Chapter 22: Pagtatalo at Paninisi

1757 Words

“Tingnan mo, ganyan ba ang gusto mong mangyari sa kanilang dalawa? Kasalanan mo ang lahat ng ito, Lily! Sana hindi ka na lang nakialam sa desisyon ni Louie,” sobra ang paninisi ni Ruth kay Lily. Nang una pa lang, ayaw na makialam ni Ruth sa pagitan nina Louie at Mikaela. Alam kasi niya na balang araw, masasabi din ni Louie ang lahat. Iyong nasa tamang panahon at nasa mabuting kalagayan si Mikaela. Subalit, ipinipilit ni Lily ang kanyang kagustuhan. Para sa kanya kasi, bago ikasal si Louie at Mikaela, kailangan maisiwalat ang katotohanan para sa mas lalong matibay na pagsasamahan. Ngunit, hindi naisip ni Lily ng mabuti kung ano ang magiging resulta talaga nito. “Pati ang pagkakaibigan natin nadamay nang dahil sa ‘yo!” galit na sinumbatan ni Ruth si Lily. Dinuro-duro pa niya ito. Walang nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD