Humakbang na din ako papuntang coffee shop ilang metro ang layo mula rito. Nag-text si Alex, ang photographer. Ang sabi niya ay dito na daw kami magkikita. Magkasunod lang kaming pumasok sa coffee shop. "Hi, looking good." Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Naupo kami malapit sa glass wall dahil doon na lang ang bakante. "Ano'ng gusto mo?" tanong niya nang makaupo na kami parehas. "Hindi na ako oorder. Kakatapos ko lang kumain eh," tanggi ko. "Give her chocolate chip frappe," order pa din niya sa waiter. Pag-alis ng waiter ay inabot niya sa akin ang kulay itim na clear book. "Ito na ba 'yun?" excited kong tanong. Inabot ko ito at dahan-dahang binuklat ang cover. Mangha kong pinagmasdan ang unang larawan ko. Nakatagilid ako at bahagyang nakatingala habang ang kaliwang kamay k