Ang Array Master ay hinahangaan ng lahat ng mga tao kasama dito ang mga Qi user. Sa lahat, ang isa sa mga hindi magandang kalabanin ay ang Array Master dahil kaya ka nitong ikulong sa isang mundo na puno ng ilusyon. Kaya ka rin niyang patayin sa mundong kanilang ginawa. Si Ju Minju ay isa sa mga malalakas na Array Master. Ang Array Profession ay nahahati sa apat na debisyon. Beginners, Amature, Master, at Grand Master. Ang biginner's level ay nahahati naman sa limang lebel ang rank one, na pinag aaralan ang kasaysayan ng propesyon na ito. Ang rank two, kung saan pinag aaralan na ang mga panimulang hakbang sa paggawa ng mga array formation. Rank three, kung saan pinag aaralan naman ang iba't ibang kailangan sa formation kagaya na lamang ng array spell, circular symbol, at mga beast core