Tahimik na nakatingin si Li Muen sa bintana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang ina at ama kasama ang pinagkakatiwalaan nitong taga-silbi. Hindi nya alam kung paano sya napunta sa mundong kinalalagyan nya ngayon pero alam nya na dapat syang mabuhay ng maligaya at kailangan nya ring tanggapin na ang kanyang pinsan ay wala na sa kanyang tabi simula ngayon.
Isa ito sa kinakatakutan niyang mangyari at ngayong nangyari na ay iba ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay na wala ang kanyang pinsan sa kanyang tabi upang siya ay pakalmahin tuwing nag iinit ang ulo nito pero naiintindihan naman nya na mag move forward para sa kanyang buhay.
"Okay ka lang ba Xie'er? Nakatakas ka ba kay Amy o namatay ka rin kagaya ko? If you escaped then please don't come back to that hell," Bulong ni Li Muen sa kanyang sarili na para bang kinakausap nito ang kanyang pinsan. "But if you also die I hope you reincarnate as one of the most prestigious people unlike this body of mine." At napanguso naman sya sa dinagdag nya.
Ah, imbis na magsisi ako sa katawan na kinalalagyan ko ngayon eh I have to think a plan to make those people punish. I am not a saint or what to let them live peacefully and wait for their karma. I will make them go nuts.
At isang nakakatakot na ngiti ang ibinigay nito. Kung mayroon mang makakakita ay siguradong kikilabutan ito sa ngiti na iyon. Iyon ang kinakatakutan na ngiti ng mga tao sa datin niyang trabaho at kahit pa hindi sila ng pinsan nya nakikisalamuha sa organisasyon ay alam pa rin ng mga tao doon na hindi sila dapat kalabanin.
So, later I'm gonna see if my Pheonix mark system is still with me. Siguro after kong kausapin ang ama at ina ko sa buhay na ito. Ah, I never had a care of a mother sana lang mabait sya kagaya ng nasa alaala ng dating Li Muen.
Napangalumbaba naman si Li Muen saka inalala kung anong klaseng mga tao ang nasa loob ng residence na kanyang tinitirahan. Kung may mga tao bang doble kara ang mukha at kung may mga tao bang tunay na nagmamahal sa kanya maliban sa kanyang pamilya.
"Hmm." Napahawak naman si Li Muen sa kanyang baba at saka sinabing, "So this family is one of the most powerful clan in this kingdom. It's the number one art clan."
Ang Li Family ay ang nangunguna sa pagiging Art Family sa kingdom. Ang Li Clan ay naging tanyag sa iba't ibang klase ng mga arts katulad na lang ng painting, poetry at karamihan din ng nasa Li clan ay kasali sa royal scholar. Isa sila sa mga itinitingalang pamilya sapagkat hindi lang sila clan na muno ng mga scholar kundi sila din ay isa sa mga military personel na may sword arts na nasa rango ng imperial military squad.
"Ay taray may sword art pala dito. So may bakbakan," ang na kumento ni Li Muen sa kanyang nalaman at napangiti naman sya, "Shall I study sword art also?"
Iba ang sword art nila sa Earth. Somehow, it makes it superior to the Earth. Gusto ko matuto! Ah, kung nandito si Xie'er baka nabaliw na iyong babaeng iyon. I mean, she's a sword freak.
Nawala naman ang kanyang ngiti ng parang narinig niya ang boses ng kanyang pinsan.
"Pwe, dagger freak."
Napabuntong hininga si Li Muen sa kanyang guni-guni, "Ah, wag mo ko multuhin Xie'er. Namimiss din naman kita eh." At saka ito ngumuso. "But I have to move forward okay? So even if we're not together you'll still be forever in my heart. I will miss you."
Kaagad naman na pinunasan ni Li Muen ang luha na lumatay sakanyang mga pisngi at saka huminga ng malalim upang matigil ang pagbagsak nito. Nasasaktan siya dahil sa pagkawala ng taong pinagkakatiwalaan nya pero kailangan nya pa rin makipagsapalaran at patuloy na mabuhay dahil isa ito sa pangako nilang dalawa sa isa't isa.
"Hey, we need to have an agreement," agad na sambit ni Li Xie ng makarating sila sa kanilang silid.
"Oh, a promise?" Inosente namang sambit ni Li Muen.
Umirap naman si Li Xie at sinabing, "Once na isa ang mamatay sa atin kailangan na tumakas ng isa. No matter what happen never come back to that shitty place. Do you understand?"
Ngumisi naman si Li Muen sa sinabi ng kanyang pinsan at saka tumango, "Of course, anong akala mo sa akin bobo?"
"Hindi pero medyo mahina lang yang utak mo."
Napangiti si Li Muen ng kanyang maalala ang mga asaran nilang magpinsan. Kung sakali mang buhay pa ang kanyang pinsan sana mamuhay ito ng masaya at malayo sa organisasyon na kumokontrol sa amin.
Pumikit si Li Muen at pilit na kinabisado ang lahat ng alaala ng dating may-ari ng katawan. Kailangan nya ng impormasyon para mabuhay sa mundong kanyang ginagalawan ngayon. Sa kanyang paghahanap nalaman niya na may kakaibang lakas ang mga kalalakihan at iilan lang din sa kababaihan ang mayroon nito at ang mga kababaihang may kakaibang kakayahan ay tinaguriang national treasure.
"May iilang English words sila pero hindi pulido. Mukhang mga basic words lang ang mga English nila," kaagad na sambit ni Li Muen nang malaman niya kung anong klaseng lingwahe ang mayroon ang mundo nila.
Ang Great Radiance Empire ay binubuo ng apat na kingdom na nakapasailalim nito. Una ang Maqi Kingdom na syang pinaka malaking kingdom na nasasakupan ng Great Radiance Empire at ang kingdom naman na ito ay bisaha sa mga medisina.
"Kung nandito siguro si Li Xie malamang at kukulitin ako nun na magpunta kami or hindi kaya na lumipat kami sa Maqi Kingdom," bulong ni Li Muen sa sarili.
Napabuntong hininga naman si Li Muen dahil hindi maalis sa kanyang isipan ang kanyang pinsan at nag iisang matalik na kaibigan. Kasama niya si Li Xie mula pagkabata hanggang sa sakuna ng kanilang pamilya at nang mapunta sila sa organisasyon kaya hindi na rin nakakapagtaka kung malapit sila sa isa't isa.
Ang kingdom na ginagalawan ni Li Muen ngayon ay ang Xidi Kingdom kung saan bihasa sa iba't ibang klase ng arts. Sword arts, painting, calligraphy, sculpture, at iba pa ay nasa kingdom na ito. Tinaguriang ito ang pinaka matalino at kalmadong kingdom na nasasakupan ng Great Radiance Empire.
"Arts, ano kayang dahilan at walang kahit na anong talent..."
Hindi naman naituloy ni Li Muen ang kanyang sasabihin ng malaman nya sa kanyang isipan na ang dating may ari ng katawan na kanyang inuukupa sa ngayon ay magaling mag-pinta. Nalaman nya rin na kaya hindi nya ito ipinaalam sa lahat ay ayaw nya magkaroon ng sagupaan sa pagitan nya at ng ikalawa nyang pinsan.
"Heh, so what? Aalisin ko na rin naman ang Second miss na yan sa lugar na ito eh."
Nalaman nya rin na ang ikatlong kingdom na nasa ilalim ng emperyo ay ang Qidi Kingdom na kung saan bihasa sa mga ano mang uri ng inumin. Alcohol at wine ang pinaka sagana sa kanila. Kahit na sila ang pinaka asensado pagdating sa ekonomiya ay pangatlo pa rin sila sa rango sapagkat ang mga nakatira dito ay mga maiinitin ang ulo dahil sa palaging lasing dahil sa kanilang iniinom.
Ang huli na kingdom at ang pinaka maliit sa lahat ay ang Roxi Kingdom kung saan bihasa sa mga alahas. Ang mga kababaihan sa emperyo ay dito nagpapasadya ng kanilang mga alahas lalo na ang Empress at ang mga Princesses.
Sa buong Maqi Kingdom may apat na tanyag na clan. Ang Li Clan, Qin Clan, Yuan Clan at Bai Clan.
Ang Bai Clan ang ika-apat sa tanyag na pamilya sa Maqi kingdom sapagkat isang klase lang ng arts ang kanilang ipinapasa mula sa pinaka unang henerasyon hanggang sa kasalukuyan ito ay ang pagsasayaw.
"Hmm. Ancient china ang theme ng kanilang pagsasayaw."
Kaagad na naisip ni Li Muen ang sayaw noong magpunta sila ni Li Xie sa Beijing para sa isang misyon at ang sayaw na nakita niya sa alaala ng dating Li Muen ay may pagkakaparehas sa sayaw na napanood nila sa Beijing noon.
Kaya naman pala halos hindi nagbabago ang katawan ng asawa ng ikatlong tito ko. Si Bai Zi ay isa sa Bai Clan kung saan ang katawan ang pinaka mahalaga sa kanila kapantay ng pag aalaga nila sa kanilang kutis.
Napatango tango naman si Li Muen ng makaisip ng maari niyang gawin para mapahirapan ang mag ina.
Humanda kayo.
Ang ikatlo sa mga clan ay ang Yuan Clan naman ay may dalawang klase ng arts na pinapasa sa kada henerasyon ito ay ang pagkanta at pag-aaral ng iba't ibang instrumento. Kaya din nila nalampasan ang Bai Clan sa rango ay dahil nagbebenta sila ng mga instrumento na sila mismo ang gumawa at maari din naman na magbenta sa kanila ng kahit na anong instrumento sa musika.
"Hmm, so kung ilalabas ko sa Phoenix Mark System ko ang gitara ko eh pwede ko ibenta." Napailing naman si Li Muen agad sa kanyang naisip, "Nope, di pwede. Baka mabuking ako ng hindi oras kapag ginawa ko iyon."
Baka isipin nila na kung saan ko lang napulot ang gitara at pagkamalan pa akong baliw.
Ang ikalawa sa tanyag na clan sa Maqi Kingdom ay ang Quin Clan kung saan nanggaling ang ina ni Li Muen.
Kaya naman pala takot si Bai Zi kay mama eh mas mataas pala talaga ang class ni mama kaysa sa kanila. Hindi lang sa buong recidence kundi pati na rin sa labas.
Nakangiti si Li Muen sa nalaman nya. Alam nya na kahit na anong mangyari ay hinding hindi siya masasaktan ni Bai Zi.
Ang Quin Clan ay ang pamilya na magaling sa painting at calligraphy kaya naman, ang emperyo ay nagsasadya na tawagin ang kanilang patriarch para sa calligraphy at ang mga nasa mababang henerasyon naman ay ang royal painter ng Royal Family.
"Wow, base sa naalala ko eh napatawag na sa emperyo dati si ina."
Pero bad moves din iyon dahil nagustuhan siya ng ikalimang prinsipe. Sorry na lang sya pero engage na noon si ama at ina. Pinilit pa rin ng prinsipe na paghiwalayin sila kaya ang ending na-demote siya. Isa na syang commoner ngayon dahil nagalit ang emperor sa kanya.
"Wala palang kadu-kadugo sa emperyo."
Ang pinaka nangunguna sa lahat ay ang Li Clan kung saan bihasa ang bawat isa sa iba't ibang kaseng arts.
Kagaya na lang ng aking ama na si Li Chao na syang panganay sa lahat ng magkakapatid. First born son at siya ngayon ang nakaupo at namamahala sa buong Li Clan. Si Li Chao ay isang sword art master kung saan siya ay dating miyembro ng Emperial Batallion at siya ang General nito.
"What's this Qi?" Takang tanong ni Li Muen.
Sa paghahalughog ng kasagutan ay napagtanto niyang ito ang klase ng word na nababasa niya noon sa mga nobela. Napangiti naman ito at sinabing, "Parang gusto ko rin maranasan gumamit ng qi. Sa pagkakaalam ko nakakahiwa daw ng puno ang isang simpleng wooden sword kapag nilagyan ng qi."
"Qi... siguro okay lang kung next time bibisita ako sa library. Meron naman ata nun dito di ba?" Napabuntong hininga na lang si Li Muen sa naalala nya, "Shems, bakit wala syang alaala na may library sa lugar na ito? Hindi ba sya nagbabasa basa?"
Ang pangalan naman ng ina ni Li Muen ay Quin Qin Xi isa sa pinaka hinahangaan ng lahat. Ang pinaka maganda sa lahat ng babae sa kanyang henerasyon. Isa syang masayahin, mahinhin, elegante at mapagmahal na babae lalo na sa kanyang pamilya. Si Qin Xi ay may titulong First Princess na bigay mismo ng Emperor dahil sa kaguluhan na ginawa ng kanyang anak kay Quin Qin Xi.
So Quin Qin Xi sa ngayon ang kabiyak ni Li Chao at tumutulong na mamahala sa Li Clan. Kapatid din sya ng isa sa mga concubine ng emperador at iyon ay si Consort Mei.
So uso pala dito ang kabit kabit. Buti na lang at walang kabit itong tatay ko dito dahil kung hindi baka nasapak- ay Royal family lang pala ang pwede magkaroon ng kabit. Hanep, tatlong asawa at limang kabit. Walo lahat!
Hindi makapaniwala siya makapaniwala sa kaniyang nalaman at napaismid naman ng maalala niyang ikakasal sya sa isang prinsipe.
"Oh goodness, parang ayoko na ah." At napanguso naman ito. "Gusto ko ako lang ang nag iisang babae sa buhay ng mapapangasawa ko, hindi ako papayag ng ganito!"
Sandali naman na napangiti si Li Muen nang makita nya pa sa alaala ng dating may ari ng katawan na mayroon siyang dalawang kapatid. Isa ay kakambal nya na mas matanda sa kanya ng ilang minuto at ang isa naman ay ang mas nakakatanda nilang kapatid na lalaki.
Li Baili ang kakambal ni Li Muen na lalaki at mas matanda sa kaniya ng dalawang minuto. Sa murang edad pa lamang nito ay naging bihasa na ito sa paggamit ng espada at susunod na rin sa yapak ng kanyang ama at nakakatandang kapatid. Sa murang edad ay napapasama na siya sa mga ekspedisyon kagaya na lamang sa dahilan kung kaya't wala ito sa tabi ni Li Muen ngayon. Siya din ay isang
Si Li Baili ay isa sa dahilan kung bakit walang nang-aapi kay Li Muen kahit na wala itong kaalam alam sapagkat parati nitong pinuprotektahan ang kakambal nito na kanya namang ipinangako sa kanilang ama at ina. Hindi nito iniiwan ang tabi ni Li Muen kung nasa bahay siya at masaya naman si Li Muen sa prisensya ng kanyang kakambal. Si Li Baili ay nasa Primary stage peak of green level. Iilan lang ang nakakatungtok sa primary stage green level sa edad na trese.
Si Li Baejin naman ang nakakatandang kapatid nila Li Muen at Li Baili. Si Li Baejin ay lumaki sa pagtuturo ni Li Chao pagdating sa larangan ng espada at pakikipag laban sa digmaan kaya naman nakuha kaagad ni Li Baejin ang karangalan na mayroon siya ngayon. Leutenant General ang kaniyang rango sa militar. Sa edad na dise-otso si Li Baejin ay isa nang tier 9 qi user. Kanang kamay din siya ng Ninth Prince na tinaguriang god of war ng kanilang emperyo sa digmaan.
"Wow, kung noon wala akong kapatid at maaga din nawala ang pamilya ko bukod kay Li Xie wala na akong tinuturing na pamilya." Napangiti na lang si Li Muen, "Good thing at sa pamilya na ito ako napunta. Hindi ako mahihirapan dahil mahal nila ang dating may-ari ng katawang ito. Totoong pagmamahal ng pamilya. Mararanasan ko rin, sa wakas."
Nalaman din ni Li Muen na kaya wala sa mansyon ngayon si Li Baili at Li Baejin ay dahil kasama sila ng Ninth Prince sa isang ekspedisyon kung saan aalamin nila kung saan nagtatago ang mga kalaban sa boarder ng emperyo.
Napatigil naman si Li Muen nang marinig nya na may mga yabag na papalapit sa kaniyang kwarto kaya naman agaran siyang humiga.