"Young miss, okay ka lang po ba?" Kaagad na tanong ni Zhuen kay Li Muen nang makarating sila sa Hibiscus courtyard.
Hibiscus courtyard ang tawag sa kaniyang tinutuluyan sa mansyon at ang main courtyard naman ay tinayawag na Lotus courtyard kung saan nakatira ang kanyang ama at ina.
"Pwedeng kuhanan mo ako ng tea at ilang matatamis na makakain? Dalahin mo sa garden ng Hibiscus courtyard." Sambit ni Li Muen at nagpaalam naman agad si Zhuen.
Hindi ko alam na nakakapagod pala ang makinig sa kabilang kwarto. At least kahit papaano magkakaroon ng katahimikan ang buhay ko.
Naupo si Li Muen sa isang upuan at hinintay si Zhuen na dumating. Sa kanyang courtyard ay halos wala siyang nakikita na maid kaya naman napagpasyahan niya na pagkatapos ng ekspedisyon niya sa labas ng mansyon ay binili siya ng mga babaeng magiging katulong nila.
Sa bagong mundo na ginagalawan ni Li Muen ay normal lang ang pagbebenta ng mga tao. Slave trading ang tawag nila dito.
"They knew a little bit of English but they can't fully understand it." Sambit ni Li Muen habang hawak hawak nito ang kanyang baba. "Maybe I can teach, Zhuen. Kailangan ko rin naman ng secret code para hindi kami mapahamak if ever na mag uusap kami. I think I will teach her for basic English first."
Napahawak si Li Muen sa kanyang pulsuhan kaya naman naalala nito ang bagay na naging dahilan kung bakit sila pinapahalagahan ng organisasyon dati. Ito din ang dahilan kung bakit sila namatay batay sa kanyang naiisip na mga dahilan.
Tiningna ni Li Muen ang kanyang Pulsuhan at saka naman nito nakita ang Pheonix birth mark. Napangiti naman siya ng malugkot dahil sa naalala niya ang kaniyang pinsan na si Li Xie. Dalawa silang mayroon nito at normal lang sa pamilya nila ang may ganitong marka at may kakaiba itong kakayahan.
Batay sa sinabi sa kanila ng kanilang boss sa kanilang organisasyon ang marka na ito ang dahilan kung bakit naubos ang pamilya nila ni Li Xie. Dahil sa kakaiba nitong kakayahan ay ginusto ng karamihan na magkaroon nito ngunit ang pagkakaroon nito ay hindi ganoon kadali kagaya ng kanilang naisip.
"Great, at least kahit papaano hindi ako mahihirapan." Sambit ni Li Muen sa kanyang sarili at nakita naman nito na dumating na si Zhuen.
"Zhuen." Tawag ni Li Muen at kaagad din naman sumagot si Zhuen.
"Bakit po, young Miss?"
Ibinaba ni Li Muen ang kanyang tea cup at saka tumingin kay Zhuen, "Bakit naiiba ang damit mo sa mga kasam-bahay? Bakit mas pangit at parang mas gamit na gamit na ang damit mo kesa sa kanila?" Bigla din naman naalala ni Li Muen ang isang bagay na taon taon ginagawa ng kaniyang ama at ina, "Nasaan ang ibang damit na binigay nila ama at ina sa iyo? Hindi ba't taon taon nagbibigay sila ng dalawang pares ng damit?"
"Limang taon na po ang nakakalipas simula noong magbigay ng suhesyon si Miss Changli kay madam Qin Xi."
Kumunot naman ang noo ni Li Muen sa sinabi ni Zhuen, hindi niya ito alam dahil hindi ito alam ng dating Li Muen. "Suhesyon? Anong klase?"
"May kaibigan po si Miss Changli na nagawa ng damit. Sabi ni Miss Changli kay madam na kung pupwede ay ang kaibigan na lang niya ang gumawa ng damit sa mga taga-silbi dahil sa kailangan ng kaibigan nito ang pera. Hindi naman nagdalawang isip si madam at pinagbigyan ang kahilingan ni Miss Changli."
So hindi talaga kabutihan ang gusto ipalabas ni Changli? On the surface nagmumukha syang mabait at maalaga sa mga taga-silbi when in fact she just using the maid to get some money from our family!
"Based on your clothes it's not a good quality."
"Po?"
Kaagad din naman nabalik sa pag iisip ni Li Muen na hindi nga pala naiintindihan ng mga tao sa bago nilang mundo ang wikang ingles kaya naman napatakip siya ng kaniyang bibig at kunwari ay nagpupunas ng labi.
"Base sa iyong damit hindi ito maganda. Kahit ang mga nakaukit at ang telang ginamit ay hindi maganda. Hindi ba't malaki ang pera na ibinigay ni ina para sa damit ninyo?"
Yumuko si Zhuen saka sinabing, "Opo, Young Miss. Malaki nga po ang pera na ibinigay ni Madam ngunit ito lang po ang ipinagawa ni Miss Changli. Isa pa po, ang mga taga-sunod lang niya ang may magagandang damit." Agad naman na tumingin si Zhuen kay Li Muen saka sinabing, "Hindi naman po sa nagrereklamo ako pero hindi po makatwiran iyon sapagkat isa sa kontrata namin ay ang pagiging pantay pantay."
Natahimik naman si Li Muen at masamang tinitingnan ang damit ni Zhuen. Bilang isang fashion designer sa nakaraan nitong buhay alam nya kung ano ang mga dapat at hindi dapat suotin ng isang tao sa unang tingin pa lang. Alam na rin niya kung ano ang mga materyal na ginamit sa paggawa nito at kung mamahalin o mumurahin lang ang tela na ginamit.
Para kay Li Muen ang tela na ginamit sa mga damit ni Zhuen sa loob ng limang taon ay hindi katanggap tanggap. Hindi isang taga-sunod si Zhuen ng mga mababang pamilya bagkos siya ay isa sa mga taga-sunod ng Li Clan. Maraming mga mahihirapan na gustong makapasok at maging taga-silbi sa Li Clan at kapag nakita nila ang ganitong damit baka sabihin nila na hindi pinapahalagahan ang mga taga-sunod taliwas sa kanilang naririnig.
Li Changli, gusto mo atang pabagsakin ang Li Clan ah. Sorry ka na lang dahil dumatin ako at ako ang titigil sa mga naiisip mo. Anong akala mo mapapalitan ng isang maliit at di hamak na mas mababang Bai Clan ang Li Clan? Ha! Nagkakamali ka. Ngayon na ako na ang nasa katawang ito, humanda ka. Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa dating may-ari ng katawang ito.
"Zhuen."
"Bakit po, Young Miss?"
"Pangako at bibigyan kita ng magandang damit pati na rin ang iba pang taga-sunod." Nakangiti nitong sambit at nagulat naman si Zhuen sa sinabi ni Li Muen kaya naman naluha ito, "Huwag ka mag-alala mas gagandahan ko ang ibibigay ko sayo." Nakangiti pa nitong dagdag at saka kumindat kay Zhuen.
"Salamat po, Miss Muen." Sambit ni Zhuen na halata sa kaniyang boses ang nag uumapaw na saya.
"Pero huwag mo muna ipaalam sa lahat. Gusto ko muna mag ipon."
"Hindi ka po manghihingi kay Madam?" Gulat na sambit ni Zhuen.
Nasanay na si Zhuen na laging nanghihingi si Li Muen ng pera kay Quin Qin Xi at kahit para saan pa man ang hingiin ni Li Muen ay binibigyan ito ni Quin Qin Xi ng walang pag-alinlangan o pag dadalawang isip. Kaya naman nagulat si Zhuen sa narinig niya.
"Manghihingi? Hindi ako manghihingi kay ina. Masyado na akong maraming pasakit na binigay sa kanila kaya naman gusto ko bigyan sila ng regalo."
"Ah, regalo. Miss alam mo po bang malapit na ang kaarawan ng iyong ina?"
Kaagad din naman naalala ni Li Muen ang kaarawan ng kaniyang ina dahil sa sinabi ni Zhuen. Base sa ala-ala ng dating may-ari ng katawan ay isang salo-salo ang magaganap at iniimbitahan ang mga noble family sa pagdiriwang na ito.
"Ngayon na nabanggit mo iyan, naalala ko. Zhuen, habang nasa labas tayo ng mansyon gusto ko tulungan mo ako na maghanap ng na-aangkop na regalo para kay ina."
Ngumiti naman si Zhuen sa sinabi ni Li Muen at nag bow naman ito, "Masusunod po, Miss Muen."
"Babalik na muna ako sa aking silid kung may kailangan ako ay magsasabi na lamang ako. Magpahinga ka na lang muna."
"Masusunod po, Miss Muen."
Kaagad naman si Li Muen pumasok sa kaniyang kwarto at sinarado ang mga bintana at pinto saka siya naupo sa kaniyang kama. Ipinikit niya ang kaniyang mata at sa isang iglap lang ay nasa isang pamilyar na lugar na siya.
"Oh my gosh! Nandito pa rin ang system ko!"
Ang Pheonix system ay isang mind dimension kung saan pwede ilagay ni Li Muen ang mga bagay na kahit na anong gustuhin nya at kaya nya rin naman kumuha ng mga bagay mula sa system palabas nito.
Kaagad naman na naalala ni Li Muen na pati si Li Xie ay may system at dahil dalawa sila na may konektadong system ay alam nya na magkarugtong ang system nila. Kung sakaling buhay pa at nasa iisang mundo lang si Li Muen at Li Xie ay wala itong magiging problema at malalaman din niya kung okay lang si Li Xie.
Kaagad siyang tumabo sa nagkokonekta sa dalawang system ngunit nalungkot siya ng makita niyang may makapal na metal na gate na nakaharang sa pagitan ng dalawang system kaya naman alam nya na wala sa mundo nya si Li Xie.
"Saan ka kaya napunta? Buhay ka pa kaya?" Sambit ni Li Muen at hinawakan ang makapal na bakal na gate na naghihiwalay sa kaniyang system at sa system ni Li Xie.
Kaagad di naman inayos ni Li Muen ang kaniyang sarili at iniikot ang kanyang paningin. Masaya siyang nakita ang mga milyong milyon na tela, sinulid, at iba pang kagamitan na may kaugnayan sa pagtatahi kagaya na lang ng makina na panahi, mga maniquine models at iba pa.
Natuwa din siya dahil ang mga kagamitan niya na gadgets ay nandoon pa rin at puno ang battery. Speakers, cellphone, laptop, at iba iba pang mga gadgets na nasa dati niyang mundo ay nandito pa rin at gumagana.
"Ay, sayang naman walang signal." Sambit ni Li Muen habang hawak hawak ang kanyang cellphone na nakanguso, "But at least hindi nalowbat. I can still use this one."
Pumunta siya sa isang parte ng kanyang system kung saan ay ang mga samu't saring mga kagamitan sa pakikipaglaban ay naroroon. Dagger, spear, sword, wimps , guns at iba pang weapon na gawa sa pinaka matitibay at mga kakaibang materyal ay nandoon pa.
"Well, I guess kailangan ko na lang sanayin ang sarili ko. Mukha naman atang walang nawala sa mga gamit ko." Nakangiting sambit ni Li Muen at pumunta pa siya sa isang lugar kung saan siya laging nagtutungo kung siya ay wala sa mood.
"Wow, yung mga engridients ko!"
Halos kuminang ang mga mata ni Li Muen ng makita niya na kumpleto pa at maayos pa ang mga iba't ibang ginagamit sa pagluto. Mga gulay, prutas, tsokolate, vanilla, ice cream, seasoning, at iba pang niluluto lalo na sa paggawa ng mga desserts.
"He~ mukhang hindi na ako magtitiis sa mga sobrang matatamis na dessert sa bahay."
Halos masuka naman si Li Muen nang maalala niya ang tamis ng binigay sa kaniya ni Zhuen kanina. Hindi niya nagustuhan ang ibinigay nitong ka-partner ng tea dahil hindi na niya nalasahan pa ang tea sa sobrang tamis ng partner nito.
Lumayo si Li Muen at tumayo kung saan nakikita ng mabuti ang tatlong parte ng kaniyang system. Tatlo ang kaniyang propesyon sa dati niyang buhay kaya naman tatlo ang mga kagamitan na umuukupa sa kaniyang system. Weapons, dahil isa sila ni Li Xie sa mga assassin na marami na ang napatay. Fashion designer, pang-pabago ng pagkatao. Ang pagiging fashion designer ang totoong gusto niyang maging sa kaniyang buhay ngunit nauuna ang pagiging assasin nito dahil sa organisasyon. Isa din si Li Muen na Pastry chef kung saan isa siya sa hinahangaan sa paggawa ng matatamis na bagay.
"Well, since nangako ako kay Zhuen an gagawan ko sila ng mga bagong damit I think kailangan ko na mamili ng tela."
Nagpunta si Li Muen sa mga tela at nakita naman niya ang ilang tela na babagay sa mga taga-silbi. Hindi siya kaagad namili at lumabas ng mga tela sapagkat kailangan muna niya malaman kung anong klaseng mga damit ang nasa mundong ito.
Sa mga desenyo kasi na nakikita ni Li Muen sa mansyon ay magkahalo ang chinese at european na design kaya naman nalilito siya kung ano ba talaga ang dapat na i-desenyo.
Lumabas si Li Muen ng system at saka ito tumayo at lumabas ng kwarto. Kaagad din naman na bumungad ang nag aalalang mukha ni Zhuen.
"Anong problema?" Tanong ni Li Muen.
Nang makita naman ni Zhuen si Li Muen ay kaagad din naman ito naluha, "Miss, saan ka po ba nagpunta? Hindi kita nakita sa kwarto mo. Nag alala ako."
Kaagad din naman na nakaramdam ng guilt si Li Muen sa sinabi ni Zhuen at naramdaman din nya ang isa sa matagal na nyang gusto maramdaman. Bukod kay Li Xie wala nang ibang nagpaparamdam sa kanya na mahalaga siya kaya naman nang maramdaman nya ang pagmamahal sa ama at ina ni Li Muen pati na rin sa personal na taga-silbi nito na si Zhuen ay pinangako na nyang poprotektahan nya ang buong pamilya.
"Nasa loob lamang ako."
"Miss, huwag ka na po magsinungaling." Naiiyak pa na sambit ni Zhuen.
Wala na namang nagawa si Li Muen kundi ang bumuntong hininga at nag isip ng pwede niyang masabi para hindi na mag alala si Zhuen. Hindi naman pwedeng sabihin ni Li Muen na galing ito sa system at wala din naman siyang balak na ipaalam sa lahat ang kakayahan na mayroon siya.
"Patawad, Zhuen. Dumaan ako sa bintana at sumilip lang sa kabilang courtyard." Nakangiting sambi ni Li Muen.
Tiningnan siya ni Zhuen at saka lang naman tumango si Zhuen at kumalma na.
"Zhuen?"
"Bakit po, Young Miss?"
"May ilan akong ginto dito maari mo ba itong gamitin para makabili ng mga tela?"
"Tela para saan po?" Kaagad naman na tanong ni Zhuen at nanlaki naman ang mga mata ni Zhuen nang makita ang mga blokeng ginto, "Miss! Saan po ito galing?!"
Sa system. Galing yan sa dati kong mundo, ninakaw ko iyan sa isang bangko.
Napangiti naman si Li Muen sa kaniyang naisip at saka sinabing, "Huwag ka na magtanong pa. Papalitan mo iyang ginto at bumili ka ng tela. Pitong iba't ibang uri ng tela na may magagandang kalidad at tatlong iba't ibang uri ng tela na may mababang kalidad."
"Okay po, Young Miss. Ngayon na po ba ito kailangan?"
Tumango naman si Li Muen. "Oo ngayon nga."
"Kung gayon po ay aalis na ako." Sambit ni Zhuen at hindi na nagtanong pa.
Zhuen, you're pretty sensible. Alam mo kung kelan pwede at hindi pwede magsalita. Kaya siguro nagkasundo kayo ng dating Li Muen. Don't worry, I like how you acted in front of me kaya sisiguraduhin ko na po-protektahan kita at hindi kita papabayaan. At this time I will compensate with you for taking your original owner's body.
"I think kailangan ko munang kausapin sila ama at ina para sa mga gastusin na kailangan ko." Sambit ni Li Muen at saka ito bumuntong hininga.
Nalaman niya sa alaala na ang dating Li Muen ay kinikita ang kaniyang ina ng prebado para lamang manghingi. Hindi man ito nakakalabas sa kanilang mag ina ngunit alam naman ng iilan sa mga may posisyon sa Li Clan na nagbibigay si Quin Qin Xi ng pera sa kaniyang anak na babae na si Li Muen kapag nanghihingi ito.
Hindi lang nila magawang magreklamo dahil sariling pera ito ni Quin Qin Xi at galing ito sa pinagkakakitaan niyang isang tea shop. Magaling gumawa ng tea si Quin Qin Xi at kung titingnan mo ay parang hindi nabibilang ang kaniyang tea sa mundong ito kaya naman marami ang tumatangkilik.
"Ah, Li Muen ang dami mo namang kapalpakan. No wonder tinatawag ka nilang good for nothing fourth miss." Mahinang sambit ni Li Muen at saka bumuntong hininga.