CHAPTER 9: HELP FROM THE OUTSIDE

2362 Words
Unang gabi nila sa labas ng mansyon ay kaagad naman nakaranas nang pagbabago si Li Muen sa kaniyang katawan. Hindi niya alam kung bakit pero may kakaiba sa kaniyang katawan na wari mo ay kailangan nitong ilabas. Pinagpapawisan si Li Muen nang matindi at sinusubukan na mag-cultivate para mabawasan ang sakit nito ngunit napakunot ang kaniyang namamawis na noo nang maramdaman niya na mas lalo lamang itong sumasakit. Napakagat na lamang siya ng labi nang mapagtanto niya kung bakit. Sa una ang akala ni Li Muen ay pawang normal na sakit lamang ito ng tiyan at hindi niya ito pinansin ngunit habang tumatagal ay mas lalo itong sumasakit na wari mo ay may pinupunit ito sa loob. Hindi lang iyon, ang mga meridian din niya ay nasakit din na akala mo ay sasabog ito. Doon napagtanto ni Li Muen na siya ay magiging isa nang ganap na qi user. Malapit na siya mag advance mula sa pagiging normal na babae papunta sa tire zero o tire one. Kung hindi siya papalarin na makalampas sa tire one kagaya nang mga nangyari sa mga naunang babae na naging qi user ay itutuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa negosyo na itatayo niya. "Zhuen," hirap na bigkas ni Li Muen at agad din naman na binuksan ni Zhuen ang pintuan ng kwarto ni Li Muen sa inn. "Miss! May problema po ba?" nag aalalang tanong ni Zhuen nang makita niyang nahihirapan si Li Muen at namamaluktot sa sakit. "Zhuen, kunin mo ang cape ko at umalis tayo sa lugar na ito. Kailangan ko nang tahimik at malayong lugar dito," "Miss, gabi na saan po tayo pupunta niyan?" tanong ni Zhuen habang kinukuha ang cape ni Li Muen at sinusuot ito kay Li Muen. Hindi maialis ang pag-aalala ni Zhuen sa mukha niya nang makita niya na talagang nahihirapan na si Li Muen at wala man lang siyang magawa. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin sapagkat hindi rin naman sinasabi ni Li Muen kung anong problema sa kaniya. Lumabas si Li Muen at Zhuen nang magbayad sila para sa kaunting oras an ginugol nila sa loob ng inn. Nagtataka man ay hindi na pinigilan pa ng may-ari nang inn ang kanilang pag-alis. 'Ano kaya ang dahilan kung bakit bigla na lang umalis ang dalawang iyon? Hindi lang iyon, mukhang may masamang pakiramdam pa ang babaeng pinagsisilbihan niya,' sambit ng may-ari ng inn habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas sina Li Muen at Zhuen. Naglakad nang naglakad sina Zhuen at Li Muen sa lugar kung saan wala masyadong tao. Hindi nila gusto na magkaroon nang gulo na makakasalubong kaya naman mas pinili nila ang lugar kung saan walang katao-tao. Ito ang lugar kung saan walang nagtatangka na pumunta sapagkat ito ay ang daan papunta sa isang bundok na kinatatakutan ng mga tao rito. Hindi dahil sa taas nito kundi dahil sa mga mapanganib na demon beast dito. "Miss sigurado ka po ba talaga na dito ka mag-a-advance?" nag-aalalang tanong ni Zhuen. Bilang isang tagasilbi ay trabaho na niyang mangalap ng balita sa lugar kung nasaan ang kaniyang pinagsisilbihan. At isa sa nakalap niyang balita ay ang hindi magandang kumento sa lugar na ito. Hindi lang iyon, pilit din silang pinapalayo sa lugar na ito sapagkat marami na ang namamatay rito ng walang nakakaalam. "Oo," hirap na banggit ni Li Muen at hinayaan na lamang siya ni Zhuen. Gusto man niya na pigilan si Li Muen na huwag tumuloy sa lugar na iyon ngunit ito lamang ang lugar na maaring gamitin ni Li Muen sa kaniyang pag-advance. Hindi niya maaring ipagsawalang bahala ang pag-breakthrough dahil maraming mga babaeng namamatay sa pagpigil nito. Hindi lang iyon, kung kakayanin man ni Li Muen ang pagpigil ng kaniyang pag-advance ay maari naman nitong sirain ang kaniyang meridian na ginagamit sa pag-cultivate. Kung mangyayari iyon ay hindi na siya makakapag-advance pa hangga't hindi niya naaayos ang meridian na nasira. "Miss, ito lang po ang pinaka malalim na parte ng gubat na maari nating pasukin," sambit ni Zhuen kay Li Muen na nakapikit at pinipilit na maglakad. Pinilit ni Li Muen na imulat ang kaniyang mata at tumango ito kay Zhuen. "Zhuen, lumayo ka muna sa akin nang mga sampung metro," utos ni Li Muen. "Miss..." "Huwag kang mag-alala walang mangyayari sa aking masama," nahihirapan man ay pinilit ni Li Muen an i-kros ang kaniyang mga paa sa kaniyang pag upo. Wala nang nagawa pa si Zhuen at ginawa na lamang ang sinasabi ni Li Muen. Alam din ni Zhuen ang epekto ng qi wave na manggaling sa taong kaka-advance lang. Kung ito ay baguhan puno ito ng nakakalason na qi o tinatawag na foul qi. Nakakalason sapagkat lahat ng impurities ng katawan ng isang tao ay ilalabas niya, lahat ng ito mula sa pagkabata hanggang sa araw na maging isa siyang ganap na qi user. Sa kabilang banda, may dalawang lalaki na nanonood sa dalawang babae na naglalakad papunta sa isang lugar kung saan pinaniniwalaan na nakamamatay. Ang gubat sa bundok na walang may gustong pumasok na kahit sino. "Hindi ba siya ang ang nag-iisang anak na babae ng Master at Mistress ng Li clan?" nagtatakang tanong ng isang lalaki at tumango naman ang lalaking kaniyang pinagsisilbihan. "Shadow, mukhang isang hindi pangkaraniwang babae ang nag-iisang babae na anak nila," sambit ng lalaking naka-maskara habang pinapanood niya si Li Muen na naghahanda na. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaking tinawag na Shadow at kaagad nitong nalaman ang ibig sabihin ng lalaking nakamaskara. "Master, hindi ba't mapanganib ang kaniyang gagawin?" kunot noo niyang tanong at tumango ang lalaking nakamaskara. "Hindi ko alam kung bakit siya mag-be-breakthrough ng mag-isa," "Iyon ay dahil walang ibang tao na tutulong sa kaniya. Umalis siya sa kaniyang mansyon at alam niya na maaring pwedeng mangyari ito kaya naman susubukan niya na walang tulong ng ibang tao. Sa tingin ko ay ayaw lamang niya na magbigay ng utang na loob sa isang tao," nakangiting sambit ng lalaking nakamaskara at nang makita naman ni Shadow ang ngiti sa lalaking nakamaskara ay nanlaki ang mga mata nito. " 'Ang Master, nakangiti.' Tiningnan ni Shadow ang babaeng na nagtatangkang mag-advance at kumunot ang noo niya. 'Hindi kaya interesado si Master dito? Kung gayon ay marapat lang na ipaglapit ko sila para naman mabawasan ang kasamaan ni Master,' dagdag pa niya sa kaniyang isipan. Nang makita ng lalaking nakamaskara na hirap na hirap si Li Muen ay hindi na siya nag-abala pang manoon. Kaagad na siyang pumunta rito ay tiningnan nang maayos ang kalagayan niya. 'Interesting. Isang babaeng gusto mag-isa na makaalis sa pagiging normal?' ngumisi ito at saka lumuhod sa likuran ni Li Muen. Inilagay ng lalaking nakamaskara ang kaniyang palad sa likod ni Li Muen at sa hindi malamang dahilan ay may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi na lamang niya ito pinansin at tinulungan na lamang si Li Muen. Pinagpapawisan pa nang malala si Li Muen nang maramdaman niya na hindi sapat ang kaniyang qi upang ipadaan ito sa lahat ng kaniyang meridian. Hindi rin sapat upang sirain ang unang gate o barrier na kaniyang makakalaban sa pag-advance. Gusto man mag-isip ni Li Muen nang paraan ngunit hindi maari. Ang pag-advance ay kailangan ng matinding konsentrasyon at wala ka dapat isipin o wala dapat laman ang iyong isipan kundi ang pagpapagalaw ng qi sa buong katawan. Ang isa na lamang na makakatulong sa kaniya ay ang tulong mula sa labas. Kaagad naman na napitlag si Li Muen nang maramdaman niya na may kakaibang qi na hindi galing sa kaniya ang pumasok sa kaniyang katawan. Ididilat na sana niya ang kaniyang mata nang tulungan siya nitong ipagalaw ang mga qi at kumuha pa ng mga qi aura sa paligid. "Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama. Gusto ko lang tumulong," sambit ng isang lalaking boses sa kaniyang isipan. Hindi na ito pinansin pa ni Li Muen at hinayaan na lamang niya na tulungan siya nito. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit ramdam niya na wala itong intensyon na masama sa kaniya. Bilang isang dating mamamatay tao ay alam niya ang pinagkaiba ng may masamang intensyon sa wala. Habang tinutulungan siya ng isang banyagang qi sa kaniyang katawan na kumuha pa ng qi sa paligid ay tinutulungan din siya nito na magpadaloy ng qi sa kaniyang buong meridian. Ang unang gate para makaalis siya sa pagiging normal na babae ay kaagad nilang nasira. Hindi lang iyon, nang masira na ang unang gate ay kaagad naman nila nasira ang gate para sa tire zero hanggang sa tire two. Hindi mapigilan ng lalaking nakamaskara ang kaniyang ngiti. Sa isang iglap ay kaagad nalampasan ni Li Muen ang pinakamapanganib na tire sa buhay ng babaeng magiging qi user. Walang nakakalampas dito ng ganoon kadali at ito ang unang beses na masaksihan ito ng lalaking nakamaskara. Ganoon din naman si Shadow. Isang malaking mata ang kaniyang ibinigay nang maramdaman niya mula sa tire zero at napunta sa tire two ang foul qi na inilabas ni Li Muen. Hindi niya akalain na may mas genius pa palang matatawag bukod sa kaniyang Master. 'Master, mukhang nakahanap ka na ng babaeng katapat mo. Ang problema nga lang ay may nagmamay-ari na sa kaniya. Oh, wala naman palang problema dahil magagawan niya iyon ng paraan,' sambit ni Shadow sa kaniyang isipan habang pinapanood ang lalaking kaniyang pinaglilingkuran na nakasuot ng maskara at ang babaeng tinutulungan nito. 'Interesting,' sambit naman ng lalaking naka-maskara habang nakangiti at nakapikit. Ilang minuto pa ay nagkaroon na naman ng foul qi na kumawala sa katawan ni Li Muen at ito ay para sa tire three. Mas lalo pa itong nagpalawak sa ngiti ng lalaking nakamaskra. 'Mas talentado ka pa pala sa mga kapatid mo,' sambit ng lalaking naka-maskara sa kaniyang isipan. Walang kaalam alam si Li Muen sa mga nangyayari sa kaniyang paligid basta para sa kaniya ay tinutulungan niyang umikot ang kaniyang qi at ang banyagang qi sa buong meridian niya. Hindi niya alam kung kelan ulit siya makakakuha ng ganitong tulong at kahit na ayaw pa man niya na manghingi ng tulong ay hindi niya hahayaan ang oportunidad na ito. Nang maramdaman ng lalaking naka-maskara na malapit na ito mag-advance tire four ay hinayaan na niya si Li Muen na gumawa nito mag-isa. Hindi maganda sa isang tao na mag-advance sa tire four na may tulong sa labas kaya naman iniwan na lamang niya ang kaniyang qi na ibinigay kay Li Muen. Hindi kalaunan na ang qi na iyon ay naging parte na ng qi ni Li Muen. Napakunot si Li Muen nang mawala ang banyagang qi at naging isang normal na qi na pagmamay-ari niya at gustuhin man niya na idilat ang mata niya para makita ang taong tumulong as kaniya ay hindi niya magawa sapagkat konti na lang ay makakapunta na siya sa tire four. Pinilit ni Li Muen na mag-advance habang kumukuha siya ng qi aura sa labas ng kaniyang katawan ay iniikot naman niya ito sa lahat ng meridian na meron siya. Hindi lang iyon, kapag nagiging isang foul qi na ang isang qi ay kaagad niya itong nilalabas gamit ang kaniyang bibig at ilong. Bumalik ang lalaking naka-maskara sa itaas ng puno na kanina niyag inuupuan at taimtim pa rin na binabantayan si Li Muen. Sa hindi niya malaman na dahilan ay gusto niyang tulungan si Li Muen sa lahat ng bagay, na lahat ng gusto nito ay gusto niyang ibigay at may kakaiba rin siyang nararamdaman sa kaniyang katawan. Hindi man aminin ng lalaking naka-maskara ay alam niya kung ano ang gusto niya kay Li Muen. Ilang sandali pa ay nagbigay na ng qi wave si Li Muen at iba ito sa pangkaraniwang qi wave a binibigay ng mga nag-breakthrough sa tire four. Mas malakas ito at mas mapanganib. Wari'y buong buhay ni Li Muen ay para sa lason. Hindi lang iyon, ang qi wave ay may itim din na usok na kasama kung saan ito ay bago sa kanilang paningin. "Master.." "Tama ka, kakaiba nga siya. Sa madaling paraan, gusto ko siya mapasaakin." Nakangiti nitong sambit na hindi na man kinagulat ni Shadow. 'Alam ko Master. Ang pagtingin mo pa lang sa kaniya ay kakaiba na at kahit na itago mo pa man ito sa kahit na anong porma ng salita hindi nito mababago ang totoo mong nararamdaman,' sambit ni Shadow sa kaniyang isipan. Ilang minuto pa nang ma-ikalma na ni Li Muen ang qi na mayroon siya sa kaniyang katawan ay unti unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay kaagad niya hinanap ang taong tumulong sa kaniya ngunit hindi niya ito makita. "Master, mukhang hinahanap ka niya hindi ka ba magpapakita?" tanong ni Shadow. Kaagad naman umiling ang lalaking naka-maskara, "Magkikita pa rin naman kami." Nagbigay ng maliit na qi ang lalaking nakamaskara dahilan para mapatingin si Li Muen sa kaniyang dereksyon. Nakita ni Li Muen ang pigura ng lalaking nakamaskara at ni Shadow ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng dalawa sapagkat sila ay nasa dilim. Ganoon pa man ay ngumiti si Li Muen at nag-bow sa dalawa bilang pasasalamat. Hindi niya ito karaniwang ginagawa dahil para sa kaniya wala siyang dapat bigyan ng pagbaba ng kaniyang ulo ngunit malaki ang tulong ng isa sa kanila sa kaniya. Alam din niya na ang lalaki na nasa harap ay siyang tumulong sa kaniya. 'Master sabi mo hindi ka magpapakita bakit nagbigay ka ng qi para sabihin sa kaniya na narito ka?' hindi maintindihan na sambit ni Shadow. Mas lalo pa siyang nagulantang nang makita niya ang pamumula ng tenga ng kaniyang Master. 'Master! Tinamaan ka na talaga!' sigaw ni Shadow sa kaniyang isipan habang nakangiti. "Shadow, gusto mo bang tanggalin ko iyang bibig mo?" "Master, ang iyong tenga ay namumula," Kaagad naman na tinakpan ng lalaking nakamaskara ang kaniyang tenga sa paglalagay ng cape sa kaniyang ulo. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay para makita ito ni Li Muen at agad na nawala siya sa paningin ni Li Muen. 'Gosh! What's with that man? Pa-mysterious effect pa!' sambit ni Li Muen ngunit ang kaniyang ngiti ay kita pa rin sa kaniyang mga labi. 'Until we met again,' sambit pa niya at nagsimula na maglakad papunta sa kung saan nalalagi si Zhuen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD