Matapos kausapin ni Li Chao ang kanyang kapatid na si Li Juang ay napagkasunduan nila na parusahan si Bai Zi at Li Changli na naayon sa batas ng pamilya. Nagulat si Li Juang sa ginawa ng kanyang anak at asawa dahilan para masampal niya ang kanyang asawa.
Gaya ni Li Chao ay pinapahalagahan din ni Li Juang ang Li Clan at dahilan iyon para hindi niya mapansin ang inggit ng kanyang asawa at anak sa pamilya ni Li Chao at Quin Qin Xi.
Nagkagulo ang buong mansyon dahil sa nagpatawag ang kanilang master ng pagpupulong dahil sa nangyaring gulo at hindi lang mga miyembro ng pamilya ang ipinatawag kundi pati na rin ang mga kasambahay na nasa paligid nang mangyari ang insidente.
"Hmp! Wala na ngang naiambag sa pamilya nagdala pa ng gulo." Kaagad na sambit ng isang Elder na naglalakad papunta sa main hall.
"Elder Max masyado ka naman atang masakit magsalita para kay Muen."
"Nagsasabi lang naman si Elder Max ng totoo, Chang'e wala ka naman magagawa sa isang basura."
"Elder Minez, wala na ba talaga kayong magawa nila Elder Aule at Elder Max kung hindi ang sabihing basura si Muen? Hindi lang talaga para sa kanya ang nakalaan sa pamilya natin kaya-"
"Kaya hindi na sya dapat nabuhay pa" Pagpuputol naman ni Elder Aule.
Nagkakainitan na ang apat kaya naman sumali na si Elder Chuxi at Elder Riaz sa usapan ng apat.
"Maari bang huwag na kayong mag usap tungkol kay Miss Muen? Hindi naman na magagawa ng usapan nyo ang lahat lahat."
"Tama si Elder Riaz, marapat na maglakad na tayo ng mabilis."
Hindi na nagsalita pa sila Elder Max dahil sa kanilang lima si Elder Riaz at Elder Chuxie ang mas may mataas na katungkulan sa kanila dahil napagsilbihan nilang dalawa ang naunang master- ang ama ni Li Chao na yumao na.
Nang makarating na ang lahat ng tao sa loob ng main hall at nakaayos na ang lahat ay inilibot ni Li Chao ang kanyang paningin. Tanging ang kanyang mga anak lang ang wala sa main hall sapagkat ang dalawa niyang lalaking anak ay nasa ekspedisyon kasama ang ikasiyam na prinsipe at ang kanyang anak na babae naman ay nasa kabilang kwarto at nakikinig sa usapan sa main hall.
Wala pa ring nakakaalam na nagkaroon na ng malay si Li Muen sapagkat si Zhuen lamang ang maaring pumasok sa kwarto ni Li Muen at kahit na anong pilit ng ibang mga kasambahay kay Zhuen ay isa lang ang sinasabi nito.
"Wala pang malay ang kanyang pinagsisilbihan ngunit wala na sa kritikal ang kanyang buhay."
Hindi man naniniwala ang mga kasambahay sa sinabi ni Zhuen ngunit wala silang magagawa kaya naman ay hinayaan na lang nila at iyon ang sinabi nila sa kanilang mga pinagsisilbihan.
"Ipinatawag ko kayong lahat sa main hall na ito para sa tatlong bagay na marapat lang ninyong malaman." Paunang sambit ni Li Chao at halata namang nakikinig ang lahat sa kanya at lahat ng atensyon ay sa kanya, "Ang una ay ang tungkol sa pagdagdag ko ng magpapatrol sa buong mansyon."
"Master, bakit ka naman po mag dadagdag? Dahil ba sa nangyari kay Miss Muen? Hindi ba't masyadong sobra naman ata yun? Okay na naman si Miss Muen ah." Kaagad na sabat ni Li Max.
Malamig ang tingin na ipinukol ni Li Chao at Quin Qin Xi kay Elder Max at kaagad naman itong nagpangatog sa matanda, "Elder Max, mukhang nagkakalimutan na ata tayo sa kung anong estado ang mayroon kayo sa mansyon na ito." Sambit ni Li Chao.
"Patawad po, Master Chao."
"Elder Max." Sambit ni Quin Qin Xi na may malumanay ngunit malamig na boses kaya naman kinabahan ang lahat para kay Elder Max at maging si Elder Max ay minumura ang sarili dahil sa pagsasalita nya. "Ang ibig mo bang sabihin ay walang halaga ang buhay ng anak ko sa mansyon at pamilyang ito? Na mas okay na namatay sya? Tama ba ako?"
"Hindi po, Mistrees Xi."
Hmp! Ayan napapala mo! Masyado ka kasing pabibo akala mo lagi kang tama!
Sambit ni Li Chang'e sa kanyang isipan. Kahit na walang ekspresyon ang kanyang mukha ay nagbubunyi naman ito sa kanyang isipan dahil sa sinapit ng isa sa kanyang katunggali.
"Pero bakit tutol ka sa gusto kong iparating, Elder Max? Wala pa man akong sinabing pwede na kayo magsalita pero nagsalita ka na."
Masyado kang mainit, Max! Kung ganyan na ganyan pa rin ang ugali mo simula pa noon ay hindi ka na magbabago. Ikakapahamak ko lang ang pagsama sa iyo.
Sambit ni Elder Aule sa kanyang isipan.
Si Elder Minez naman ay tahimik lang ngunit kinakabahan din sa mga pwedeng mangyari sapagkat isa din siya sa mga ayaw na mabuhay pa si Li Muen. Hindi nya alam kung bakit pero naiinis sya sa batang iyon sapagkat wala itong talento na mayroon ang kanyang magulang at kapatid. Isa siyang basura sa pamilyang Li.
"Elder Max, dahil sa paglabag mo sa kagustuhan ko." Sambit ni Li Chao at malamig na nakatitig kay Elder Max. Alam na din ng lahat kung ano ang mangyayari sa susunod, "Ikaw ay inaalis ko sa pagiging Elder ng pamilyang ito."
"Master..."
"At aalisin ka rin sa mansyong ito." Sambit naman ni Quin Qin Xi, "Hindi namin kailangan ang isang matandang kagaya mo na masyadong masama mag isip. Nakakasira ka sa repotasyon ng pamilya."
Dahil sa narinig ni Elder Max ay tumawa ito ng malakas na waring nababaliw, "Ako pa talaga ang nakakasira ng repotasyon, ha? Quin Xi at Chao?" Sigaw ni Max sa mag asawa, "Ang anak nyong walang kwenta ang nakakasira sa repotasyon ng Li Clan kaya bakit hindi sya ang palayasin nyo sa pamilya? Bakit ako na marami nang naiambag!"
"Marami ka nang naiambag pero ang puso mo ay puno ng hindi mabubuting layunin." Walang ganang sambit ni Li Chao, "Kung ayaw mo umalis edi mabulok ka na lang sa selda. Guwardiya! Dalhin si Max sa kulungan ng mga kriminal."
Nagwawala si Li Max sa kinahinatnan nila at ang lahat ay kinakabahan pa sa mga maari pang mangyari sa kanila. Alam nila na isang maling galaw at salita lang ay magagaya na sila kay Li Max na ipinatapon sa kulungan ng mga kriminal at kahit na magsisigaw pa sila at humingi ng tawad ay hinding hindi sila papakinggan ng mag asawang puno ng pagmamahal sa kanilang mga anak.
"May tutol pa ba sa pagdagdag ng patrol?" Sigaw ni Li Chao at walang may gustong magsalita kaya naman tumaas ng kamay si Li Chang'e.
"Wala akong tutol sa kagustuhan mo, Li Chao. Dahil para lang din naman sa kaligtasan ng lahat ng iniisip mo at hindi lang para sa isa." Nakangiting sambit nito.
"Hindi din ako tumututol." Dagdag naman ni Riaz.
"Ganoon din ako." Sambit pa ni Chuxie.
Wala na namang nagawa pa si Aule at Minez kung hindi ang sumang-ayon kay Li Chao at kay Quin Qin Xi dahil wala din naman silang benepisyo na makukuha sa pagsalungat sa namumuno sa pamilya. Ayaw din nila na mangyari sa kanila ang kinahinatnan ni Max kaya naman hindi na sila sumalungat pa.
Bagamat wala silang balak na sumalungat ay binabantayan pa rin sila ni Quin Qin Xi dahil alam nya na ang kasama ni Max ay ayaw kay Li Muen at unti unti ay aalisin nila ang mga taong may ayaw sa kanilang anak. Kung hindi magbabago ang mga taong iyon ay marapat na alisin na lang sa pamilyang Li.
Sa kabilang banda naman si Zhuen ay Li Muen ay nakangiti sa kinahinatnan ng usapan tungkol sa pagdadagdag ng patrol. Hindi man nila inaasahan na mapapaalis si Li Max sa posisyon nya na nakapagpadagdag pa sa kasiyahan ng dalawa.
"Ang susunod ay ang tungkol sa Li Family Competition. Ito ay bukas para sa lahat ng batang henerasyon na may taglay na qi sa katawan. Alam ko na mahigit limangpu ang mayroong qi sa pamilya natin at masaya ako sa kinahinatnan nito. Kaya naman tatlongpu't siyam na araw mula ngayon ay gaganapin ang Li Family Competition kung saan ay ang mananalo ay magkakaroon ng panahon para magsanay sa river vine."
Napasinghap naman si Li Muen sa kanyang narinig. Ayon sa memorya ng dating may ari ng katawan ang River Vine ay ang isa sa pinaka malakas na lugar na hawak ng pamilya nila na punong puno ng qi aura. Nakakatulong ito para makapagpataas ng level ang mga qi user at ang tawag nila dito sa pagpapatas ang level ay cultivation.
"Zhuen, mahirap ba mag-cultivate?"
Nagulat naman si Zhuen sa tanong ni Li Muen at napaisip ito, "Kung pinanganak ka pong may spiritual root hindi ito mahirap para sa isang tao pero kung kagaya nating mga babae na iilan lang ang mayroon ay malabo ito."
"Bakit?"
"Kadalasan po kasi lalaki ang nagkakaroon nito."
Magtatanong pa sana si Li Muen nang marinig naman niya ang boses ulit ng kanyang ama. "At kapag lumabas kayo sa River Vine na tumaas ang cultivation level nyo ng tatlo ay papayagan ko kayo na pumasok sa treasure room at mamili doon."
Nagsiingayan naman ang lahat sa kanilang narinig at naging masaya sa desisyon ng kanilang master pero hindi ito ang pinaka dahilan kung bakit sila pinatawag sa main hall kasa ang mga taga-silbi kaya naman hindi nila magawang magsaya. Alam nila na ang ikatlong sasabihin ng kanilang master ang pinaka dahilan ng lahat.
"Ang panghuli sa lahat." Lahat ay kinakabahan sa sasabihin ng kanilang punong tagapamahala ng kanilang bahay. "Ang nangyari sa aking bunsong anak." Kaagad naman na nawalan ng mainit na hangin sa loob ng hall at ang lahat ay wari moy nanginginig sa lamig, "Siguro naman alam ninyo kung ano ang nangyari sa anak ko, hindi ba?"
Walang sumagot sa tanong ni Li Chao ngunit nakita naman niya na tumango ang lahat. Hindi naman sekreto sa buong Li Clan ang nangyari kay Li Muen sapagkat muntik nang magwala ang kanilang mistress. Muntik an rin patayin ng Quin Clan ang mga tao na sangkot sa nangyari kay Li Muen.
Kahit na walang kaalam alam si Li Muen sa arts ay tanggap pa rin siya ng pamilyang Quin at natuto rin ito ng isang instrumento- ang flute. Bukod sa Quin Clan at sa ama at ina ni Li Muen wala nang nakakaalam pa na marunong magpatugtog si Li Muen ng fluet dahil baka akalain ng lahat na iniinsulto ng Quin Clan ang Li Clan. Kahit wala ito sa isipan ni Li Chao ay ang ama pa rin ni Quin Qin Xi ang masusunod kaya naman itinago nila ito.
"Kung gayon ay hindi ko na kailangan pang sabihin sa inyo kung ano ang mga nangyari." Iniikot ni Li Chao ang kanyang mata at tumingin ito sa kanyang kapatid. Tumango naman ang kanyang kapatid at saka nagpatuloy ng sasabihin, "Batid kong alam ninyo na may kaukulang parusa ang pagtangka sa buhay ng isang ka-miyembro ng Li Clan, hindi ba?" Kaagad naman na nagsitanguan ang lahat. "Dahil ngayon din sa main hall si Bai Zi at Li Changli!" Sigaw ni Li Chao.
Kasabay nang pagsigaw niya ay ang paglabas ng qi aura sa kanyang katawan kaya naman ang iba sa miyembro ng pamilya ay nahirapan huminga at ang iba naman ay namutla at nanginig. Kung hindi pa hinawakan ni Quin Qin Xi ang kamay ni Li Chao ay hindi pa ito kakalma at wala pa siyang balak na alisin ang qi aura na inilabas nya. Ngunit kinurot ng palihim ni Quin Qin Xi ang kamay ni Li Chao kaya naman napatingin si Li Chao sa kanyang asawa at nakita niya ang makahulugang ngiti nito kaya naman agad niyang inalis ang qi aura nya.
Kaagad naman ding nakahinga ng maluwag ang lahat ngunit namumutla pa rin ang karamihan sa takot na naramdaman nila.
Hindi ko akalain na ganito kasama ang mangyayari sa pamilya.
Hmp! Dapat na iwasan ko na si Changli jiejie hindi sya magandang halimbawa para sa akin. Ikakapahamak ko pa ang pagsama ko sa kanya.
(*Jiejie is a female term that means older sister*)
Hmp, kung hindi lang naman anak nila Master at Mistress iyang si Mei Muen hindi naman nila bibigyan ng pansin yan eh.
Samo't saring mga opinyon ang nasa isipan ng mga bawat miyembro ng Li Clan pero ni isa sa kanila walang nagtangkang ilabas iyon o hindi kaya ay ibibulong. Nang makarating na si Li Changli at Bai Zi sa main hall lahat ay tahimik at lahat ay tingin na nasa kanila kaya naman nainis si Li Changli sa masamang tingin na natanggap nya ngunit hindi ito nagsalita. Kaibahan ito ng kanyang ina na madaling mag init ang ulo.
"Anong tini-tingin tingin nyo sa amin?" Galit nitong sambit at iniwas na lang ng lahat ang tingin sa kanya. "Anong meron at nandito kayong lahat?"
May gana ka pa talagang magsalita ng ganyan pagkatapos ng ginawa mo kay Miss Muen?
Sambit ng isang taga-silbi na pinuprotektahan si Muen sa malayo. Kahit na hindi ito parte ng mga taga-silbi ni Li Muen ay tinuturing pa rin niya itong tunay na miss dahil sa insidenteng nangyari noon sa kanila ni Li Muen.
"Gusto kong tanungin ang lahat. Nasaan kayo noong nangyari ang krimen sa akin anak?" Matalim ang mga tingin at ang boses ni Quin Qin Xi sa pagtatanong nito habang nililibot niya ang kanyang tingin at tumigil ito sa mag ina. Kay Changli at Bai Zi.
Lahat ay nakapagbigay ng alibi na at napatunayan na hindi nagkaroon ng pagkikita sa kanila at kay Li Muen at tanging limang tao lamang ang nagkaroon ng pagkakataon na makita si Li Muen. Si Li Bai Zi at si Li Changli kasama na ang kanilang personal na taga-sunod at isang tao galing sa Mage Tower.
"Galing sa Mage Tower?" Tanong ni Li Chao.
Kaagad naman na kinabahan si Li Changli ay Bai Zi dahil sa tinanonh nk Li Chao. Alam ng lahat na malaki din ang kakayahan ng mga marunong sa mahika. At gaya ng mga Qi user ay may kakaiba ding kakayahan ang mga Magic user.
Higit sa lahat ang Maqi Kingdom ay ang kingdom kung saan puro Qi user at iilan lang ang nakakapasok na Magic user. Ang mga inimbitahan at kamag anak lamang ang maaaring pumasok sa kingdom.
"Paano naman nagkaroon ng Magic user sa mansyon?" Tanong naman ni Quin Qin Xi ngunit walang nagsalita kaya naman sumigaw ito, "Steward Han!"
"Nandito po ako, Mistress."
"Paano nakapasok ang Magic user sa mansyon?"
"Si Miss Changli po ang sumalubong sa kanya."
Kaagad naman nawala ang kulay sa buong mukha ni Changli at napatingin naman ang lahat sa kanya. Nagsimula nang magkaroon ng haka haka ang bawat isa sa pamilya kaya naman kaagad nagsalita si Changli.
"Binisita lang po ako ng pinsan ko."
"Pinsan? Changli sinabi ko na sa inyo ng iyong ina na huwag na muna makipag kita sa mga Magic user sa Bai Clan bakit hindi kayo nakikinig!?" Galit na sigaw ng kaniyang ama.
"Ama ano po bang masama doon? Pinsan ko-"
"Honey, pamangkin ko iyon-"
"Pamangkin? Alam naman ninyo kung anong klaseng tao ang mga magic user sa maternal family mo, Zi!"
"Ano bang problema kung bumisita ang pamangkin ko? Isa pa, wala naman syang pakialam kay Li Muen kaya bakit sya ang pagbibintangan nyo?" Galit naman na sigaw Bai Zi.
Napayukom ng kamao ang asawa nito at napatingin kay Li Chao. Sa itsura pa lang ng kapatid niyang si Li Chao alam na nito na hindi ito natutuwa sa naman nito.
Ang Bai Family ay nakasali din sa apat na mahahalagang pamilya sa buong kindom ay dahil sa kakayahan nila na makapalaki ng isang magic user. Pero dahil sa kakayahan na ito ay mas lalo pang tumaas ang tingin nila sa sarili nila.
Nanakit na noon ang mga magic user ng Bai Clan kaya naman ipinagbawal na ng Royal Family ang pagpunta sa Maqi Kingdom ng mga magic user kung hindi sila inimbitahan o kung may kamag anak silang pwedeng bisitahin.
Maliban sa Bai Clan. Hindi maaring umuwi ang mga magic user sa Maqi Kingdom kung hindi pinatawag ng Royal Family.
"Li Bai Zi, alam mo ba kung anong klaseng kasalanan ang nagawa mo?" Malumanay ngunit may halong galit sa boses ni Li Chao.
"Wala akong kasalanan dahil wala naman akong ginawang masama!"
*Slap*
Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ni Bai Zi at napatingin ito sa kanyang asawa at hindi makapaniwala na nagawa siyang saktan nito.
"Asawa kita pero hindi ko maatim na kunsintihin ang pagkakamali mo lalo na kung maiimplikahan nito ang buong Li Clan." Galit na sambit ng asawa ni Bai Li at sinamaan naman ito ng tingin ni Bai Zi, "Kung hindi mo aaminin ang pagkakamali mo hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta pa nito.
Kilala ni Bai Zi ang kaniyang asawa at alam nito na kapag sinabi nito ay gagawin nya. Yumuko na lang si Bai Zi at sinabing, "Nagkamali ako."
"Mom..."
"Chang'er." Tawag ni Quin Qin Xi at napatingin naman si Li Changli sa kaniya, "Paano at bakit mo iyon ginawa sa pinsan mo na anak ko?"
"Hindi po ako ang gumawa nun! Hindi ako ang naglason sa kanya!"
"Bakit nakita ito sa iyong silid?"
Inilabas ni Quin Qin Xi ang isang papel at nanlaki naman ang mga maya ni Li Changli nang makilala nito kung ano iyon.
"Madam... Okay na naman si Muen di ba? Bakit hindi na lang natin ipagsawalangbahala..."
Inihampas ni Li Chao ang lamesa na may kasamang qi kaya naman nasawak ito, "Ipagsawalang bahala? Hinahamon mo ba ang otoridad ko, Bai Zi?"
"Hindi, brother Chao. Okay na naman kasi si Muen bakit..."
*Slap*
Isa na namang sampal ang naibigay nG kanyang asawa sa kanya.
"Brother, pakiusap paki-parusahan na ang dalawang ito."
"Ama..."
"Para din ito sa inyo." Mahina nitong sambit.
Isang taon na nakakulong at hindi maaaring makihalubilo si Li changli na may kasamang sampung palo sa hita. Si Bai Zi naman ay inalisan ng gagawin sa second household at tatlong buwan na ikukulong sa punishment room. May kasama ring limangpung palo sa hita.
Humanda ka Li Muen, dahil sa iyo kaya ako naparusahan ng ganito. Magtutuos din tayo at sisiguraduhin kong babagsak ka at lupuhod sa harapan ko! Mapapatay din kita!
Sambit ni Li Changli sa kaniyang isipan.
Hmp! Li Clan kapag nalaman ito nila ama at ina humanda kayo.
Sanbit naman ni Bai Zi sa kanyang isipan at nag iisip ng paraan kung paano nito mapapaalam sa kanyang ama at ina ang nangyari sa kanya.
Natapos ang pagpupulong at naging usap usapan ang nangyari sa loob ng mansyon. Ang personal na taga-sunod naman ni Li Changli at Bai Zi ay ibinaba ang rango saka ito ibinenta sa slave market.