PAGKATAPOS naming magsukat ng gown na susuotin para sa kasal nina Ate Tasha at Adrian ay sakto namang dumating dito sa boutique si Almira. Sinundo ako dahil isasama daw niya ako sa paggala buong araw. Naging busy ako sa trabaho netong mga nagdaang linggo kaya matagal din kaming hindi nakapagkita. "Magpa-spa muna tayo," aniya habang naglalakad kami patungo sa kaniyang sasakyan. "Baka mahal du'n ha," agap ko. Baka doon pa maubos ang perang naitabi ko. "Sagot ko na. Naka-promo sila ngayon. Fifty percent off. Eh, 'di parang binayaran ko lang ang regular na services nila." Ngumiti ako at nagpasalamat. "Loka, kailangang regular ka sa spa." Saglit niya akong binalingan. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa aking paa. "Infairness, ha, pantay na ang kulay mo. Mukha ka ng tao,"