapusin ang mga quizes sa school."  Umirap naman si Muen sa sinabi ni Xie. "Damn that quizzes also. Ano bang meron sa mga school at kailangan pang meron nyan? Hello, hindi naman nakakatulong yan sa mga real experiences sa labas ng school."  "Well, may point ka naman dyan sa sinabi mo but still we're a student this time so please act like a student."  At nag tsk na naman si Muen sa sinabi ng kanyang pinsan at hindi na sumagot pa dahil alam naman nito na hindi sya mananalo sa ganitong usapan. Alam nya na pagdating sa school ay walang pinapalampas ang kanyang pinsan at ayaw na ayaw nito ng mga mabababang marka.  "Heck, you are one of a hell genius, cous." Naka-cross arms na sambit ni Li Muen.  Tumawa naman ng mahina si Li Xie sa sinabi ni Li Muen at ngumiti lang ito at hindi na pinatulan pa ang pinsan nya dahil alam nya din naman na inip na inip na ito. Isa sa pinaka ayaw ng kanyang pinsan na si Li Muen ay ang naghihintay ng matagal. Okay lang kay Li Muen na maghintay ng kalahating oras ngunit hindi isang oras kaya naman pinilit nal ang na pakalmahin ni Li Xie si Li Muen gamit ang ilang conversation topic na sila lang ang nakakaalam.  "Oo nga pala, Xie'er." Napalingon naman si Li Xie kay Li Muen at saka naman pinagpatuloy ang dalaga ang sasabihin nito. "You know medicine, right?" Tumango naman si Li Xie, "Why don't we retire from this job and then let's build our own medicine shop? I can be your accountant or dressmaker."  Mahina namang tumawa si Li Xie pero agad din naman naglaho ang ngiti nito sa labi, "You will die with your words, Li Muen." Matalim nitong sabi.  Napaisip naman si Li Muen sa sinabi nya at namutla naman nito, "Well, that's a joke for sure. This job is paying us much more than an ordinary job."  Napailing na lang si Li Xie nang ma-gets ng kanyang pinsan ang mali sa sinabi nito. Alam nilang pareho na hinding hindi na sila makakaalis sa kamay ng mga nasa organisasyon na ito at alam din nila na once na sinubukan o hindi kay ay tinangkang umalis sa organisasyon ay magkakaroon lamang sila ng malaking problema. Una, alam nila na hindi sila hahayaan na makaalis sa organisasyon dahil isa sila sa top employee. Pangalawa, kung papayag man ang organisasyon iyon ay kung patay na silang dalawa.  Alam nila kung gaano kasama ang trabaho nila pero wala silang magawa dahil ang organisasyon ang promotekta, nagbihis, nagpa-aral, at nagbigay ng trabaho sa kanila simula noong namatay ang lahat ng angkan nila sa isang masacre.  Pinili nilang manatili dahil alam nila na makikilala din nila ang pumatay sa pamilya nila at sinumpa nila na papatayin nila ang nag masacre sa pamilya nila. "Oo nga pala, Muen."  "Hmm?" "We must be careful." "Huh? Why?" Hindi maintindihang tanong ni Li Muen sa sinabi ni Li Xie.  "This mission is dangerous."  "Lahat naman ng misyon natin ay mapanganib di ba?" Takang tanong naman ni Li Muen.  Bumuntong hininga lang si Li Xie saka sinabing, "This one is different. Lalo na kasama natin si Amy." Saka nya tiningnan ang pheonix mark sa kanyang kaliwang pulso at napatingin din naman si Li Muen sa kanyang kanang pulusan.  Parehas silang dalawa na may Pheonix mark at kung buhay pa man ang pamilya nilang dalawa ay gagawin ng pamilya ang lahat para mahubog silang dalawa. Para sa pamilya ang pagkakaroon ng Pheonix mark ay isang simbolo ng kayamanan, kapangyarihan, at katalinuhan. Ito ang magbibigay pa ng karangyaan sa kanilang pamilya at sa Li Family normal na magkaroon ng Pheonix mark kada ikalawang dekada. Magsasalita pa sana si Li Muen ng may biglang magbukas ng pinto kaya naman inialis nilang dalawa ang tinin nila sa pulusan nila at iniayos ang wrist bond na nakalagay dito.  Magsasakuta pa sana si  "Oh my gosh!"  Napalingon si Li Muen at Li Xie sa babaeng kakarating lang sa kwarto at hinihingal pa. Halatang pagod din ang kanyang mukha at halata pa ang maitim na linya sa ibaba ng kanyang mga mata.  "Amy, you're late!"  Ngumuso naman si Amy at umupo sa tabi ni Li Xie na hinihingal kaya naman binigyan sya ni Li Xie ng isang mineral water.  "Bakit ka tumakbo?" Li Xie asked.  "Alam kong late na ako at sa ugali ni Muen alam ko na inis na inis na yan sa akin." Kaagad na sambit ni Xu Amy at tumingin kay Li Muen.  Umirap naman si Li Muen saka nito sinabing, "Buti naman at alam mo na late ka. Sana di mo na lang tinanggap ang misyon na ito di ba? You know, kagagaling mo lang sa isang misyon. You should have a day or three days of break. That's with our rule."  Nang makainom ng maayos si Xu Amy ay kaagad naman itong bumunton hininga, "That is what I also wanted to do." At malungkot na tumingin sa dalawa, "Pero si boss gusto nya talaga akong kasama sa inyo! Alam nya na ako lang ang nakakausap nyo dito sa office kaya gusto nya ako ang kasama nyo." At ngumuso ito.  "So binalewala nya ang rule?" Matapang na tanong ni Li Muen.  Kaagad naman na nagpanic si Li Xie at Xu Amy sa sinabi ni Li Muen at nagsitingin sila sa paligid agad din naman na-realized ni Li Muen ang sinabi nya.  "I mean, you know. We have a contract," Palusot ni Li Muen na halatang kinakabahan.  Ngumiti lang si Xu Amy sa sinabi ni Li Muen, "Okay lang naman sa akin." Balak pa ata ako idamay ng mga babaeng ito sa gulo nila. Humanda kayo sa akin kapag ako talaga nadamay. Hmp! Hindi ko kayo sasatuhin. Kung hindi lang kailangan eh hindi naman ako makikipag-usap sa inyo. Weird cousins.  "So, tara na?"  Tumango naman si Xu Amy at Li Muen sa sinabi ni Li Xie at saka tumayo ang dalawa at naglakad paalis sa kwarto. Nang makaalis sila sa kwarto ay may dalawang tao na nakikinig sa usapan nila kaya naman napangiti ang dalawa na mala-demonyo at sinabi ng isang tao ay... "Sa wakas makakahanap na rin tayo ng paraan para mapatay ang dalawang iyon."  Boses ng isang babae ang nagsalita ng mga katagang iyon habang pinapanood ang grupo nila Li Muen na naglalakad sa hallway.  "Hindi ko talaga alam ang pumasok sa isipan ni Amy at talagang pumayag pa sya kay Boss na makipag kaibigan sa dalawang ito. You know, boss and Amy are bedmates." Sambit naman ng isang lalaki.  "Ewan ko ba pero for sure mawawala na rin sa landas natin iyang si Muen at si Xie. Masyadong nagmamagaling eh. Sarap nilang balatan ng buhay akala nila kung sino na sila porque mga classified ang mga mission na nakukuha nila."  "Huwag ka na mainggit Elle dahil tayo na ang papalit sa dalawang yan."  "Ha! Dapat lang."  Sa kabilang banda habang naglalakad ang tatlong babae sina Li Muen, Li Xie at Xu Amy ay nagkukwentuhan sila sa kung anong posibleng maging misyon nila at nang makarating na sila sa harap ng office ng kanilang boss ay kaagad naman silang tumahimik at kumatok naman si Li Xie.  Hindi napansin nila Li Muen at Li Xie ang itsura ni Xu Amy ng si Li Xie ang kumatok sa pinto. Patakaran na sa loob ng office na ang leader ang kakatok sa pintuan ng boss. Doon ay nainis si Xu Amy at gusto na kaagad na patayin si Li Xie pero pinigilan nya ang sarili nya.  "Okay ka lang ba, Amy? May masama ba sa pakiramdam mo?"  Napabalik naman ang ulirat ni Xu Amy sa sinabi ni Li Muen at kaagad itong umiling at sinabing, "Nakaaway ko lang si Elle at Carol kanina habang nasa misyon kami. Nakakainis silang dalawa eh."  Mahina namang tumawa si Li Xie, "Hindi ka pa ba nasasanay sa kanila? Kasama mo sila lagi sa mission di ba?"  Ngumuso naman si Xu Amy at pilit na tinakpak ang kagustuhan nyang pagpatay sa magpinsan na nasa harapan nya, "Oo nga kasama ko pero ang arte nila eh."  Pero mas gusto ko pa sila kasama kesa sa inyo. Bitches. Hindi na nagawa pang sumagot nila Li Muen at Li Xie dahil bumukas na ang pintuan ng office ng kanilang boss at pumasok na sila. Nakita nila ang isang lalaki na nasa mid thirties na pero ang kanyang ka-gwapuhan ay nandoon pa rin.  Kina Li Muen at Li Xie ay normal lang sa kanila ang itsura ng kanilang boss dahil sa sila ay top employee ay nakakita na sila ng iba't ibang uri ng ka-gwapuhan at ang karamihan doon ay nalampasan ang ka-gwapuhan ng kanilang boss. Samantalang si Xu Amy naman ay kung wala si Li Muen at Li Xie ay nasa kandungan na ng kanilang Boss ito kaya naman mas lalo pang dumagdag ang inis ni Amy sa dalawa.  Hmp, pasalaman kayo at ako ang sasakay kay boss mamaya bago tayo umalis kung hindi papahirapan ko kayo. Tininang ng Boss ang bawat isa at walang emosyon para kay Li Muen at Li Xie pero pagdating kay Xu Amy ay makikita mo ang pagkasabik nito. Alam ni Li Muen at Li Xie na may kakaibang relasyon si Xu Amy at ang kanilang boss pero hindi nila ito pinapahalata sa dalawa dahil buhay ang magiging kabayaran nila kaya mas pinili nilang manahimik.  "Ready na ba kayo sa misyon nyo?"  "Yes, Sir!"  Tumango naman ang boss at saka sinabing, "Good to know. Kukunin ninyo ang golden dragon statue sa Lin Family at siguraduhin nyo na hindi kayo papalpak. Alam ninyong malaki ang binigay na bayad sa atin ng client natin." "Yes, Sir!"  Alam nila Li Xie at Li Muen ang hidwaan sa pagitan ng Lin Family at Bai Family kaya naman hindi na nakakapagtaka kung malaman nila na ang kliyente nila ay ang Bai Family. Hindi halata sa publiko na may hidwaan ang dalawang pamilya kaya akala pa rin ng lahat na okay sila hindi nila alam na nagpapatayan na ang dalawang pamilya.  Naalala naman ni Li Muen ang isang misyon na tinanggap nya mag isa at iyon ay ang patayin si Bai Man na isa sa genius artist ng Bai Family at ang Lin Family naman ang kaniyang kliyente.  Ah Bai Man ang malas mo naman at napunta ka sa pamilyang Bai na may kaaway na Lin. Siguro kung hindi ka namatay baka sikat ka na sa ngayon. May you rest in peace. Hindi ko man gustong patayin ka pero wala akong magagawa. "Kapag nakuha na ninyo ang golden dragon statue come back here as soon as possible."  "Sino po ang client natin ngayon?" Tanong naman ni Xu Amy na halatang nang aakit.  Kunwari lang naman na walang narinig na kakaiba sila Li Muen at Li Xie sa sinabi ni Xu Amy. Ah, Amy. Maghunus dili ka may virgin pa dito.  Sambit ni Li Muen sa kanyang isipan.  Amy, hindi ko alam kung talagang matapang ka o talagang wala na sa ulo mo ang utak mo. Kahit na ipagamit mo pa kay Boss yang katawan mo hinding hindi ka aakyat. Gustuhin mang umiling ni Li Xie ay hindi nya ginawa dahil alam nya na ikakapahamak nilang magpinsan iyon. "Bai Family ang nag utos sa atin ngayon na kuhanin ang golden dragon statue dahil may nakapagsabi sa kanila na ito daw ang source of fighting spirit ng Lin Family." Ipinagdaop ng Boss ang kanyang palad at matalim na tiningna ang tatlo, "Hindi na makapag hintay ang Bai Family na patayin ang lahat sa Lin Family." Pagkasabi ng Boss nito ay pasimpleng sumulyap ito kina Li Muen at Li Xie.  Agad din naman na gets ni Li Muen at Li Xie ang gustong iparating ng kanilang Boss. Ganitong ganito din ang nangyari sa kanilang pamilya at sa ngayon nagpapasalamat sila sa kanilang Boss dahil buhay pa sila.  "You may leave." Kaagad na nag bow ang tatlong babae at handa nang lumabas ng marinig nila ang boses ng kanilang Boss ulit kaya naman napatigil sila. "Amy, you will stay here. I have some matter to discuss with you in your recent mission."  Kaagad din naman sumilay ang ngiti sa labi ni Xu Amy nang marinig niya ito at hindi na rin naman pinansin pa ni Li Muen at Li Xie ang kakaibang atmosphere na naramdaman nila. Alam nialng dalawa na hindi ito normal na usap lamang dahil alam nila na may kasama itong ungol at hubo't hubad na katawan.  "Minsan talaga hindi ko ma-gets si Amy," sambit ni Li Muen.  "Iyon ay dahil hindi naman nya pinapakita sa atin ang totoong sya. " "So may tinatago sya sa atin?" "Maybe?"  Hindi nahirapan sila Li Muen, Li Xie at Xu Amy sa pagkuha ng golden dragon statue at ngayon ay nakatayo sila sa madilim na parte ng yatch na kumuha sa kanila para makatakas.  "Oh em gy, ganun kadali?" Hindi makapaniwalang sambit ni Xu Amy.  Seryoso lang syang tiningnan ni Li Xie dahil pakiramdam nya ay may mali ganoon din naman si Li Muen.  "Hindi ka ba nagtataka na parang ang bilis natin makuha?" Tanong ni Li Muen at tiningnan ang hawak hawak nyang golden dragon statue.  Nagkibit balikat naman si Xu Amy at inilahad ang kamay nya, "Patingin nga ako." Ibinigay naman sa kanya ni Li Muen ang golden dragon statue, "Wala akong paki kung mabilis natin nakuha basta..." Ngumiti ito ng nakakaloko at naglabas ng baril. "Nakuha ko na."  "What the heck is the meaning of this, Amy?" Inis na tanong n Li Xie. "Oh, this? I just wanted to kill you both. You know wala na kayong pakinabang kay Boss so he ordered me to kill you both." At ngumiti naman ng nakakaloko si Xu Amy.  "Why the heck are you doing this, Amy? Aren't we friends?" Sambit ni Li Muen.  Tumawa ng parang nababaliw si Xu Amy kaya naman napaatras ang dalawa. Masyado nilang binaba ang guard nila kaya naman alam nila na wala silang kalaban laban ngayon kay Amy. Hawak ni Xu Amy ang latest na baril sa kanilang organisasyon at napagtanto na rin ng mag pinsan na totoo ngang gusto na sila ipapatay ng kanilang boss.  "Hahaha friends? Walang friends friends sa organisasyon. Kayong dalawa lang naman ang sumisira doon eh! Pwe! Feeling close kayong dalawa mabuti pa patayin ko na kayo."  Sa dalawang putok ng baril ay kaagad na tumama ito sa puso ni Li Muen at natumba sya t nahulog sa dagat.  "Muen!"  "Don't worry sasama ka sa kanya."  Ikatlong putok ay tumama din kay Li Xie at nalaglag din sya sa dagat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD