Chapter 2: Accidentally One Night Stand

1740 Words
UMALIS sila sa mall, para iwasan na nila si Richard. Sinusundan kasi sila ng binata dahil hindi siya naniniwala na may ama ang pinagbubuntis ni Mikaela. Hindi na rin kasi komportable ang nararamdaman ni Mikaela dahil sa nangyari. And take note, kasama pa nila si Louie Valdez. Why? Because he was the one who invited them. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan si Mikaela dahil sa kalagayan nito. Para na rin maging maaliwalas ang pakiramdam ni Mikaela. Sasakyan din ni Louie ang gamit nila. “If you don’t mind, Louie. Can I ask you, where are we going?” Hindi lang matalas ang memorya ni Ruth, malakas rin ang loob niya. Hindi rin siya titigil sa pag-usisa sa binata. He just smiled and he simply glanced at Mikaela. “Mikaela, what place do you want to go?” baling ni Louie sa kanya. “W—why me?” “You’re pregnant, that’s why I am asking you, what place makes you feel comfortable?” paliwanag ni Louie. Panay kilig naman si Lily. Para siyang isang kiti-kiti sa likot. Lily couldn’t imagine having a man like Louie. Bukod sa makisig na ang binata, malambing at maalalahanin pa ito kay Mikaela. Kung si Lily ang tatanungin, botong-boto siya kay Louie para kay Mikaela. “Ano ba! Ano ang nangyayari sa ‘yo, Lily? Tumigil ka nga sa kaka-hagikgik mo,” bawal ni Ruth, saka niya siniko sa tagiliran si Lily. “Ano ka ba, Ruth. Moment ito ni Mikaela. Look at them, parang totoong husband and wife sila,” humagikgik na naman si Lily. Namula ang pisngi ni Mikaela sa narinig niya mula sa kaibigan. Napangiti naman si Louie. “Sabagay may point ka diyan. Louie, umamin ka nga sa amin. Ikaw siguro ang lalaking kasama ni Mikaela nang gabing iyon, ano?” biro ni Ruth kay Louie, saka kinalabit niya ang balikat ng binata. Pinigilan ni Louie na mag-iba ang kanyang reaksyon sa mukha. “Ruth, please stop! Nakakahiya na kay Louie. Hindi tama na pag-isipan ninyo siya ng masama,” singit ni Mikaela. “I’m sorry!” humingi ng paumanhin si Mikaela kay Louie. “Paano kung ako nga? Tutol ka ba sa akin?” “W—what?” Bumilog ang mga mata ni Mikaela. Dahil sa gulat niya, parang gustong lumabas ng kanyang baby mula sa kanyang tiyan dahil sa tindi ng kabog ng kanyang dibdib. Natulala naman ang dalawang kaibigan niya. Kung may langaw lang o lamok sa loob ng sasakyan ni Louie, malamang pumasok na sa bibig nina Lily at Ruth dahil sila ay napanganga. “Biro lang,” sabay bawi ng binata sa kanila. “Huwag kang magbiro ng ganyan baka maniwala kami sa iyo, Louie.” “How about this— paano kung pananagutan ko ang dinadala mo, Mikaela? Papayag ka ba?” “Seryoso ka?” sabay pa sina Ruth at Lily. “Yes, I’m serious!” Lumingon si Louie kay Mikaela. “Oh my God! Mikaela, this is your chance na magkakaroon na ng ama ang baby mo,” baling ni Ruth kay Mikaela. “Stop the car!” Biglang utos ni Mikaela. “Are you out of your mind?” sigaw ni Ruth. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Mikaela. Ngunit, sumunod si Louie at itinabi niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bababa na sana si Mikaela, pero hinawakan ni Louie ang kanyang kamay upang pigilan siyang lumabas. Nagkatitigan ang kanilang mga mata. “Don’t go! Yes, I know, we all know that I’m not the father of your baby but I’m serious about it, and I’m not forcing you to agree with me. Marami pang oras at panahon na pwede mong pag-isipan ang alok ko sa iyo,” paliwanag ni Louie. Nararamdaman naman ni Mikaela na taos sa kalooban ng binata ang kanyang mga sinasabi. “Mikaela,” tawag ng kanyang mga kaibigan. “Magsalita ka, let me understand your feelings,” dugtong muli ni Louie. Alam at nakikita ng binata na mayroong bumabagabag sa kalooban ni Mikaela. “I just don’t understand that…” “That?” hinaplos ni Louie ang kamay ni Mikaela. Hindi talaga maiwasan nina Ruth at Lily na makaramdam ng kilig. “You’re a total stranger, but you have the nerve to act like that. Who are you? Are we connected to each other, Louie?” “Just think that, I’m the stranger who wanted to change your life from now on,” seryoso ang mukha ni Louie. Ngunit pilit lang niyang tinatago ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang isasagot o maaaring gawin ni Mikaela ngayong nasabi na niya ng personal sa dalaga ang noong nais pa niyang sabihin. Walong buwan ang ginugol ni Louie para subaybayan si Mikaela. Para mabantayan siya ng kanyang mga tauhan kapag siya ay wala sa bansa at nasa ibang negosyo niya. Hindi alam ni Mikaela na ang lahat ng taong tumutulong sa kanyang paligid ay mga tauhan ni Louie. Sumagi sa isipan ng binata ang kanilang nakaraan. “WHERE is she?” dumagundong ang malakas na boses ni Louie sa loob ng kanyang bahay na nasa penthouse. “Kasi po boss ang bilis niyang tumakbo. Sinubukan namin siyang pigilan, pero hindi siya nakinig at parang takot na takot siya.” “Bakit? Ano ba ang sinabi ninyo sa kanya habang wala ako?” “Wala po kaming sinasabi, boss. Maniwala kayo sa amin. Nagulat na lang kami nang makita namin siya tumatakbo palabas sa penthouse. Pansin din namin na nahihilo pa siya,” paliwanag muli ng tauhan ni Louie. Kinuyom ng binata ang kanyang mga palad. “Simula sa araw na ito, hanapin at kilalanin ninyo siya. Huwag kayong tumigil kahit saan kayo makarating,” isang nagbabagang utos ang binitawan ni Louie sa kanyang mga tauhan at tinalikuran na niya ang mga ito. “Grabe! Ang lakas ng tama ni boss sa babaeng iyon. Isipin mo ha, saan natin hahanapin ang magandang babae na iyon,” banggit ng isang tauhan habang kinakamot ang kanyang ulo. “Tanda mo naman ang magandang mukha niya ‘di ba?” “Oo.” “Pwes, magsimula na tayong maghanap baka anumang oras ay nagliliyab na ang hotel na ito sa galit ni boss,” anyaya ng isang tauhan ni Louie sa kasama. SAMANTALA, pabagsak sinara ni Louie ang pintuan sa kanyang silid. Sariwang-sariwa sa kanyang alaala ang mainit na naganap sa kanilang dalawa ni Mikaela. Naririnig pa ni Louie ang boses ni Mikaela. Naamoy pa rin niya ang pabango ng dalaga. “I will find you!” bulong ng isipan ni Louie. Hindi tumigil sa paghahanap ng mga tauhan ni Louie. Maski ang binata kapag may pagkakataon siyang hanapin si Mikaela, ginagawa niya. Hanggang sa naisip niya ang bar kung saan niya unang nakita at pinagmasdan ng kanyang mga mata si Mikaela. Bumalik si Louie sa bar. Hindi niya nakita si Mikaela, ngunit si Ruth at Lily ay naroon. Ang dalawang ito ang inutusan ni Louie sa kanyang mga tauhan. Hanggang sa natunton nila si Mikaela. “Boss,” tawag ng isang tauhan niya sa kanyang cellphone. “Make sure na may magandang balita kayo sa akin about the woman I am looking for,” dire-diretsong sagot ni Louie. “Yes, boss. Mikaela Baltazar ang tunay niyang pangalan at— “hindi natapos ng tauhan niya ang kanyang sasabihin dahil sa sobrang galak ni Louie nagsalita na siya kaagad. “Nakita mo ba siya? How is she?” “Mas maganda po siguro boss, kung pumunta ka dito. Nandito kami sa ospital, dito namin siya naabutan.” “Hospital? Why? I-text niyo sa akin ang address. Hintayin niyo ako diyan,” tugon kaagad ni Louie. Mabilis na umalis si Louie sa kanyang penthouse, nang matanggap na niya ang mensahe mula sa kanyang tauhan. At swerte siya dahil malapit lang sa kanyang lugar ang ospital. Nang marating niya ang parking area, bumaba siya agad sa kanyang sasakyan at halos patakbo na siyang naglalakad papasok ng ospital. Bumungad sa kanya kaagad ang inosenteng mukha ni Mikaela at siya ay napahinto. Parang nagwawalang kulog ang kanyang puso. Ngunit, hindi man lang siya tinignan ni Mikaela at nilampasan niya lang si Louie. Umiiyak ang dalaga habang akay siya nina Ruth at Lily. Umupo sila sa upuan habang nakatalikod si Louie sa kanila. “It’s okay, Mikaela. Don’t cry. Be happy pa rin kahit isang matinding hamon sa buhay ang mararanasan mo,” pinapagaan ni Ruth ang damdamin ni Mikaela. “Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Kahit ano ang pilit ko sa aking sarili hindi ko makita ang mukha niya at matandaan ang lugar na iniwan ko. Ano ang sasabihin ko sa magiging baby ko kapag nagtanong na siya tungkol sa kanyang ama?” luhaan si Mikaela. Nagulat si Louie at parang nawalan siya ng pag-asa dahil buntis si Mikaela. Pakiramdam niya nasayang ang lahat ng oras na ginugol niya. Ngunit bago humakbang ang mga paa ni Louie palayo sana kay Mikaela, nagsalita si Ruth. “Bakit kasi iniwan mo kami nang gabing iyon kung lasing ka na? Sana kahit sumubsob ka man lang sa lamesa.” “Hindi ko na alam, Ruth. Natatandaan ko pa kung ano ang nangyari sa bar. Umalis ako dahil gusto ko nang umuwi. Nang nasa labas na ako hindi ko na makayanan. May sumalo sa akin na lalaki, ang akala ko si Richard. Pero hindi pala,” umiyak nang umiyak si Mikaela. “R—richard?” dumaloy sa isipan ni Louie. Lumingon ng bahagya si Louie kay Mikaela. Nang gabing iyon kasi, akala ni Mikaela si Louie ay si Richard. “Ibig sabihin ang nangyari sa amin nang gabing iyon ay may nabuo sa kanyang sinapupunan at walang duda na, I am the father?” “MIKAELA, Louie, titingnan niyo na lang ba ang isa’t isa?” basag ni Lily sa katahimikan ng dalawa. Napayuko si Mikaela. Tumingin naman si Louie sa daan at huminga ng malalim. “Gutom ka na, kain na muna tayo atsaka hatid na kita sa inyo,” sabi na lang ni Louie kay Mikaela para maiba na ang kanilang usapan. Hindi alam ni Mikaela kung bakit hindi siya makasagot. “May something diyan kay Louie,” mahinang bulong ni Ruth kay Lily. “Pansin ko rin?” mahinang bulong din ni Lily. Atsaka sabay silang tumango sa isa’t isa. Pinaandar nang muli ni Louie ang kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD