Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang matapos ang mga dapat gawin sa gusali na binili nina Li Muen at Lin Rin. Ang simbolo na ginawa ni Li Muen sa kaniyang phoenix system ay ngayon nakalagay sa labas ng gusali. Lahat ay nagtataka nang makita nila noong isang araw ang pagbaklas ng tatlong malalaking bintana sa ikaunang palapag. Mas lalo pang nadagdagan ang pagtataka at mas lalo din nadagdagan ang kanilang kuryusidad nang sinimulan na ang paglalagay ng malaking salamin na naging dahilan upang makita ang nasa loob. Kita nila ang magandang desenyo sa loob. May apat na maliliit na kwarto at hindi kita ang loob nito ngunit ang desenyo na nakaukit sa pintuan at sa dingding nito ay elegante at kakaiba sa kanilang paningin. Ngayon lamang nila nakita ang iba't ibang klase ng kurba sa gilid