Hindi ako makatulog dahil sa halik na pinagsaluhan namin ni Jetro. 'Gang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang malambot niyang labi sa aking mga labi. Tinapik ko ang aking noo dahil nahihibang na naman ako. Gusto kong sumigaw sa kilig at inis na nararamdaman ko. Kung bakit kasi siya ang una kong nakita noon? Dapat si Bjorn na lang ang una kong nakita pagtunton ko ng Manila, para sa kaniya ko maramdaman ang kabaliwang ito. Tiyak na hindi pa ako mabibigo, dahil sabi nga niya may gusto siya sa akin. Kakalimutan ko na talaga kita si Jetro. Hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kaniya kundi inis. Inis dahil sa pagnanakaw niya ng halik sa akin at sa paglalaro sa aking damdamin. Inulit-ulit ko ito sa aking isipan. Kinukumbinsi ang sarili na kalimutan na siya. Na hindi ko na siy