CHAPTER 1: REBIRTH

2638 Words
Napahawak na lang sa kanyang ulo ang isang dalaga dahil sa sakit nito. Kaagad din naman siyang napabagon dahil sa mga naalala nya at nagtaka dahil sa mga napagtanto nito.  I was killed by Amy and I know na pinatay nya rin si Xie'er. What the heck? Why am I still alive? Hindi kami bubuhayin ni Amy... Kasabay ng huli nitong naisip ay ang pagbalik ng kanyang alaala kung paano sila nagtagumpay sa kanilang misyon. Kasama niya ang kanyang pinsan at ang kanyang matalik na kaibigan sa misyong iyon ngunit ng malingat ang dalawa ay kaagad na itinutok ng kanilang matalik na kaibigan ang baril sa ulo ng dalaga.  Napayukom ng kamao ang dalaga sa kanyang mga naalala at kaagad din naman nya ikinalma ang sarili niya. Inilibot niya ang kanyang paningin at hindi pamilyar na lugar ang kanyang nakita ngunit isang pamilyar na pakiramdam naman ang kanyang naramdaman.  Napahawak na naman ang dalaga sa ulo nito at doon niya napagtanto kung ano ang nangyari sa kanya. Mali, sa may-ari ng katawan na kanyang inuukupa sa ngayon. Ang paglabas ng memorya sa kanyang isipan ay hindi kaniya ngunit ito ay memorya ng katawan na inuukupa niya.  "I transmigrate? Totoo pala iyon?"  Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman at doon naman sya napalagok ng laway. Ang memorya nito ay mula noong bata pa ang may-ari ng katawan at hanggang sa bago ito mamatay. Napayukom naman ang kamao nito ng malaman na namatay ang dating may-ari ng katawan sa kamay ng kanyang pinsan na tinuring niya na matalik na kaibigan.  "Surely, hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga matalik na kaibigan," may bakas na galit sa kanyang mga boses.  Hindi kagaya ng sa past life nya na isa siyang henyo at magaling sa lahat ang may-ari ng katawan ay kabaliktaran nya.  "How convenient it is for the both of us to have the same name." Nakangiting sabi ng dalaga.  Li Muen ang pangalan ng dating may-ari ng katawan na kanyang inuukupa at Li Muen din naman ang pangalan nya sa past life nya kaya naman napangiti ito. Hindi siya mahihirapan na mag adjust sa kanyang pangalan.  Ang Li Muen na may-ari ng katawan ay isang dalagang labing tatlong taong gulang at ang ika-apat sa mga misses ng Li Family. May anim na Miss sa buong pamilya at ika-apat ito ngunit sa kanilang lahat siya ang naiiba.  Isang waste kung ituring ng mga nasa pamilya si Li Muen dahil wala man lang itong kaalam alam sa kahit na anong anyo ng arts. Maliban sa kanyang ama at ina pati na rin ang kanyang nakatatandang kapatid at kakambal ay wala nang tumuturing sa kaniya na maayos.  Napatingin si Li Muen sa kanyang kamay at doon ay naningkit ang kanyang mata dahil nakikita nya pa rin ang mga poison powder na ginamit sa kanya upang mamatay. Huminga siya ng malalim at ngumiti.  "Hindi ako pwede na ganito na lang. Pasensya na sa dating may ari ng katawang ito pero dahil ako na ang bagong nandito gagawin ko ang lahat para sa pamilya na mahal na mahal mo. Kahit na ang kalahati pa dito ay ayaw sayo." Lumakas ang hangin at ngumiti si Li Muen dahil alam nyang nasa paligid lang ang dating may ari ng katawan. "Poprotektahan ko ang iyong ama at ina na akin na ring magiging ama at ina pati na rin ang iyong nakatatandang kapatid at kakambal. Ituturing ko silang parang sarili ko ring pamilya." Kasabay ng mga sinabi nito ay ang bahagyang paglakas ng hangin at unti unti na rin itong nawala at saka naging payapa ang paligid.  "Rest in peace, Mu'er. From now on I won't let anyone bullied this body. I will make every one of them pay for their own debt."  Napatingin na naman ang dalaga sa kanyang mga kamay at inalala ang mga nangyari noong araw bago sya mabawian ng buhay.  Naalala niya na siya'y inimbitahan ng ikalawang miss ng pamilya.  So, ang babaeng iyon pala ang pumatay sa dating may-ari. Hindi ko akalain na may mga mamatay tao na sobrang inosente tingnan. Tama talaga ang katagang- don't judge the book by its cover. Nilason siya ng Second Miss dahil sa inggit na nararamdaman nito. Kahit na ang kanyang ama ay may katayuan sa pamilya hindi pa rin ito kasing lakas ng katayuan ng ama ni Li Muen kaya naman naiinggit ito. Ninanais nito na maging isang tunay na Li Young Miss at nakakadagdag pa sa kanyang inggit ay kahit na ano pang klaseng kawalangkwenta si Li Muen ay pinapaburan pa rin ito ng Master at Mistress ng buong angkan.  Kahit na si Li Muen ay hindi mahilig sa mga arts ay mahilig naman ito magbasa basa ng mga libro kaya naman nakakatulong din siya sa pagde-desisyon ng kanyang ama para sa buong angkan. Lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Li Muen sa mga nagdedesisyon sa ikabubuti ng buong angkan.  Dahil sa pagmamahal at pag aaruga na nakikita ng Second Miss sa mga magulang ni Li Muen sa kanya na kanya namang hindi nararanasan sa kanyang ama at ina ay mas nainggit pa ito. Isa din sa kina-iingit ng ikalawang miss ay ang pagka-engage ni Li Muen at ng ikatlong prinsipe.  Pwe! Kung yung pakikipag-engage lang pala ang ikinaiinggit nya edi sana nagsabi sya para ibigay sa kanya ni Li Muen. Isa pa lahat ng hinihingi nyang pabor binibigay ni Mu'er bakit hindi nya hiningi ang tungkol doon? Napahawak sa kanyang ulo si Li Muen at bumunton hininga dahil sa nalaman nya rin na may estado ang maternal family nya. Ang kanyang ina na asawa ng kanyang kapatid ng kanyang ama ay galing sa ika-apat na malaking pamilya.  Dahil na din doon ay mas naging mataas pa ang tingin ng ikalawang miss sa kanyang sarili idagdag pa ang galing niya sa painting at caligraphy. Dahil doon kaya naman naging prideful, envious, at jelous ang ikalawang miss.  Ah-ah. So wala pala sa pakikipag-engage ni Mu'er ang dahilan ng inggit nya. Umpisa pa lang inggit na sya sa katayuan ni Mu'er. "Eh, like mother like daughter."  Nakita ni Li Muen na palagi din na nai-inggit ang ina ni Li Menda ang ikalawang miss ng Li Family. Si Li Bai Zu ay galing sa Bai Family na ika-apat sa pinaka-malalaking pamilya.  "Eh? Bakit pinapasok ni tito ito sa pamilya?"  Ah-ah, siguro dahil na rin sa pwedeng pagrebelde ng pamilyang ito. Base sa pag ka-ka-analyse ko sa pamilyang Bai isa silang gahaman, sakim at uhaw sa kapangyarihan. Hindi na ako ngayon nagtataka na ganito ang ugali ng ikalawang pinsan ko. "Fourth miss?"  Napatingin si Li Muen sa nagsalita at nakita niya ang pamilyar at hindi pamilyar na mukha na pumasok. Pamilyar sa katawan pero hindi pamilyar sa kaluluwa.  Zhuen, iyon ang pangalan ng kanyang personal na tagapangalaga. Siya ang nakasama ni Mu'er simula noong pagkabata hanggang sa ngayon. Mas matanda lang ng dalawang taon si Zhuen kay Mu'er kaya naman hindi na rin nakakapagtaka na naging close silang dalawa at dahil na rin sa loyal si Zhuen kay Mu'er at higit sa lahat inaalagaan talaga niya ang dalaga na parang isang tunay na kapatid.  Good thing na may isang tao na mapagkakatiwalaan dito sa courtyard ni Mu'er. I will call her Mu'er since sya naman talaga ang may ari ng katawang ito. Pero dahil ako na ang nag-occupy gagawin ko ang lahat para sa katawang ito at sa pamilya na ito. Maliban na lang doon sa mga nagtatangkang patayin ako at saktan hindi lang ako pati ang pamilya ko.  "Zhuen..." Mahina namang banggit ni Muen.  Napangiti na lang si Muen ng makita niya ang pangingilid ng luha ni Zhuen at napaisip siya na at least may tao pa ring nagmamahal sa dating may ari ng katawan. Iyon nga lang at ibang tao na ang nasa katawan ngayon.  "Miss!"  Ang kaninang pangingilid lang ng luha ay dumaloy na parang ilog at humagulgol si Zhuen sa may kama ni Muen habang hinahaplos naman ni Muen ang ulo nito.  "Huwag ka nang umiyak pa, Zhuen. Hindi naman ako namatay eh."  I have to lie. Sorry, pero ang totoong Mu'er ay patay na. "Pero nag alala po ako. Hindi lang ako kundi pati na rin si Master at Mistress." "Patawad at napag-alala ko kayo."  Napansin ni Li Muen na may iilang English words na nababanggit pero puro ito mga katawagan lamang sa mga may estado sa buhay o kaya naman kung pang ilan sila sa mga generasyon sa bahay. Halimbawa na lang si Li Muen na tinatawag nilang fourth young miss at ang kanyang pinsan naman na nagtangka sa kanyang patayin ay tinatawag na second young miss.  "Ah! Kailangan ko itong ipaalam kila Master at Mistress."  "Bago iyon may itatanong lang sana ako sayo." Sambit ni Muen at nakaupong tiningna si Zhuen na handa na sanang lumabas ng kwarto. "Alam mo ba ang nangyari sa akin?"  Ang alam ko lang ay nakipagkita ako sa second  young miss na pinsan ko and after that wala nang maalala pa ang dating Muen.  Sandali namang napaisip ang kanyang personal na tagalingkod at saka nagsalita, "Bago ka po mahimatay ay nagkita po kayo ni Second young miss sa Lily courtyard at pagkatapos po ng tea ninyong dalawa ay umalis ka na po."  Napaisip si Li Muen at napahawak sa baba nya.  Sure ako na yung pinsang iyon ang naglagay ng poison kay Mu'er pero paano?  "Pagkatapos? Paano nyo naman nalaman na nalason ako?"  "Noong pag uwi mo po ay inutusan mo akong kumuha ng tubig pero inutusan po ako ni Second madam kaya naman ang personal na katulong nya ang nag-"  Hindi na naituloy pa ni Zhuen ang sasabihin nya nang maalala nya ang mga iyon at isa lang ang pumasok sa isipan nya pati na rin ni Li Muen.  "Sigurado ako na alam ni Second madam na may lason sa mga kuko ko." Sambit ni Li Muen at tiningnan ang mga kuko nya, "Alam ng lahat na ang ginagamit kong pang-alam ng temperatura ng tubig ay ang kamay ko kaya sigurado ako na sila ang naglagay ng poison sa daliri ko."  Nakita ni Muen na namutla naman si Zhuen dahil sa natuklasan nilang dalawa at kaagad na lumuhod si Zhuen, "Patawad young miss! Kasalanan ko po ito. Kung hindi sana-"  Umiling si Li Muen at saka sinabing, "Kahit na hindi mo sundin si Second madam ay gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para maihiwalay ka sa akin. Hindi lang nila akalain na magtatagumpay sila sa unang pag subok na paghiwalayin tayong dalawa pero sigurado akong naghihintay sila sa balita tungkol sa akin. Kaya naman tumayo ka na dyan at huwag ka na lumuhod pa."  Tiningnan sya ni Zhuen saka sinabing, "Yes miss," at tumayo ito saka nagtanong, "Ano na pong balak mo Young miss?"  Buti na lang at okay lang si Miss. Hindi ko kakayanin kung mawawala sya. Siya na lang ang pamilya na meron ako. Isa pa, buti na lang at nakita nya na ang totoong mukha ni Second miss. "Ano bang mga nangyari sa loob ng courtyard?" Tanong ni Li Muen dahil hindi niya gaanong natatandaan ang mga nangyari doon para bang may nag alis nito sa memorya ng dating Li Muen.  "Alam ko pong naiinggit sa iyo ang Second miss kaya naman ginawa ko po an lahat para hindi sya makalapit sa iyo pero nabigo po ako." Yumuko si Zhuen at napaisip naman si Muen. Hindi ko alam kung pathetic ba ang dating Muen or what. Hindi nya ba nakikita na two faced bitch ang pinsan nya? Idiot. Sambit ni Li Muen sa kanyang isipan at napabuntong hininga na lang saka tumingin pa kay Zhuen, "Patawarin mo ko Zhuen kung nahirapan ka dahil sa akin. Huwag ka mag alala dahil hindi na ako papayag na apihin pa ako." Nakangiti nyang sabi.  "Ano ang kabuoang nangyari sa loob ng courtyard ng Second young miss?"  "Noong nag imbita sya na makipag-tea sa iyo ay pumayag ka pagkatapos noon ay nagpunta tayong dalawa. Hindi ako pinayagan ng second young miss na tumayo sa tabi mo dahil ang sabi nya ay kayong dalawa lang naman daw at wala naman daw syang gagawin kaya pumayag ka kakhit na ayaw mo. Doon mula sa malayo ay nakikita kong nag uusap kayo at nagkamayan kayong dalawa ng tapos na kayo mag tea. Pagdating sa courtyard mo sinabi mo na gusto mong uminom ng tubig tapos po nun ay umalis ako. Nakita ko ang Second madam at doon po ay inutusan nya akong kuhanin ang kanyang journal sa kanyang courtyard-"  "Inutusan ka nya kuhanin ang journal nya sa courtyard mo? Hindi ba't personal nyang bagay iyon at isa pa hindi ka nya tagasunod bakit ikaw ang kailangan kumuha noon?" "Iyon din po ang pinagtataka ko pero hindi po ako pwede na hindi sumunod dahil mapapahamak tayong dalawa kaya po pumayag ako at ang personal nyang katulong ang maghahatid sayo ng tubig na iniutos mo sa akin."  Clever girl. You know how and when to retreat. Kahit isa ka lang maid ay matalino ka, I like it.  "Nakakapagtaka at ang personal na katulong pa nya ang maghahatid sa akin."  "Opo pagkatapos noon ay narinig ko na lamang siyang sumigaw at sinabing nang makarating sya sa kwarto ay wala nang malay."  Mapangisi si Li Muen dahil ngayon alam na nya ang mga nangyari at alam nya rin na conspiracy lang lahat ng iyon ng mag inang walang kaluluwa. Ngayon na alam na nya kung sino ang mga dapat paghigantian at kung sino ang dapat protektahan ay hindi na siya mahihirapan pa. "Young Miss ano na po ang balak mo?" Nag aalalang tanong ni Zhuen sa kanyang amo.  Sandali namang napaisip si Li Muen at saka ngumiti na makahulugan, "Sa ngayon kina Ama at Ina mo na lang muna sabihin at sabihin mo rin sa kanila na huwag nila ipaalam." Matalim ang mga mata ni Li Muen na tumingin kay Zhuen. "Sa tingin ko marapat nang ipaalam sa kanila kung sino talaga ako sa pamilyang ito, na hindi ako basta bastang young miss lang ng pamilya." Naiiyak na tiningnan ni Zhuen ang kanyang amo na si Li Muen at hindi makapaniwalang nagbago na nga ang kanyang amo.  Young Miss, nandito lang po ako lagi sa tabi mo. Hinding hindi po kita iiwan kahit na anong mangyari. Salamat naman at nagbago na ang aking Young Miss, salamat sa oportunidad na nagbago na ang Young Miss na pinaglilingkuran ko. "Naiintindihan ko po, Young Miss." At nag bow naman si Zhuen kay Li Muen saka bumalik sa pagkakaayos na tayo, "Miss, aalis na po ako para masabihan ko po sila Master at Mistress."  Tumango naman si Li Muen at saka sinabi ulit na, "Kapag may kasama sila Ama at Ina sa pagpunta dito at pumasok kasama sila hindi ako gigising. Ngunit pagkatapos noon ay sabihan mo sila Ama at Ina na paalisin muna ang mga kasama nila."  Tumango naman si Zhuen bilang sagot sa sinabi ni Li Muen, "Yes, Young Miss. Aalis na po ako." At nag bow ito saka umalis sa kwarto ni Li Muen.  Nang makita ni Li Muen na umalis na si Zhuen ay kaagad naman itong bumuntong hininga at tiningnan ang kanyang kamay kung saan nilagay ang lason. Napaisip si Li Muen ng mga hakbang na pwedeng gawin.  "Sa ngayon kailangan ko muna malaman ang lahat tungkol sa mundong ito dahil may kung ano sa loob ko na hindi ko maipaliwanag." Kunot noong sabi ni Li Muen habang nakatitig sa kanyang kamay. "I don't know if this is a good or bad but since I reborn again in this body then I will do my best to protect this."  Tumingin si Li Muen sa bintana at natanaw niya ang garden sa courtyard niya saka siya napaisip.  How are you, my dear cousin? Did you also die in her hands or you escaped? I hope you do. I will wish your happiness. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD