Matapos na makipag usap ni Li Muen sa kanyang Ama at Ina pati na rin sa kanyang mga Elders, Tito at Tita na naninibago pa rin sa pagbabago ni Li Muen ay lumabas na siya ng main hall.
Hanggang ngayon ay usap usapan pa rin sa buong mansyon ang naging kilos ni Li Muen. Simula kasi noong malaman ng dating Li Muen na wala siyang talento sa kahit na anong bagay patungkol sa arts ay hindi nito binibisita ang silid aklatan.
Para sa dating Li Muen ang pagbisita sa silid aklatan ay ang pagbibigay lang sa kanya ng alaala na wala siyang talento sa kahit na anong bagay. Lahat ng aklat na nasa loob ng Li Clan Library ay puno ng mga patungkol sa arts kaya naman hindi niya tinangka pang pumasok dito.
Nakita ni Zhuen na lumabas si Li Muen sa main hall at agad naman itong lumapit. Bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata dahil maging siya ay hindi makapaniwala na hindi basta basta ang libro ukol sa lingwahe ng kanilang mundo.
"Fourth Young Miss, okay lang po ba kayo? Ano po ang nangyari?"
Napangiti naman si Li Muen sa naging reaksyon ni Zhuen. Hindi nakakapagtaka na mapalapit siya kay Zhuen dahil parehas lang ng ugali si Zhuen at ang kanyang pinsan sa dati nitong buhay at dating mundo- si Li xie. Ang pinagkaiba lang nila ay si Zhuen mahilig magsalita samantalang si Li Xie ay hindi mahilig makipag usap.
"Okay lang ako Zhuen. Ngayon handa ka na ba na matuto?" Sambit ni Li Muen at saka ito na una na maglakad.
Sumunod naman si Zhuen kaagad kahit na naguguluha ito sa tanong ng kanyang amo, "Ano po ang ibig mong sabihin, Fourth Young Miss?"
Tiningnan ni Li Muen si Zhuen saka nagsalita, "Alam ko na maari kayong matuto na magbasa at magsulat kung gugustuhin man ng inyong pinagsisilbihan. Ipagpatawad mo kung hindi ko iyon naibagay sa iyo noon gayong iyon lamang ang nais mo."
Sandali na napatigil si Zhuen sa paglalakad at tiningnan ang likod ni Li Muen na patuloy lang sa paglalakad. Kaagad din na bumalik sa sarili si Zhuen at humabol kay Li Muen, "Wala kang dapat ipagpatawad sa akin, Miss Muen." Kaagad na sambit ni Zhuen at ngumiti saka sinabi pang, "Masaya na ako at nagpapasalamat na ako na sa iyo ako napunta. Nagpapasalamat ako na sa mabait ako na amo napunta."
Hindi na nagsalita pa si Li Muen at nagpatuloy lang naman ito sa paglalakad. Alam niya na masaya at malaki ang pagpapasalamat ni Zhuen sa dating may ari ng katawang ginagamit ni Li Muen kaya naman kahit na anong mangyari ay gagawin ni Li Muen ang lahat para lang mabago ang kapalaran ni Zhuen.
Zhuen, you're so loyal. I will do everything to make it up to you. I may not be your old young miss but still I have her memory. All you've done to her, it's counted.
"Zhuen, kung bibigyan ka ng pagkakataon na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya, magpapakasal ka ba?"
Nakangiti si Li Muen ng tingnan siya ni Zhuen kaya naman nalaman ni Zhuen na gusto ni Li Muen malaman ang kanyang iniisip.
"Gusto ko rin naman po magkaroon ng sariling pamilya ngunit mas gusto ko na nasa iyong tabi ako. Alam ko po na mas mauuna kang ikasal sa akin at gusto ko po na ang taong pakakasalan ko ay tauhan din ng iyong mapapangasawa."
Kumunot naman ang noo ni Li Muen sa naging sagot ni Zhuen kaya naman nagtanong ito, "Ngunit ang pagmamahal ay hindi natin alam kung kanino natin mararamdaman."
"Pero madali lang din naman po matutunan ang pagmamahal, hindi ba?" Sadali namang napatigil si Li Muen dahil sa sinabi ni Zhuen.
Madali nga lang ba? Ewan ko. Hindi ko pa naman iyon nararanasan noon pa. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pagmamahal. Both me and Li Xie never been involved in love before. We're too busy with our own lives.
"Hindi ko alam ang isasagot dyan. Siguro para sa iba oo ngunit may roon din namang ibang tao na nahihirapan." Sambit ni Li Muen at hindi na nagsalita pa si Zhuen.
Nang makarating sila sa silid aklatan ay kaagad silang hinatid ni Zhengxi sa lugar kung saan nakalagay ang mga aklat patungkol sa lingwahe ng mundo.
Nalaman na ni Li Muen ang dahilan kung bakit at kung paano naging isang alamat ang mga lingwahe noon kaya naman ang gusto nya na lang malaman sa ngayon ay kung anong klaseng lingwahe ito.
Nang makarating sila ni Zhuen sa isang kwarto ay kaagad na nagpaalam si Zhengxi at nagsabi na magdadala na lang ng pagkain para kay Li Muen at hindi naman na tumutol dito si Li Muen.
"Miss, ano po ang gusto ninyo malaman?" Kaagad na tanong ni Zhuen at naupo naman si Li Muen.
"Ang mga paunang hakbang tungkol sa mga lingwahe ng mundo. Gusto ko malaman kung ano ano ang mga ito." Sagot naman ni Li Muen at nangalumbaba.
"Maghintay ka na lang po muna dito, Miss Muen."
Dahil silang dalawa lang sa lugar ay maari na tawagin ni Zhuen si Li Muen sa kung ano ang gusto ni Li Muen na itawag sa kanya. Hindi din naman ito nalilimutan ni Zhuen kaya nang sila na lamang ni Li Muen sa lugar ay kaagad niya itong tinawag sa gusto ni Li Muen na itawag sa kanya.
Makalipas ang sampung minuto ay bumalik na si Zhuen na mayroong limang makakapal na libro.
"Ito na ba ang lahat?" Kaagad na tanong ni Li Muen nang ilapag ni Zhuen ang mga libro.
"Kung sa paunang hakbang po ito na ang lahat ngunit may mga iilan pa akong nakita na kaugnay sa bawat aklat na ito."
Tumango na lamang si Li Muen at saka nag basa.
Magigit ilang daang taon na ang nakalipas at ang Radian Empire ay isa sa may pinaka maunlad na literatura. Mayroon itong apat na lingwahe ngunit kada- ika isang daang taon ay nawawala ang bawat lingwahe hanggang sa isang lingwahe na lang ang ginagamit ng mga tao.
Oh? Ano kayang nangyari at namatay ang ibang lingwahe?
Mayroong apat na lingwahe ang Radiant Empire at iyon ay ang mga sumusunod. English, Hangul, Nihonggo at Tagalog.
Nanlaki naman ang mga mata ni Li Muen sa kanyang mga nabasa.
Kaya pala iilan lang ang mga English words na nababasa ko. It's part of their literature before but due to some reasons ay nawala ito at iilan na lang na mga salita ang nagagamit.
Hindi makapaniwala pa si Li Muen sa mga nabasa nito. Ang mga simpleng salita sa English language ay mahirap na intindihin ng mga karamihan sa Empire.
Heck, I will make their jaw drop if ever I talk to them in English. But still it is the best way to prevent eavesdropping.
Sambit ni Li Muen sa kanyang isipan at napatingin sa isang pintuan. Pakiramdam niya ay may taong nakikinig at nagmamanman sa kanya. Alam niya ito dahil isa ito sa katangian na hinasa nila sa sarili nila.
Napahawak naman si Li Muen sa isa pang libro at tumingin kay Zhuen.
"May bisita ba tayo?"
Nagulat naman si Zhuen sa tinanong ni Li Muen at napatingin ito sa pintuhan at handa nang ipagtanggol si Li Muen.
Silly girl. Sa katawan mong iyan ma-po-protektahan mo ako? Still, I'm happy that you're willing to sacrifice yourself in order to save me. You truly is a loyal person. Sana lahat.
Kaagad na bumalik sa ala-ala ni Li Muen ang ginawang pagpatay sa kanya ng tinuring nilang matalik na kaibigan. Huminga naman si Li Muen ng malalim upang mawala ang galit na nararamdaman nito sapagkat wala na siyang magagawa pa rito kung hindi ay ang patuloy na mabuhay.
"Hehe hindi ko inaasahang mapapansin mo ako Mu'er." Nakangiting sambit ng isang lalaki na kakapasok lang sa loob ng silid.
"Ama maari po bang hindi? Paano ko po ba kayo hindi mapapansin eh may kung anong aura ka na nararamdaman ko." Kaagad na sagot ni Li Muen. "Isa pa si Ina nasa likuran mo rin." Napatigil ang Ama at Ina ni Li Muen sa sinabi ng kanilang anak at nagkatinginan ito na hindi makapaniwala. Tiningnan naman sila ni Li Muen at pinag aralan ang kanilang reaksyon. Mukhang may nasabi akong hindi maganda ah. Bakit ganyan ang reaksyon nila? Did I say something weird? Totoo naman kasi ang nararamdaman ko. May kung anong aura sa kanilang dalawa.
"Mu'er may tanong ako." Malumanay na sambit ni Quin Qin Xi kay Li Muen.
"Sige po. Ano po iyon?" Magalang naman na sambit ni Li Muen. Ramdam ni Li Muen na may kakaiba sa kaniyang Ama at Ina dahil lang sa sinabi niya kaya naman pinag aralan ni Li Muen ang kanilang ekspresyon.
"Kailan mo narandaman ang mga iyon?" Tanong ng kanyang ina.
Sandali na napaisip si Li Muen sa tanong ng kanyang ina at inalala ang sagot sa tanong nito.
"Noong nagising po ako mula sa pagkakalason. Naramdaman ko po noon ang iyong aura pati na rin ang kay Ama ngunit ang kay Linji Gege hindi ko po naramdaman."
[ *Gege after boy's name means older brother. ]
Nagkatinginan si Quin Qin Xi at Li Chao sa sinabi ni Li Muen at saka naman lumapit si Li Chao at ito naman ang nagtanong.
"May naramdaman ka ba na parang gustong kumawala sa dantian mo?"
Dantian? Heck, what is that? Pero wait, dantian... Parang narinig ko na to noon pero di ko lang sure kung saan.
"Dantian po? Ano po iyon?"
Halata sa mukha ni Li Muen na hindi niya naiintindihan ang sinabi ng kaniyang Ama at Ina ngunit si Zhuen na nasa tabi lang at nakikinig sa usapan ay kagaya din ng reaksyon nI Quin Qin Xi at Li Chao.
Nang dahil dito ay alam ni Li Muen na may kakaiba sa kanyang katawan.
"Ang dantian ay nandito." Sambit ng kanyang ina na si Quin Qin Xi saka nito hinawakan ang kaniyang tiyan.
Nagulat naman si Li Muen sapagkat alam niya na may kakaiba sa kanyang tiyan pero hindi niya alam kung ano ito. Gusto nya mang sabihin na tawag lang ito ng kalikasan ngunit ilang beses na niyang tinangkang mag CR sa kanyang system ngunit hindi ito ang totoong nararamdaman niya.
Tumango si Li Muen sa kanyang ama at saka sinabing, "Isang araw po matapos akong makapagpahinga ng maayos ay may naramdaman po akong kakaiba." Saka niya hinawakan ang kanyang tiyan. "Ang akala ko ay tinatawag lang ako ng kalikasan ngunit hindi naman." Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Li Chao, Quin Qin Xi at Zhuen sa sinabi ni Li Muen. Sa mga salitang iyon nalaman nila at nakumpirma na nila na isa ngang Qi User si Li Muen. Hindi na nakakapagtaka na walang alam si Li Muen sa Qi User sapagkat iilan lang sa mga kababaihan ang nakakagamit ng Qi. Isa na sa iilan sa mga ito ay ang kaniyang ina na si Quin Qin Xi.
"May sakit po ba ako?" Nag aalalang tanong ni Li Muen dahil kinabahan ito sa naging reaksyonbng tatlong kasama nito sa silid.
Kaagad naman na umiling Ang kaniyang ina na si Quin Qin Xi at tumawa naman ng pagkalakas lakas ang kaniyang ama na si Li Chao.
"Hindi anak, wala kang sakit. Bagkos ito ay patalandaan na isa kang Qi User." Kaagad na sagot ni Quin Qin Xi.
Mas lalo pang nagtaka ang mukha ni Li Muen sa sinabi ng kanyang ina, "Ngunit Ina hindi ba't hindi nagkakaroon nito ang kababaihan?"
Umiling ang kaniyang ina at sinabing, "Hindi sa hindi nagkakaroon kundi mangilan ngilan lang ang nagkakaroon. Sa sampung kababaihan ay isa lamang ang nagkakaroon nito."
Napanganga naman si Li Muen sa sinabi ng kaniyang ina at saka naman may inilapag si Quin Qin Xi sa isang mesa.
"Heto at sundan mo ito. Isa ito sa basic technique na mayroon ang pamilya natin kapag na-master mo na ito ay maari kitang bigyan ng mas mataas pa dito."
Flower Sword Arts. Well, its suits to me since I killed before like a flower. Beautiful but dangerous.
Masayang umalis sa silid aklatan si Quin Qin Xi at Li Chao dahil sa balitang kanilang nalaman. Samantala, si Li Muen naman at Zhuen ay bumalik sa Hibiscus courtyard na dala ang mga aklat na hindi pa tapos basahin ni Li Muen.
"Miss Muen, magbabasa ka po ba muna?"
Umiling si Li Muen sa sinabi ni Zhuen at saka sinabing, "Hindi muna mamaya na. Gusto ko muna isigurado kung talagang Qi User nga ako." Ngumiti ito at saka crossed leg na umupo sa kama niya.
"Oo, hindi ko pa naman nasisigurado kung isa ba talaga akong Qi user." Sambit ni Li Muen at tiningnan ang pintuan, "Pero masaya sila Ama at Ina sana hindi sila umasa sa akin. Hindi ko naman sigurado yun eh."
Napangiti naman si Zhuen sa sinabi ni Li Muen at saka umiling, "Totoo ang lahat, miss Muen." Napatingin naman si Li Muen kay Zhuen, "Simula noong nagising ka mula sa pagkakahimbing dahil sa pagkalason sa iyon ay naramdaman ko na po ang pagbabago mo. Hindi ko man masabi sa iba pero alam ko na nagbago ka na. Sana po hindi ka na bumalik sa dati." At yumuko si Zhuen.
Nagulat si Li Muen sa sinabi ni Zhuen at doon niya napagtantong may mga nakahalata sa kanyang pagbabago at once na gumalaw na siya para sa kaniyang angking talento sa paggawa ng mga damit at sa paggawa ng mga matatamis na pagkain ay siguradong magtataka ang lahat sa kanya.
"Zhuen?"
"Yes, Miss Muen?"
Seryosong tiningnan ni Li Muen si Zhuen at napalunok naman si Zhuen dahil ito ang unang beses na nakita niya si Li Muen na seryosong nakatingin sa kanya, "Kung sa pagbabago ko magugulat ba silang lahat?"
Tumango naman si Zhuen, "Opo, alam ng lahat na wala kang talento at kung magpapakita ka man ng talento talagang magugulat sila."
"Lagi ka bang nasa tabi ko?"
Sandali na napatigil si Zhuen sa itinanong ni Li Muen at saka nawala ang kanyang ngiti, "Hindi po, Miss Muen." At huminga ito ng malalim, "Noong nalaman mo po na wala kang talento pinilit mo na mawala ako sa tabi mo pero dahil ang iyong ina ang nagbigay sa akin sa iyo ay wala kang karapatan para paalisin ako kaya naman pinilit mo na hindi na lang maging malapit sa akin. Pero naging malapit ka pa rin sa akin ngunit mayroon pa rin naman tayong linya noon hindi kagaya ngayon. Noon, hindi mo ako pinapapasok sa kwarto mo kahit na anong mangyari at kapag naman nakakapasok ako iyon ay kapag may sakit ka. Palagi lang ako naghihintay sa kabilang kwarto sa tawag mo o hindi kaya sa labas ng iyong kwarto."
So, kahit na loyal sya sa dating Li Muen hindi nya alam ang ginagawa ni Li Muen sa loob ng kwarto? HIndi ko alam na maypagka- introvert din pala ang dating Li Muen. Wala naman atang magtataka kung sasabihin ko sa kanila na tinatago ko lang ang talento ko, hindi ba?
"Zhuen?"
"Yes, Miss Muen?" Kaagad na sagot ni Zhuen kay Li Muen.
Huminga ng malalim si Li Muen saka nagtanong ulit, "Maniniwala ka ba kung sinabi kong may talento ako ngunit hindi ko lang inilabas dahil ayoko ng gulo?"
Sandali na napatigil si Zhuen at napaisip saka ito tumango, "Opo, hindi din naman ako naniniwala na wala ka talagang talento. Noon, alam ko na meron kang talento naniniwala akong mahahanap mo rin iyon. Kung sa mga panahon na nasa kwarto ka lang at hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo noo, naniniwala ako."
Napangiti naman si Li Muen saka sinabing, "Salamat."
Nagulat si Zhuen at saka ngumiti, "Para sa'yo, Miss Muen."
So, sa simula pa lang buo na ang tiwala ni Zhuen kay Li Muen. Too bad at hindi na nalaman pa ng dating Li Muen na mahal na mahal siya ng kanyang personal na tagasunod. Nakakainggit naman. Sana bukod kay Xie'er may kaibigan din akong kagaya ni Zhuen, hindi kagaya ni Amy na tinira kami patalikod.
Napatingin si Li Muen sa libro na hawak nya. Dalawa ito, isa ang binigay sa kanya ng kanyang magulang at ang isa naman ay ang libro tungkol sa linggwahe.
"Tuturuan kita magsalita ng English, Zhuen." Kaagad na sambit ni Li Muen na ikinagulat ni Zhuen.
"Miss?"
"Alam ko kung paano magsalita ng English. Nakakaintindi din ako. This is my lost talent and I will be able to find the other talent that I have. Thank you so much for always being there for me, for not leaving me behind."
Halos maluha luha naman si Zhuen dahil sa sinambit ni Li Muen.
Maraming salamat, bathala. Maraming salamat sa pagbabago na ibinigay mo sa kanya. Maraming salamat at hindi na siya ma-aapi pa.
Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha ni Zhuen kaya naman nagulat si Li Muen.
"Zhuen! Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?"
Umiling naman si Zhuen, "Masaya at malungkot lang po ako."
Kumunot naman ang noo ni Li Muen, "Huh?"
"Masaa po ako dahil wala nang magtatangka pang mang-api sa iyo. Nalulungkot din ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi mo."
Napatitig naman si Li Muen kay Zhuen saka ito humalakhak. "Kaya nga tuturuan kita hindi ba?"