"P-private room?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Tumigil ako sa paghakbang dahilan para mapahinto din siya sa paglalakad dahil akbay-akbay niya ako. "Ano'ng meron sa private... room?" Tumikhim ako. Napapalunok ako sa kaba. Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa nagtatanong kong mukha. Kinagat niya ang kaniyang labi sa pinaka-sexy at pilyong paraan. Tila nagpipigil itong tumawa. Ngumisi siya kapagkwan. "A bed, handcuffs, chains and..." Ngumisi siyang muli at para bang pinag-iisipan niya ng mabuti ang kaniyang sasabihin. Tiyak na napansin din niya ang kaba sa aking mukha, kaya hindi na niya napigilang tumawa. "Let's go. Madami kasing istorbo dito kaya du'n na lang tayo. I'm kinda famous here. You know." Nagkibit balikat siya. Nagpatianod naman ako sa pag-akay niya sa akin haba