Chapter 3: Unexpected Offer

2027 Words
DUMIRETSO ang sasakyang gamit ni Louie sa kanyang hotel. Kung saan niya inuwi si Mikaela, walong buwan na rin ang nakalipas. Hangga't maaari, itatago muna niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Ayaw munang aminin ni Louie kay Mikaela na siya ang ama ng bata, dahil nais niya na mismo si Mikaela ang maka-alala sa lahat. Nag-park siya sa tapat ng kanyang hotel. Bumaba kaagad siya at hinagis niya ang susi ng kanyang sasakyan sa isang lalaki at kumindat ang kanyang kaliwang mata. Isang senyales na ihatid ng lalaki ang kanyang sasakyan sa pribadong lugar niya.  Pinagmasdan nina Lily at Ruth ang nasa paligid habang sila ay nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Mula sa itsura ng labas ng hotel, ang tindig ng mga guwardiya, may class ang uniform ng bawat empleyado na kanilang nasisilayan. Mukhang hindi isang cheap na hotel ang kanilang pinuntahan. Samantala, si Mikaela ay natutulala pa rin sa alok ni Louie sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan. Pinagmamasdan niya ang kanyang mga kamay habang siya ay nag-iisip. Nawaksi lang ito at siya napasigaw sa gulat nang biglang buksan ni Louie ang pinto ng sasakyan. Huminga nang malalim si Mikaela habang bahagya niyang kinakabog ang kanyang kaliwang dibdib.  “I’m sorry! Nagulat yata kita, are you okay?” nag-aalala na tanong ni Louie kay Mikaela. Napapikit ang mga mata ni Mikaela at pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Mahirap talaga sa isang babae ang may dinadala sa kanyang sinapupunan. Sobrang emosyonal ng mga ito. Marahil siguro dahil sa isa pang buhay na bitbit nila. Hinaplos ni Mikaela ang kanyang tiyan at nagmulat ang kanyang mga mata.  “It’s okay, I’m fine! Wala kang kasalanan, may iniisip lang kasi ako kaya hindi ko na rin napansin ang galaw mo,” paliwanag ni Mikaela at ngumiti ang kanyang mga labi. Gumanti rin ng isang matamis na ngiti si Louie sa kanya. Saka nilahad ng binata ang kanyang kanang palad sa harapan ni Mikaela. Nais na ni Louie na lumabas na si Mikaela mula sa loob ng sasakyan.  “Ang sweet!” wika ni Lily at kinurot-kurot niya ang braso ni Ruth, na halos kalalabas din nila sa kotse.   “Huwag ka ngang masyadong magpadala sa emosyon mo. Nakakalimutan mo na ba? Ngayon pa lang natin nakilala si Louie,” bawal ni Ruth kay Lily.  “Ay, ang bitter mo beks!” tugon ni Lily. Samantala, parang walang naririnig sina Mikaela at Louie. May sarili silang moment. Hinawakan ni Mikaela ang palad ni Louie. Para sa kanya, wala naman masama kung tatanggapin niya ang magandang-loob ng binata sa kanya. Nang makalabas si Mikaela mula sa loob ng sasakyan, inalalayan pa siya ni Louie sa pamamagitan ng paghawak nito sa balakang niya.  “Be careful,” bulong niya kay Mikaela. Tiningnan lang siya ng dalaga at namula ang pisngi nito. “Grabe! Kasing pula mo na ang mansanas, Mikaela. Kahit buntis ka, nag-uumapaw pa rin ang kagandahan mo. Ikaw na! Uwi na tayo, Lily. May nanalo na, e!” wika ni Ruth. Kahit ano ang pigil niya na huwag magpaapekto sa sitwasyon na nangyayari, para kasing umaaligi lang si Mr. Kupido sa kanilang paligid. Napangiti bigla si Louie. Napahalakhak si Lily.  “Marupok ka rin, beks!” pagbibiro ni Lily kay Ruth.  “Hay naku! Oo na! Oo na! Pero you know what, Louie? Mas lalong lumalabas ang pagka-adonis mo kapag ngumingiti ka. Hindi ba, Mikaela?” Tuluyan nang lumabas ang pagka-makulit ni Ruth.  “W-why me?” sagot agad ni Mikaela, saka niya sinulyapan ang binata.  “Kunwari ka pa, pero pasulyap-sulyap ka rin kay Louie. Naku, kung ako lang ang nasa kalagayan mo, hindi na ako magdadalawang-isip na tanggapin ang alok ni Louie,” paliwanag ni Lily.  “Shall we go? Baka gutom na ang baby ni Mikaela,” anyaya na lang ni Louie sa kanilang tatlo.   “Pansin ko lang, bakit si Mikaela lang ang lagi mong inaalala? Nandito rin kami, gutom na rin kami,” salita nang salita si Ruth.  “Tara na, pabayaan niyo na lang siya,” anyaya ni Lily kina Louie at Mikaela.  Nang papasok sila sa loob ng hotel, pinandilatan ng mata ni Louie ang kanyang mga tauhan. Ayaw niyang malaman ni Mikaela na siya ang may-ari sa hotel at sa restaurant na kakainan nila. Hanggang sa silang lahat ay umupo na at nag-order na si Louie ng pagkain. Lahat ng special dishes nila sa hotel ay pinahanda niya.  “Okay, getting to know each other tayo while waiting for the food, right Lily?”   “Yes, of course! We would like to know you more Louie. Hindi mo maiiwasan ito dahil hindi lang basta kaibigan ang turing namin kay Mikaela,” paliwanag ni Lily.  “I know and I understand. Ano ang gusto niyong malaman sa akin?”   “No need, Louie. Ruth and Lily, please stop!”  “It’s okay, Mikaela. Before anything else, I need their trust too.”  “Hindi na kita tatanungin kung mayaman ka. Sa lugar pa lang na ito, mayaman ka na at kayang-kaya mong buhayin si Mikaela at ang baby niya,” banggit ni Lily. Daig pa nito ang tunay na nanay ni Mikaela kung makapagsalita.  “Lily!” saway pa rin ni Mikaela.  “Baka naman may kasintahan ka na? O kaya naman, asawa? Naku Louie, ayaw namin na mas lalong magka-problema si Mikaela,” banat naman ni Ruth. Kung anu-ano na ang negatibong iniisip ng mga kaibigan ni Mikaela.  “I don’t really like women!” diretsong sagot ni Louie. Nagulat si Mikaela. Maski sina Ruth at Lily.  “What?” inis na sabi ni Ruth.  “Let’s go, Mikaela. That man is crazy. Wala kang mapapala riyan kahit gwapo at mayaman,” bulalas ni Lily. Iba kasi ang tumatakbo sa kanilang mga isipan. Iniisip nila na baka pusong babae si Louie. Na baka kaya niya gustong panagutan si Mikaela dahil nais nitong magkaroon ng instant anak. Tumayo si Lily at hinila ang kamay ni Mikaela. Nakatitig si Mikaela kay Louie. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak sa sinabi ng binata. Hindi siya makapaniwala. Ngunit, nang tatayo na si Mikaela para sumama kay Lily at Ruth, nagsalita si Louie.  “But…” Napalingon silang muli kay Louie.  “But?” inis na inis pa rin si Ruth. Gusto niyang tirisin si Louie na parang kuto.  “May nakilala akong isang babae na bumihag sa aking puso nang isang gabi lang. Kaya nagbago ang pagtingin ko sa mga babae, nang dahil sa kanya.”  “What do you mean? Ibig sabihin may ka-relasyon ka nga ngayon?”  “Wala,” kaagad na sagot ni Louie.  “Sino ang babaeng sinasabi mo?” umupo muli si Lily.  “Hindi ko rin siya kilala. Bigla na lang siyang nawala,” paliwanag ni Louie habang nakatingin siya kay Mikaela. Unti-unting ipapaalala ni Louie kay Mikaela na siya ang lalaking kasama niya nang gabing iyon. Samantala, si Mikaela ay hindi niya pansin kung ano man ang sinasabi ni Louie dahil masakit ang kanyang tiyan.  “Can I go to the comfort room?” paalam ni Mikaela.  “I’ll go with you,” sabi naman ni Louie.  “Stay there and we will talk. Lily, samahan mo si Mikaela,” utos ni Ruth. Nagmadali si Mikaela na pumunta sa comfort room dahil naiihi na talaga siya.  “Now, tell me. Are you that man, Louie?” titig na titig si Ruth.  “Man?”  “Ikaw ang kasama ni Mikaela nang gabing iyon, tama ba ako?” Seryoso pareho ang mukha nina Louie at Ruth. Ilang segundo rin nagkakatitigan ang kanilang mga mata. Nagdadalawang-isip si Louie kung ipagtatapat ba niya ang lahat sa kaibigan ni Mikaela. Hanggang sa may biglang plano ang sumagi sa kanyang utak.  “Yes!” Wala nang magawa si Louie kung hindi umamin sa kaibigan ni Mikaela. Isa pa, kailangan niya ang mga ito para matulungan siya kay Mikaela.  “Oh my God! Paano nangyari ang— alam mo na!”  “Tone down your voice! I’ll explain everything to you and to Lily. For now, help me. That night…”  “That night….” nabibitin si Ruth. Huminga nang malalim si Louie.  “I fell in love with her that one night. And until now, my heart needs and wants her,” paliwanag ni Louie.   “Why don’t you just tell everything to her. Why, Louie?”  “Because, I want her to remember everything on her own. Me and this place. Please don’t tell her,” patuloy na paliwanag ni Louie. Nakiusap na rin siya.  “This place? So, it means…. dito nabuo sa lugar na ito ang baby?”  “Ako ang may-ari ng hotel na ito.”  “Wow!” nagulat si Ruth at napatayo.  “Just calm down, Ruth. Hindi ko rin akalain na ganun ang mangyayari sa aming dalawa ni Mikaela. That night na nakita ko siyang palabas sa bar na nahihilo sinundan ko siya kaagad dahil may mga lalaking sumunod sa kanya.”  “Then?”  “Nagpanggap akong kasintahan niya sa mga lalaking gustong mambastos sa kanya. Sinakay ko siya kaagad sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan siya nakatira kaya dinala ko muna siya dito sa hotel ko, dahil alam kong mas mapapabuti siya sa lugar na ito.”  “Mapapabuti? Lumaki nga ang tiyan niya. Teka, paano nangyari ang sa inyong dalawa?” usisa pa rin ni Ruth. Nagiging tsismosa na siya.  “Dahil nililinis at inaasikaso muna ng mga tauhan ko ang kwarto na dapat tutulugan niya, dinala ko muna siya sa penthouse ko. Kaso….”  “Kaso?” Excited si Ruth.  “Binabanggit niya ang pangalan ni Richard. Pagkatapos ‘yon…”  “Ano iyon?”  “Iyon na, nagsimula na siyang… alam mo na. Lalaki ako Ruth, tsaka hindi ko napigilan ang sarili ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit? Pero nang mga oras na iyon— hindi ko na rin talaga alam.”  “Ibig sabihin si Mikaela ang nagsimula, nang dahil kay Richard. H***p talaga ang lalaking iyon!”  “Sinong hayop na lalaki na iyon?” sakto ang pagdating muli nina Lily at Mikaela.  “What’s happening? Can we just go?” Natakot bigla si Mikaela. Akala niya ay nagtatalo sina Ruth at Louie.  “No!” sabay nagsalita sina Louie at Ruth. Magkaiba ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa. Ayaw ni Louie na malaman muna ni Mikaela ang katotohanan. Gusto naman sabihin ni Ruth ang lahat.   “Wow, ha! Sabay pa kayo. Bigla kayong naging close, ilang minuto lang kami sa comfort room,” biro ni Lily. Huminga nang malalim si Ruth at nakuha niya ang ibig sabihin ng mga mata ni Louie.  “Naisip ko lang na manatili tayo dito para mas lalo natin makilala ang isa’t isa. Wala naman akong nakikitang masama sa mga paliwanag sa akin ni Louie kanina habang wala pa kayo,” paliwanag ni Ruth. Nag-iisip na rin si Lily. Si Mikaela naman, kumakalam na ang kanyang sikmura at ito na ang kanyang napapansin.  “Thank you!” pasasalamat ni Louie.  “Thank you? May bayad ‘to,” pangiti-ngiting biro ni Ruth.  “Na— na—” hindi matuloy ni Mikaela ang kanyang sasabihin dahil siya ay nahihiya.  “Na?” malumanay na sabi ni Louie.  “Nagugutom na ako,” hindi na napigilan ni Mikaela ang sarili. Nag-follow up si Louie kunwari sa sarili niyang mga tauhan. Samantala si Ruth, nagmadali siyang nag-mensahe kay Lily. “LILY, MAY SASABIHIN AKO SA ‘YO, BEKS! TIYAK NA MAGUGULAT KA. SASABIHIN KO LANG KAPAG HINDI NA NATIN KASAMA SI MIKAELA. BASTA HINDI PWEDENG KASAMA NATIN SI MIKAELA. NAIINTINDIHAN MO?” Naka-capslock talaga ang mga letra ni Ruth dahil sa sobrang gigil at galak niya.  “Lily, narinig ko ang cellphone mo. Mukhang may tumatawag o may nag-text. Silipin mo nga,” pagpapanggap ni Ruth. Sumunod naman si Lily at nabasa niya ang mensahe. “EXCITED NA AKO. KAHIT PARANG ALAM KO NA IYAN. TAMA AKO SA HINALA KO. HINDI AKO TANGA, BEKS! SI MIKAELA LANG ANG WALANG KAMUWANG-MUWANG SA MUNDO,” sagot din ni Lily sa mensahe ni Ruth, na naka-capslock rin ang mga letra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD