Pinigilan ko ang aking sarili na sulayapan o lingunin siya habang nasa biyahe kami. Pinakaiiwasan kong mapagmasdan ang taglay niyang kakisigan dahil baka kung ano'ng kagagahan na naman ang pumasok sa aking isipan. Baka madala na naman ako at maging baliw na naman sa kaniya. Not again, Cecilia. Nagawa mo na siyang iwaglit sa isip mo sa loob ng ilang araw. Sana walang trapik para makarating na kami agad. Bukod sa gutom na ako at pagod ay gusto ko na ding makaalis sa loob ng sasakyan niya. Hindi na naman normal ang pagtibok ng traydor kong puso dahil sa presensya niya. Hindi mo na siya dapat magustuhan, saway ng isip ko. Tama. Hindi dapat -- kasi kahit magunaw pa yata ang mundo malabong magustuhan din niya ako. Pag-park niya ng kaniyang sasakyan sa front yard ng mansyon nina kuya